Hindi ikinatuwa ni Dennis Trillo ang paggamit ng isang party supplier sa replica ng tabloid na nagtampok sa masakit na nakaraan ng kanyang misis na si Jennylyn Mercado.
Sa Facebook nitong Huwebes, November 5, 2026, tahasang pinuna ni Dennis ang supplier dahil ginawa nitong bahagi ng dekorasyon sa isang '90s-themed set-up para sa children's party ang kopya ng lumang tabloid front page.
Lumalabas na ang mismong party supplier ang nag-post sa social media.
Read: Gehlee Dangca and Calix Esguerra's acting scene sparks debate
Ayon sa aktor, nang makita niya ito ay sinubukan niyang tawagan ang supplier para makapag-usap sila nang pribado, ngunit hindi umano ito sumagot.
“Hindi ko lang mapigilang mag-react dito, tutal ayaw niyo sumagot sa tawag ko…sige dito tayo mag-usap,” panimula ni Dennis sa kaniyang post, kalakip ang screenshot ng video reel kung saan makikita ang larawan ng batang Jennylyn.
Direkta rin niyang kinuwestiyon kung bakit piniling gamitin ang tabloid clipping na naglalaman ng ulat tungkol sa karahasan, e, pambatang selebrasyon ang event na kanilang pinaghandaan.
Ang bata kasing tinutukoy sa lumang balita ay walang iba kundi ang kanyang misis na si Jennylyn, na noo'y nabalitang nasagip mula sa pambubugbog ng kanyang stepfather.
Ani Dennis: "Party Magic, bakit niyo naman napiling gamitin ito mismong kopya ng tabloid na ito? Sa theme ng children’s party pa ha? Paki-paliwanag please…
"Sa mga hindi nakakaalam, yung naka-headline na batang binugbog ay yung asawa ko. Tama ba naman na yun pa ang ilagay niyo?"
Read: Kate Jagdon, Beatrice Gomez’s ex, now married to Andrea Mahinay
PARTY MAGIC RELEASES STATEMENT TO APOLOGIZE TO DENNIS-JENNYLYN
Alas otso ng November 5 nag-call out si Dennis, at pasado alas singko ng November 6 naglabas ng opisyal na pahayag ang Party Magic upang humingi ng paumanhin kina Jennylyn at Dennis.
Sa pahayag na naka-upload sa Facebook Story, ipinaliwanag ng Party Magic na hindi sinasadyang naisama ang lumang diyaryo sa mga vintage newspaper materials na ginamit bilang dekorasyon.
Saad nito (published as is): "We would like to sincerely apologize to Ms. Jennylyn Mercado, Mr. Dennis Trillo, and their family for the inclusion of a newspaper clipping containing a sensitive story in one of our recent events.
"The clipping was unintentionally included among vintage newspaper materials used as decorative props.
"We recognize that regardless of the circumstances, such a painful and personal story should never have been used in a celebratory setting."
Nilinaw rin ng Party Magic na hindi nila layuning puntiryahin, kutyain, o bastusin si Jennylyn at ang pamilya nito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa masalimuot na nakaraan ng Kapuso actress.
As a lesson learned from the incident, paiigtingin daw nila ang kanilang internal process upang matiyak na mas maingat sila sa mga creative materials o props na gagamitin.
"We did not in any way intend to hurt anyone in the process. We take full responsibility for this oversight and deeply regret the hurt and distress it has caused.
"We also wish to respectfully clarify that there was never any intention to target, ridicule, or disrespect Ms. Mercado or her family.
"Its inclusion was not a personal statement or reference to anyone's private circumstances.
"Party Magic has always been dedicated to creating meaningful celebrations for children and families.
"We unequivocally condemn all forms of child abuse, and we would never knowingly promote, glorify, or trivialize such suffering
"We are reviewing and strengthening our internal processes to ensure that all creative materials are screened with greater care and sensitivity."
Sa huli, inamin ng Party Magic na hindi mababawi ng paghingi nila ng tawad ang sakit na naidulot ng insidente, ngunit tiniyak nitong taos-puso ang kanilang paghingi ng paumanhin kina Jennylyn, Dennis, at sa kanilang pamilya.
"We understand that an apology cannot undo the hurt this incident has caused.
