Lumipad papuntang Albay ang halos buong pamilya ni Janine Gutierrez para magbigay-pugay sa isang taong anibersaryo ng kamatayan ng kanilang long-time yaya na si Pat Espera.
Sa Instagram ngayong araw, November 6, 2026, ibinahagi ni Janine ang ilang larawan nila ng mga kapatid na sina Diego, Jessica, Maxine, at ng mommy niyang si Lotlot de Leon sa itinatayong bahay ni Yaya Pat.

Makikita rin na kasalukuyang ginagawa pa rin ang bahay ni Yaya Pat.

Read: Kate Jagdon, Beatrice Gomez’s ex, now married to Andrea Mahinay
JANINE ON YAYA PAT: "still breaks my heart that you're gone"
Saad ni Janine sa caption, nami-miss daw niya ang tagapag-alaga.
"Yayaaaa, we love you [heart emoji] we miss you everyday.
"Nakakainis na ngayon lang kami nakadalaw sa inyo, kung kelan wala ka na.
"Kala ko masasama mo pa ko dito pag matandang matanda ka na eh."
Pumanaw si Yaya Pat noong November 2025. Siya ay 72 taong gulang.
Halos apat na dekadang nagsilbi sa pamilya ni Janine si Yaya Pat.
Nakita nitong lumaki ang apat na magkakapatid.
Si Janine ay 37 years old this year.
Read: Lotlot de Leon and children mourn death of their Yaya Pat
Dagdag ni Janine: "Ang bilis na one year na. It still breaks my heart that you're gone.
"But maybe one day it will all just turn into happiness and gratitude that I got to have you.
"You're in my heart always."
Paninigurado pa niya sa Yaya, "Don't worry, tinatapos parin yung house mo, Ya. love you. Happy one year in heaven [heart emoji]"
View this post on Instagram
