Umapela sa publiko si Basha, 16, panganay na anak ng dating Pinoy Big Brother Otso housemate at actress-host na si Hasna Cabral, na itigil ang paggawa ng AI-generated images ng kanyang namayapang ina.
Sa isang Facebook post noong November 25, 2026, sinabi ni Basha na hindi siya komportableng makita ang AI-generated images ni Hasna na nagpapakitang nakaratay ito sa ospital, na ginagamit umano ng ilang content creators upang makakuha ng clicks at engagements.
Bilang halimbawa, isinama pang ipinost ni Basha ang nalikom niyang screenshots ng mga YouTube video, kung saan nakalagay sa thumbnail ng mga ito ang litrato ng kanyang ina na gawa ng AI.

Mababasa sa caption ng dalagang anak ni Hasna (published as is), "Hey daughter of Hasna Cabral here. I do not like when people make AI thumbnails of my mom who passed away.
"I'm very DEEPLY uncomfortable."
Magalang ding hiniling ni Basha sa mga gumagawa ng AI-generated images ni Hasna na alisin na ang mga ito.
Read: Rayver Cruz recalls emotional moment asking for Julie Anne's hand
Kalakip ang paghimok niya sa mga tagasubaybay ng kanyang ina na i-report ang makikita nilang video na gumagamit ng AI-generated images na nagtatampok sa mukha ni Hasna.
Pahayag niy Basha: "Respectfully, if you're one of these people who made AI thumbnails of my mom, please take it down.
"If you're one of her followers, I suggest reporting these videos. If you saw any generated AI containing my mom's face, please kindly report them."
Dagdag pa niya, "Also, do not witchhunt or harass the people who are making these.
"Just silently report them."
HASNA DIES AT 37
Ikinagulat ng maraming tagahanga ni Hasna ang bigla niyang pagpanaw sa edad na 37.
Sa isang Facebook post noong November 25, kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita.
Sa inilabas nilang pahayag, sinabi nilang inatake ng stroke si Hasna, na nakaapekto sa brain activity nito.

Agad din siyang inilibing alinsunod sa mga ritwal ng kanilang pananampalatayang Islam.
“We, the family of Hasna, mourn her untimely passing. She had stroke attack that affected brain activity. And was immediately buried following Islamic rites,” saad ng pamilya.
Read: Former PBB Otso housemate Hasna Cabral dies after stroke
Bagamat nauunawaan ng pamilya na marami ang gustong makita ang mga huling sandali ni Hasna, hiniling nila sa publiko na igalang ang kanilang paniniwala at ang paraan ng paglilibing sa kanya.
“We understand the eagerness to see her last moments. And we truly appreciate that. However, we ask for your understanding that she was laid to rest according to our faith,” pahayag nila.
“Please keep her memory alive by keeping yourselves in always perfect condition. Rest, in behalf of the rest she deserved, but couldn't afford herself. Enjoy your life as she would. And express your love to your loveones in every chance possible.”
HASNA IN PINOY BIG BROTHER OTSO
Nakilala si Hasna bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Otso noong 2019.
Taglay niya ang moniker na “Ukay Nanay ng Cavite” dahil sa kanyang online ukay-ukay business at pagiging hands-on mother sa dalawa niyang anak na may autism, sina Basha at Baste.

Pumasok siya sa PBB house upang makapagbigay ng mas magandang kinabukasan sa kanyang mga anak, lalo na sa kanilang pangangailangan sa edukasyon, therapy, at pagpapagamot.
Gayunman, nagtapos ang journey ni Hasna sa Bahay ni Kuya nang maging isa siya sa mga na-evict na housemates mula sa Batch 4.
HASNA AFTER PBB
Bagamat hindi naging Big Winner, hindi nagtapos sa pagiging reality show housemate ang showbiz journey ni Hasna.
Paglabas niya sa PBB house, nagbukas ang maraming oportunidad para sa kaniya sa acting at hosting.
Kabilang sa mga acting project sa telebisyon ni Hasna ang mga seryeng La Vida Lena (2020); Hoy Love You (2021); Viral Scandal (2021); A Family Affair (2022); Pira-Pirasong Paraiso (2023); at The Loyalty Game (2026).
Kabilang din siya sa digital series projects gaya ng Ang Babae Sa Likod ng Face Mask (2022); Sleep With Me (2022); at Love Bites (2022).
Bukod sa paggawa ng serye, lumabas din si Hasna sa mga pelikula gaya ng Until We Live Again (2021), Good Times Bad (2023), The Heart of Music (2025/2026), at The Flickering Bonfire na nakatakdang mapanood sa 2027.