"Nevertheless, we offer ours with genuine remorse, humility, and respect. To Ms. Mercado, Mr. Trillo, and their family, we are deeply sorry."

JENNYLYN'S PAINFUL PAST WITH HER STEPFATHER
Tatlong taong gulang pa lamang si Jennylyn nang maging laman siya ng balita matapos maiulat ang naranasan niyang karahasan mula sa stepfather.
Natalakay ulit ito matapos niyang magwagi sa StarStruck Season 1 noong 2003.
Hinirang si Jennylyn bilang Ultimate Female Survivor kasama ang Ultimate Male Survivor na si Mark Herras.
Read: Jennylyn Mercado: Beautiful Survivor
Base noon sa mga ulat, musmos pa lamang si Jennylyn nung naghiwalay ang kanyang biological parents na sina Jinkee at Noel Pineda.
Nagtungo umano si Noel sa South Korea habang nagtrabaho naman si Jinkee bilang domestic helper sa Dubai.
Sandaling ipinagkatiwala si Jennylyn sa pinsan ni Jinkee na si Lydia Mercado at asawa nitong si Roger Mercado, na kalaunan'y kinilalang mga magulang ng aktres.
Anim na buwan pa lamang umano si Jennylyn nang mapunta siya sa pangangalaga nina Lydia at Roger.
Nang makabalik sa Pilipinas, kinuha raw ulit ni Jinkee si Jennylyn.
Nanirahan ang mag-ina kasama ang bagong kinakasama umano ni Jinkee.
Ang nasabing lalaki ang itinurong nanakit kay Jennylyn noong tatlong taong gulang lamang siya.
Sa panayam ni Lydia sa Showbiz Central noong June 2011, sinabi niyang nagsimula ang pagmamaltrato kay Jennylyn nang iwan ito ni Jinkee sa pangangalaga ng kanyang kinakasama bago muling magtrabaho sa Dubai.
Hanggang noong madaling araw ng April 28, 1991, nakatanggap umano si Lydia ng impormasyon tungkol sa kalagayan ni Jennylyn.
Nang puntahan niya ang bata, dito raw niya nakita si Jennylyn na umiiyak at "bugbog-sarado."
Dahil dito, nagpasya si Lydia na kunin ang bata mula sa stepfather nito at humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Bahagi noon ng panayam ni Lydia: "May nagsabi na lang sa akin na si Jennylyn, minamaltrato.
"Kasi ito yatang si Jennylyn, nagsasabi na, 'Iuwi mo ako sa mama ko.'
"Itinatapon lahat ng mga gamit ni Jennylyn sa labas at iyon, nakita ko nga nung tumawag sa akin na nagkapasa na si Jen."
Ayon pa kay Lydia, tinawagan niya si Jinkee upang ipaalam ang nangyari at hilinging umuwi ito mula sa Dubai para mabigyan ng hustiya ang sinapit ng anak.
"Tinawagan ko siya sa cell phone, na 'Umuwi ka, may nangyari kay Jennylyn!'
"Oo, umuwi siya, umuwi. Pasalamat ako umuwi siya [Jinkee], isasalba niya anak niya, pero hindi!
"Ang ginawa niya... Pinakulong ko kasi yung lalaki, e, pinakulong ko.
"Pagkatapos, akala ko si Jennylyn ang inuwian niya, hindi.
"Pinalabas niya yung kinakasama niya sa kulungan!
"Si Jennylyn kinuha ko, binawi ko.
"Yun na nga, kasi torete na ang utak ko, dinala ko sa DSWD [Department of Social Welfare and Development] parang...humingi ako ng tulong.
"Sinabi ko sa kanila ang kuwento na ito: napabayaan ng nanay tapos ngayon kinukuha, ganyan.
"Ang DSWD ang nagbigay sa akin ng karapatan na para maging anak ko si Jennylyn.
"Pinabantayan pa yung bahay namin ng pulis para wala nang pumunta."
Samantala, itinanggi ng mismong biological mother ni Jennylyn ang mga umano'y paratang nina Lydia at Jennylyn tungkol sa pambubugbog ng noo'y kanyang kinakasama.
Wala rin daw nakarating sa kanyang balita na binubugbog si Jennylyn habang wala siya.
Read: Jennylyn Mercado's biological mother answers her daughter's allegations
