Magmitsa ng diskusyon online tungkol sa boundaries at paghingi ng permission ang naging acting challenge nina Gehlee Dangca at Calix Esguerra sa Pinoy Big Brother: Collab 3.0.
Nitong Miyerkules, November 4, 2026, sumalang sina Gehlee at Calix sa screen test para sa romantic vertical drama na bahagi ng kanilang weekly task.
Sa eksena, magtatapat si Calix ng kanyang nararamdaman para kay Gehlee.
Read: Meet the PBB: Collab 3.0 housemates!
Ngunit hindi niya sukat akalain na maging si Gehlee ay mayroon din palang matagal nang lihim na pagtingin sa kanya.
Sa huli, maghahawak-kamay ang dalawa matapos nilang marinig ang pag-amin ng isa't isa.
Ngunit habang magkahawak-kamay, bigla na lamang hinalikan ni Calix ang kamay ni Gehlee, na ikinabigla ng dating UNIS member.

Makikitang hindi naging komportable si Gehlee sa ginawa ni Calix dahil agad niyang pinunasan ang bahagi ng kamay na hinalikan ng binata.
Sabay sabi ng dalaga, "Huwag mo akong i-kiss, patay ako sa handler ko."

Mabilis namang humingi ng paumanhin si Calix sa nagawa niyang paghalik kay Gehlee.
housemates' reaction to Calix's unexpected kiss to Gehlee
Hindi lang si Gehlee ang nakaramdam ng pagkailang sa ginawa ni Calix.
Napansin din ng iba pang housemates gaya nina Jeo Ong, Primo Alterado, Ethan Benares, Robbie Jaworski, at Anthony Constantino na hindi naging komportable si Gehlee matapos ang eksena nila ni Calix.
Ani Ethan kay Primo: "Ako lang ba? Napangitan ako sa ginawa ni Calix kay Gehlee.
"Boundary 'yon, e, wala namang sinabi sa script. Pangit 'yon, boundary-breaking 'yon.
"Alam mo dapat 'yon kapag aktor ka, always ask permission.
"Uncomfortable talaga. I feel bad for her."
Sina Robbie at Anthony naman ay kinausap si Calix tungkol sa kahalagahan ng pagrespeto sa boundaries ng kanilang mga co-actor.
Read: Shuvee reacts to other PBB Collab 3.0 housemates liking Anthony
Saad ni Robbie kay Calix, "Lahat tayo dito mga aktor. Alam namin na kailangan mo talagang gawin sa umpisa kapag pinaplano niyo yung eksena, magba-boundary check kayo.
Dugtong ni Anthony, "We really just need to check with your co-actor, even with a small thing."
"Like a simple touch on the shoulder, like that has to get checked, even holding hands," dagdag pa na paalala ni Robbie.
Paliwanag naman ni Calix, na-carried away lamang siya sa eksena.
Aniya, "After non, nag-sorry talaga ako sa kanya. Sabi naman niya, 'Next time, don't do it again.'
"Tapos ako, sabi ko, 'Oo, hindi ko na uulitin.'"
Netizens discuss consent after Calix kisses Gehlee's hand
Hindi lang mga co-housemates nina Gehlee at Calix ang naalarma sa nagawang paghalik ni Calix sa kamay ni Gehlee nang walang paalam.
Maging sa outside world ay mainit itong pinag-uusapan.
Tweet ng isang netizen sa X (published as is): "A little reminder that consent matters, even in acting. Before making physical gestures like kissing someone's hand, always ask first.
"Just because it's part of a scene doesn't mean boundaries should be overlooked.
"Respect and consent should always come first."
Read: Baby Dolls addresses biggest issues about them
Saad pa ng isa: "Gehlee handled it with grace. She is a woman who knows herself and her worth.
"To everyone, CONSENT IS ALWAYS GIVEN; YOU ALWAYS ASK FOR IT!
"May this be a lesson to Calix and to everyone: personal space and boundaries must always be respected."
Dagdag pa ng isa, "I think wala naman talagang ill intention si calix towards gehlee and it was an honest mistake kase pag acting di talaga maiiwasan na madala sa character.
"I’m happy na fix kaagad nila to at maging lesson din na consent is a must. Props to Gehlee for being understanding."
GEHLEE FORGIVES CALIX
Dahil sa insidente, minabuti na ni Big Brother na hiwalay na kausapin sina Gehlee at Calix tungkol sa nangyari.
Read: Mavy Legaspi denies PBB Big Night debacle led to his exit
Sa nasabing pag-uusap, inamin ni Gehlee na hindi siya naging komportable sa ginawa ng kanyang co-housemate.
Sabi niya: "I understand that he got carried away. It's fine; it means he's in character.
"But I just think it would have been better if he didn't do that.
"Though I don't hate him for it. I just wish he didn't do that because he didn't ask me."
Sa panig naman ni Calix, inamin niya ang kanyang pagkakamali.
Pag-amin niya kay Big Brother, "Yung time na yon, Kuya, hindi po ako nakapag-ask ng permission. Na-kiss ko po yung hand ni Gehlee.
"Nag-sorry naman na po ako after, pero gusto ko pa rin po siyang kausapin ulit nang maayos, kasi nagwo-worry rin po ako kapag nga nalaman ng handler o mismong management na sabi niya sa akin, e magalit po sa kanya."
Dahil sa hiling ni Calix na muling makausap si Gehlee, ipinatawag ni Kuya ang dalaga sa confession room.

Dito muling humingi ng paumanhin si Calix kay Gehlee dahil sa paghalik niya sa kamay ng dalaga nang walang paalam.
Pahayag ni Calix kay Gehlee, "Yun nga, Gehlee, gusto ko lang mag-sorry about doon sa acting natin.
"Hindi ko talaga siya mini-mean, hindi ko siya sinasadya.
"Yung time na yon kasi nasa role na ako na parang gusto kong mapakilig yung mga housemates at manonood, para mapili yung pair natin na tayo yung number one.
"Mali ko lang talaga na hindi ako sa iyo nag-ask ng permission and ng boundaries nga."
Read: Shanaia Gomez stands firm on boundaries after male celeb post
Diin pa ng binata, wala siyang ibang intensyon sa kanyang ginawa.
"Nakita ko doon sa script na hahawakan ko yung kamay, and sorry dahil hinalikan ko yon.
"Sorry, wala akong other intention doon, Gehlee. I'm sorry, hindi ko talaga sinasadya and hindi ko na talaga siya uulitin, promise.
"Sorry talaga. After talaga non, super nahiya ako kung bakit ko siya ginawa. Kasi alam ko rin naman na hindi ka sanay sa ganon," aniya.
Nagpasalamat naman si Gehlee kay Calix sa muling paghingi nito ng tawad.
Saad niya rito, "I just wish you had asked me. Nabigla rin kasi ako. I'm just happy that you're aware.
"You're aware naman of what you did wrong, and sabi mo naman hindi mo na uulitin, and you know naman that you were supposed to ask now."
Sa huli, tinanggap ni Gehlee ang paghingi ng tawad ni Calix nang patawarin niya ito.
"I understand that you were maybe under pressure or got carried away. I forgive you," ani Gehlee.
