Balak daw mag-concert world tour si Angeline Quinto sa 2027.
May mga pagbabago ba sa performance niya ngayong isa na siyang ina?
Si Angeline ay may dalawang anak: sina Sylvio, 5, at Azena Sylvia, 2.
"Well, sa ngayon po talaga, ang malaking pagbabago siguro, yung mga, yung mga araw na minsan kailangan kong i-extend pa sa, sa ibang bansa, minsan, umuuwi na po ako. Unless kasama po ang family ko.
"Yun po yung isa sa ipinagbago."
Nagkaroon din daw ng pagbabago sa mga songs na kinakanta niya. Mas nakakapili na kasi siya.
"And siguro about sa mga songs, mas marami po akong nilalagay talaga sa repertoire ko na mas personal na kanta. Na ako talaga yung may gusto.
"At kapag ang ABS-CBN naman po, kapag meron silang mga repertoire na, naayos, nag-uusap naman kami para kung ano po yung mga ideas nila and ideas ko para sa mga songs."
Nabawasan ba ang pagbirit niya matapos siyang magbuntis at manganak?
"Noong una. Malaking-malaking nga pagbabago po. Dalawang, dalawang beses akong na-cesarean.
"At ang ginawa ko po noon nung unang panganganak ko kay Silvio, talagang nahirapan akong kumanta. Ultimo po yung mga songs na kanta ko, nahihirapan akong abutin.
"So nagbalik po ako sa voice lesson kay Teacher Kitchy Molina and kay Teacher Annie Quintos. Sila po yung tumulong sa akin para bumalik yung boses ko."
Napektuhan ba ang kanyang memory ng anesthesia nung nanganak siya?
"Bukod po kasi sa anesthesia ng panganganak, may mga anesthesia na rin ako noong opera dati: liposuction, okay, breast reduction."
ANGELINE QUINTO ON REGINE VELASQUEZ
Isa siya sa mga nalungkot sa pagri-retire ng Asia's Songbird Regine Velasquez sa mga concerts sa big venues.
"Alam niyo po, madalas kong iniisip iyan kasi minsan nagkakaroon din ako ng lakas ng loob sa kanya na magtanong.
"'Ms. Reg, nalulungkot ang mga sangkabaklaan. Lahat ng mga kaibigan ko lalo po nung nalaman namin na Finale concert.'
"And ako po, kung ako ho tatanungin niyo, palagi kong irerespeto ng desisyon ni Ms. Reg...ng Asia's Songbird natin.
"And ilang taon man ang dumating pa, nag-iisa lang ang Regine Velasquez."
Si Angeline ay nagsimulang makilala matapos niyang sumali sa Star For a Night (2003) kasabay sina Sarah Geronimo at Mark Bautista.
Nakabilang siya sa 11 grand finalists, pero hindi nakapasok sa Top 3.
Si Regine ang host ng show.
"Yes. Iyan ang palagi kong sinasabi. Alam niyo, every time na medyo nai-emo ako, palagi akong nagmi-message sa kanya, gabi, laging gabi, bago ako matulog.
"Palaging pasalamat talaga kay Ms. Reg kasi kung hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil sa story ng buhay niya, kung hindi dahil sa mga songs niya, hindi ko rin naman siguro mauumpisahan na sumali sa mga amateur singing contest po.
"Kaya napakalaking parte si Ms. Reg kay Asia Songbird..."
Kalaunan, sumali si Angeline sa Star Power (2011), kung saan siya ang itinanghal na winner.
Ano nga ba ang dating sa kanya ng pagla-lie low ni Regine?
"Well, sa pagkakakilala naman natin kay Ms. Reg, ever since naman, ganun si Ms. Reg. Lahat ng mga singer, sinusuportahan niya.
"Minsan nga, hindi na nagpapabayad, di ba? Actually, si Ms. Reg, alam niyo po, noong, nung concert kong Aquinse sa Araneta, hindi ko talaga in-expect na makasama pa siya doon sa mga guests.
"Kasi noong una talagang may commitment siya. Then a week, parang two weeks before ng Aquinse, tumawag sa akin si Ms. Reg para sabihin na, na-resked yung kanyang commitment.
"So puwede na yung schedule niya para mag-guest sa concert ko.
"So ang tanong niya po sa akin, 'Angge, tumawag ako kasi tatanong ko lang kung kailangan mo pa ba ako?'
"Diyos ko, sabi ko talaga, parang nakaupo ako sa sahig nung narinig ko yun. Parang, 'Oo naman Ms. Reg, kailangan na kailangan kita doon.'"
Ganoon siya ka-marespeto sa mga katulad niyang singer.
"Yes, sobra. Kaya, kaya mahal na mahal ko, e. Kaya mahal na mahal.
"Alam mo yun, kasi alam kong mahal din kami. Ilan lang po yung mga singers o artista na alam kong totoo yung pagmamahal sa amin."
Nakausap ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Angeline sa sidelines ng Tara Sa Paskong Kapatid Thanksgiving Party ng TV5 noong nakaraang November 9, 2026, sa Grand Hyatt Manila, The Fort, BGC.
Isa si Angeline, kasama ang mga kasamahan sa ASAP XP, sa mga performers sa nasabing Christmas and thanksgiving party.

Read: Ellen Adarna on John Lloyd Cruz: "We're better off like this."
