PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Bahan "happier" after breakup with Patrick Ramirez

"Happy ako sa mga nakapaligid sa akin."
Dingdong Bahan (L) has moved on from his breakup with Patrick Ramirez
Dingdong Bahan's portrayal of Ferdz in The Art of Breaking Up hits home. Like his character, Dingdong is also moving on from a breakup.
PHOTO/S: Mark Ching (main); Tin Baylon (inset)

Proud si Dingdong Bahan na ipakita ang husay niya sa pag-arte sa stage play na The Art of Breaking Up, ang bagong produksiyon ng Teatro Kapamilya na ipapalabas na sa November 6, 2026.

Kapansin-pansin ang improvement ng acting skills ni Dingdong sa stumble-through o open rehearsal ng play, na napanood ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 17, 2026. sa PETA Theater Center sa Quezon City.

Sa isang eksena, ipinakita ang madramang pakikipag-break ni Ferdz, karakter ni Dingdong, sa kanyang long-time boyfriend.

Damang-dama niya ang role. Tila nakaka-relate siya?

Pero kapag hindi na nakasalang, kitang-kita na magaan ang aura ni Dingdong. May pagkakataon pa nga na pasayaw-sayaw siya sa sulok habang naghahanda sa susunod na eksena.

Dingdong Bahan in The Art of Breaking Up
Dingdong Bahan during the stumble-through for The Art of Breaking Up
Photo/s: Mark Ching
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ng PEP, isa ba ito sa kanyang mga preparations bago umarte?

“Yes, yes,” ang mabilis niyang sagot. “Kailangan ko pinipisil na yung muscles ko to... parang ma-immerse ko na yung sarili ko na, ‘Oh wait, I'm gonna play.’

"Kasi I'm a happy person now. Happier person, so para akong clown nila dito.

"But in order for me to get into the scene, kailangan ko talagang mag-emotional prepare, and one of that is yung wala akong ibang hinahawakan kundi kamay ko.”

Read: Bimby Aquino wants to be Philippine president: "Absolutely!"

HAPPIER DINGDONG

Bakit siya mas masaya ngayon?

“I'm happier because, the first time na lumabas ako publicly just this year, I think May, nagsunud-sunod yung trabaho.

"So all I have to do is to wake up and show up. Sobrang saya ng life ko ngayon.”

Matatandaang noong April ay naibalita ang breakup ni Dingdong kay Patrick Ramirez.

Sikat ang DongPat tandem nila sa social media bilang openly gay couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo silang sumikat noong naging housemates sa Pinoy Big Brother Gen 11 noong 2024.

Ang breakup ba with Patrick ang dahilan kung bakit happier si Dingdong sa ngayon?

“I think yes,” sagot niya. “Part iyon ng proseso, part iyon ng pagkakaroon ko ng regalo sa sarili ko na I need to choose myself.

"And now that I'm choosing myself, kasi nagsunud-sunod yung blessings, I think it's more of how you see your life now.

"And happy ako sa mga nakapaligid sa akin, and sa mga bago kong nakakatrabaho, every single project na ginagawa ko.”

Masaya rin ang 29-year-old actor na hindi siya iniwan ng fans.

“Kasi sobrang present pa rin sila every time na may ginagawa ako, especially pag bago.

"They're very excited, uh, they post online, and gaya ngayon, magpapadala sila ng mga food kapag may taping or kapag may rehearsals.

"So hindi pala ako nawalan. Pero nabawasan ako ng bigat sa life ko, which is now, I feel so light,” paliwanag pa niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matapos ang breakup, gusto raw muna ni Dingdong na mag-focus sa career dahil mataas ang kanyang pangarap.

“Kumbaga, nanggaling ako ng intense and public relationship, so this time, I wanna be private, and kung may darating, e, di darating.

"For now, gusto ko muna magtuloy-tuloy yung work,” saad niya.

Read: Jimuel Pacquiao's wife wants baby Clara to embrace Mexipino roots

BETTER DINGDONG

Thankful si Dingdong nade-develop ang kanyang acting skills dahil sa sunod-sunod na project na binibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Nakakatulong daw ang mga ito para mas mahasa ang talento niya sa pag-arte.

Sineryoso kasi ni Dingdong ang mga di magandang feedback sa pagganap niya sa What Lies Beneath, na unang sabak niya sa serye.

Aniya: "...kumbaga baby ko siya, and then nasundan kasi siya na may ginawa akong vertical, and another series with Ms, Sharon Cuneta and Barbie.

"So every time na nagkaka-work ako, I think nagkakaroon ako ng new knowledge and kung paano ko maseseryosohin yung craft ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Art of Breaking Up ang una niyang stage play.

Masaya siya na nakuha niya ang role dito dahil may pagkakataon siyang makatrabaho ang ilan sa mga magagaling na artista ng Kapamilya network.

“I'm pressured dahil baguhan ako, and I’m with Jake Cuenca, I'm with Janella Salvador, and other artists, Ms. Nikki Valdez…

"So sila na matatagal na sa industry, mas nakakakuha ako sa kanila ng idea how to be more professional and love your craft,” saad pa niya.

Bukod sa pagiging mahusay na aktor ay nais din niyang maging premier TV host.

“Sabi ko nga, I wanna be a Piolo Pascual and Robi Domingo. Ganun ako mag-visualize sa sarili ko.”

Ipapalabas ang The Art of Breaking Up sa PETA Theater Center sa Quezon City mula November 6 hanggang December 6.

Bukod kay Dingdong, kasama rin sa cast sina Jake Cuenca, JC Alcantara, Ruby Ruiz, Bibeth Orteza, Janella Salvador, Nikki Valdez, AJ Sison, Jude Hinumdum, Yesh Burce, Mean Espinosa, Brent Manalo, Yen Santos, Anna Luna, Jel Tarun, at Analain Salvador.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Bahan's portrayal of Ferdz in The Art of Breaking Up hits home. Like his character, Dingdong is also moving on from a breakup.
PHOTO/S: Mark Ching (main); Tin Baylon (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results