Hindi ang maging isang sikat na singer ang pinakapangarap ni Isha Ponti kundi ang maging respetadong songwriter balang araw.
Ito ang kinuwento ni Isha sa pakikipagkuwentuhan niya sa ilang select members ng media kamakailan.
"Yun po talaga yung gusto ko, maging singer-songwriter.
"And makilala because of the original songs that I make. But kung ano po, magkakaroon po ako ng opportunity, I will willingly accept it."
Biniro siya ng press kung ang pagkanta ay parang trip-trip lang niya?
Aniyang natatawa, "Hindi naman po trip-trip lang.
"Ano po, siyempre yun po, passion po talaga. Passion-driven po siya sa akin.
"And yung mga parents ko po kasi kung saan ko po talaga gusto, support lang sila.
"E, ako po kasi, feeling ko, as of the moment, gusto kong hasain pa yung songwriting ko.
"And dun ako makilala. Doon po talaga, e."
Read: Isha Ponti at Andrea Gutierrez, bida na sa sarili nilang concert
ISHA DREAMS OF WRITING SONGS FOR THESE SINGERS
May mga singers ba siyang nais gawan ng kanta?
"Yes, I would love to," sagot niya.

Nagbahagi siya ng mga iniidolong singers at artists na gusto niyang makatrabaho balang araw.
"Kasi yung mga kilala ko pong co-artist ko songwriters rin.
"But if I had the chance to collab with... to pitch a song.
"Sila Sarah Geronimo, Bini, SunKissed Lola."
May mga banda rin daw siyang nais maka-collab.
Dagdag pa niya, nais din daw niyang makapagsulat ng kanya para kina Janine Berdin, Angela Ken, Maki, Ben&Ben, Moira, at marami pang iba.
Sa ngayon, abala si Isha sa kanyang pag-aaral ng multi-media arts sa Enderun Colleges.
Read: Atasha Muhlach speaks about real score with Jacob Ang
CRIB ON THE MOVE WITH ISHA, OGIE, SITTI, JOEY G
At sa darating na December 4, 2026, magiging bahagi si Isha sa concert ng bandang Crib na Crib on the Move sa Music Museum.
Bukod kay Isha, special guests din sina Ogie Alcasid, Sitti, at Joey Generoso.

At dahil fan na fan si Isha sa bandang MYMP (Make Your Momma Proud) na katulad ng genre ng bandang Crib, masaya ang aspiring singer na makasama sa concert.
"They are very good and yung genre po kasi ng band, sobrang pasok po sa gusto ko.
"Like MYMP, yung early 2000's na genre, ganun, and sound."

Samantala, mapapakinggan pa rin sa mga music streaming platforms ang kanta ni Isha na "Kabanata" na bahagi ng kanyang album na pinamagatang L.I.K.A.S o Longing, Illusion, Kindness, Acceptance, at Self-Love.
Read: Isha Ponti turns heartbreak into music with first album L.I.K.A.S.
