PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BINI Mikha vows to learn from mistake after driving violation

BINI Mikha: "I promise to learn from this and do better."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 13 hours ago
BINI Mikha vows to learn from mistake after driving violation
BINI Mikha takes responsibility for using her phone while driving: "This has been a big lesson for me to be much more mindful, disciplined, and responsible moving forward. Road safety rules exist to protect everyone, and something we need to take seriously."
PHOTO/S: @bini_mikha on Instagram

Humingi ng paumanhin ang BINI member na si Mikha Lim dahil sa paggamit niya ng cellphone habang nagmamaneho.

Sa X nitong gabi ng Miyerkules, Nobyembre 11, 2026, naglabas ng pahayag si Mikha: "Hi everyone, I want to sincerely apologize for my actions.

"There is absolutely no excuse for using my phone while behind the wheel.

"It was careless and irresponsible."

Read: BINI's Mikha Lim launches activewear brand MILI Club

Inako rin ng BINI member ang buong responsibilidad sa nangyari at sinabing nakipag-ugnayan na siya sa Land Transportation Office (LTO) upang harapin ang mga parusang ipapataw sa kanya dahil sa paglabag.

"I take full accountability for what happened. I have already reported to the LTO and am going through due process to face the proper penalties for my violation," aniya.

Dagdag pa ni Mikha, magsisilbing malaking aral sa kanya ang insidente upang maging mas maingat, disiplinado, at responsable bilang driver.

Read: Kim Chiu eyes legal action vs. individuals spreading fake news

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran sa kalsada dahil layunin ng mga ito na protektahan ang kaligtasan ng lahat.

Aniya: "This has been a big lesson for me to be much more mindful, disciplined, and responsible moving forward.

"Road safety rules exist to protect everyone, and something we need to take seriously.

"I promise to learn from this and do better."

BINI MIKHA'S VIRAL DRIVING VIDEO

Nag-ugat ang kontrobersiya sa isang livestream ni Mikha sa Weverse noong November 9, habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

Sa kumalat na video online, makikitang sumasabay siya sa mga kantang pinapatugtog habang nagmamaneho.

Napansin ng mga netizens na ginagamit din niya ang cellphone habang umaandar ang sasakyan.

Nakunan din sa livestream na hindi nakahawak sa manibela si Mikha dahil abala ang dalawa niyang kamay sa paggamit ng cellphone habang umaandar ang sasakyan.

BINI Mikha faces license suspension over viral driving video
Photo/s: Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho at pagkanta, bigla na lamang nalaglag ang cellphone na ginagamit niya sa pagla-Live.

Ngunit sa halip na tumabi muna sa gilid ng kal, nagpatuloy siya sa pagmamaneho habang inaabot ang nahulog na cellphone.

Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng pagkabahala kaya't tinawag nila ang pansin ng LTO.

LTO ISSUES SHOW CAUSE ORDER VS. BINI MIKHA

Kasunod ng pagkalat ng video at mga reklamong natanggap, naglabas ang LTO noong Miyerkules, November 11, ng Show Cause Order (SCO) para kay Mikha.

Kabilang sa mga posibleng paglabag na nakasaad sa kautusan ang Republic Act No. 10913 o Anti-Distracted Driving Act, Reckless Driving, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Iniutos din ng ahensiya ang 90-day preventive suspension sa driver's license ng singer habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Read: BINI Mikha faces license suspension over viral driving video

Bilang bahagi ng proseso, inatasan si Mikha na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa November 20 upang magpaliwanag tungkol sa insidente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunman, bago pa ang itinakdang petsa ng pagdinig, boluntaryong nagtungo si Mikha sa tanggapan ng LTO kahapon, November 11, kasama ang kanyang manager.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, personal na nakipag-usap ang singer sa mga opisyal, tinanggap ang kanyang pagkakamali, at isinuko ang kanyang driver's license.

Sinabi rin ni Lacanilao na naipaliwanag na kay Mikha ang mga posibleng paglabag na nakasaad sa Show Cause Order.

"Very apologetic naman siya [Mikha], tinanggap naman niya yung pagkakamali niya," pahayag ng opisyal sa panayam ng ABS-CBN News.

Binigyang-diin din ni Lacanilao na pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas-trapiko, anuman ang katayuan sa buhay o kasikatan ng isang motorista.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BINI Mikha takes responsibility for using her phone while driving: "This has been a big lesson for me to be much more mindful, disciplined, and responsible moving forward. Road safety rules exist to protect everyone, and something we need to take seriously."
PHOTO/S: @bini_mikha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results