Nakatuon ngayon ang oras ni Gladys Reyes sa promotion ng kanyang kauna-unahang single na "Primera Kontrabida."
At kahit sa kanyang diva era, hindi pa rin naalis sa imahe ni Gladys ang kanyang pagiging magaling na kontrabida sa mga teleserye.
May pagka-nostalgic ang kanta dahil may touch ang music video nito ng sikat na sikat na drama series nila noon ni Judy Ann Santos, ang Mara Clara.
At sa music video ng kanta, hindi siyempre nagpahuli si Judy Ann dahil kasama siya rito at ang iba pang karakter ng show na ilang taon ding namayagpag sa ere noon sa ABS-CBN.
Read: Gladys Reyes music video of new song features Mara Clara stars
Gladys recalls being a kontrabida victim before
Kahit kontrabida ang kanyang laging ginagampanan, alam sa showbiz na once of the nicest stars si Gladys.
Pero, nakaranas na raw siyang maging biktima ng kontrabida sa totoong buhay noong baguhan pa lang siya.
"Bata pa ako noon, That's Entertainment pa lang ako noon.
"Naaalala ko na, nasa out of town show kami tapos, may service kami nun na taxi pa yung uso nun na service, nasa Pampanga kami.
"Tapos nang uwian na, nung tapos na yung ano, pinababa kami nung nanay ko.
"Parang, 'Bakit andiyan pa yan?' sabi."
Hindi na pinangalanan ni Gladys ang artistang nagmaldita sa kanya.
"So, pero hindi na siya active so wala na. Hindi na...
"Pero siyempre, ginawa ko yung motivation na siyempre pag nagkaroon ako ng sarili kong sasakyan, hindi ko to gagawin sa kapwa ko.
"At ang goal ko noon is pag meron akong co-star na wala pang sasakyan tapos kung makikisakay siya, I'll see to it na with no hesitations, isasabay ko siya.
"Ihahatid ko pa sa kung kinakailangan kung kaya hanggang sa bahay niya."
Hindi raw akalain ni Gladys na magagawa iyon sa kanya kahit na newbie pa siya noon.
Kuwento pa niya, "Nakasakay na kami. Pinababa kami. And then dahil wala na kami sasakyan, nag-commute kami nung nanay ko.
"Buti may nagmagandang loob. Pinasakay kami doon sa owner-type jeep. Hinatid kami hanggang station ng bus.
"Pero bata pa po ako noon. A, nung time na yun, parang naawa ako doon sa sarili ko tsaka sa nanay ko kasi wala yung tatay ko, nagwo-work, di ba?
"Pero at the same time, it became a motivation na nasabi ko, imbes na, di ba, may iba parang gumaganti?
"Pero hindi. Ako, naging ano ko noon, 'hindi ko gagawin to sa kapwa ko sa next time na magkaroon ako ng sasakyan.'"
Read: Atasha Muhlach speaks about real score with Jacob Ang
gladys not dreaming to have a music video when she was young
Masayang panoorin at pakinggan ang music video ni Gladys dahil danceable rin ito.
Noong bata pa ba siya, ni sa hinagap ba ay naisip niyang magkakaroon siya ng music video?
Sagot ng aktres: "Hindi. Siyempre wala sa hinagap ko yun, di ba? Ako pa talaga.
"Pero sabi ko nga, singing has always been my... parang therapeutic yan para sa akin, e.
"You know, hindi man ako ganun ka musically inclined."
Sa puntong ito ay nabanggit niya ang hilig sa pagkanta ng asawang si Christopher Roxas at anak nilang si Cristophe Sommereux.
"Katulad ni Christopher actually, yung influence niya sa muisc,yun ang influence niya sa anak namin si Christophe .
"Siguro mas old soul ganyan. Ako naman, para na-stuck ako doon sa batang nineties ako yung mga songs ko, yung mga go-to songs ko.
"But I really love singing because for me, doon ko na-eexpress yung sarili mo at the same time, nadi-distress ako when I'm singing."
Read: Meet Gladys Reyes and Christopher Roxas' son Christophe
KONTRADIVA
Dahil ini-enjoy ni Gladys ang kanyang pagiging bagong diva, hindi raw muna siya magteteleserye.
Natatawa niyang kuwento: "Ay, teleserye. Actually, ang dami na pong offer, pero ayaw ko pa...
"Siguro ano, bukod doon sa napagod ako doon sa huling teleserye na ginawa ko, I'm enjoying being a kontradiva. So sabi ko nga parang gusto ko yata mag-retire sa pag-arte.
"Hindi, parang nae-enjoy ko yung moment na to na sabi ko, 'Ganda-gandahan ka lang, kumakanta-kanta ka lang,' di ba, ganyan?
"Tapos sandali lang tapos na, di ba? Hindi puyatan. Uuwi ka na, ganun. Tapos after ng ilang mong kanta, di ba? Success na.
"So, I'm enjoying this moment. Pero siyempre may mga offers na po, ganyan.
"Not only teleserye talaga na major teleserye but also mga, di ba, uso ngayon mga vertical series ganyan? Pero ano pa, e, gusto ko pang namnamin, alam mo yun?"
Kinarir daw talaga niya ang pagpu-promote ng kanyang bagong kanta.
Lahad pa ni Gladys: "Natutuwa nga isa sa mga kaibigan ko, si Eugene Domingo. Sabi niya, 'Grabe talaga yung passion mo doon, ramdam kita, e. Talagang wow, nag-Wish Bus ka pa.'
"Tawang-tawa sa akin, 'Wow, talaga nag-Wish Bus ka pa, ha?' ganyan.
"Yung talagang It's Showtime di ba, ganyan. Opening number ako sa Showtime.
"Opening number ako sa TikToClock, ganyan. Yung lahat talaga, Eat Bulaga!, lahat pinupuntahan. Yung ganyan talaga. E, bakit, di ba?
"Talaga ako naman, ano, e, talagang ninanamnam because natutuwa talaga ako dito po sa bagong journey ko.
"Even my husband is very supportive. Yung asawa ko na siyempre siya yung number one talagang unang naniniwala dito sa ginagawa ko at unang-unang natutuwa.
"Kaya naman po sabi ko nga, 'Wow, thank you Lord for this opportunity because I'm really happy doing this.'"
Mapapakinggan ang "Primera Kontrabida" sa mga audio streaing platforms mula s Star Pop.
Read: Aiza Marquez admits third party caused separation with husband
