Nilinaw ni Prince Stefan na hindi pa niya direktang inaamin sa publiko na bakla siya, taliwas sa paniniwala ng nakararami.
Pahayag ng aktor, “Wala pa naman akong inaamin na bakla ako. Wala naman akong inaamin pa.
“Nakalagay naman sa PEP na hindi niya sinasabi kung bakla siya, bisexual siya o metrosexual siya.
“Ang sinabi lang, he’s dating someone.”
Read: Prince Stefan overwhelmed by positive feedback since coming out
Ngayon ba ay inaamin na niya?
Sagot ni Prince, “Wala pa rin, pero I think parang alam na ng mga tao, hindi na kailangang sabihin.
“Nakikita na nila sa mga post ko, nag-iba na yung mga outfit ko, nag-evolve na nga ako.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa pictorial ng Working Beks, ang pelikula ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa November 2016.
COMING OUT. Hiningi ba niya ang payo ng Viva Artists Agency, na namamahala sa kanyang showbiz career, bago siya nagkuwento tungkol kay Paolo Amores, ang inspirasyon niya sa kasalukuyan?
Ayon sa StarStruck alumnus, “Mali ba na hindi ko sinabi sa Viva?
“Kasi ang nag-umpisa niyan, si Keanna Reeves.
“Hindi ko naman pinatulan yun, tahimik lang ako.
“Pero si Keanna kasi, siya ang nag-out sa akin, wala na akong magagawa.”
Ang tinutukoy ni Prince ay ang pambubuko ni Keanna tungkol sa kanyang sexual preference na nag-ugat dahil sa kanilang alitan.
Read: Keanna Reeves accuses StarStruck alumnus Prince Stefan of verbal assault, abuse
Kuwento pa niya, “Actually, ipinatawag ako ng Viva pagkatapos ni Keanna na i-out ako.
“Sabi ni Miss Veronique [del Rosario-Corpus, VAA big boss], ‘O, anong nangyari sa ‘yo? Ayan kasi, pero maganda yung hindi ka nagsalita, tahimik ka lang. Nagmukha kang edukado at dahil diyan, bibigyan ka namin ng Working Beks.’
Paglalarawan ni Prince sa kanyang role, “Sa Working Beks, ako yung baklang nagtatrabaho sa call center, pero sa gabi, gumigimik, naghu-host ng mga party.
“Very me. Kung ano yung ako.”
Kasama ni Prince sa pelikula sina Edgar Allan Guzman, Joey Paras, TJ Trinidad, at John Lapus.
Ano ang mga pagbabago sa buhay ni Prince mula nang magpakatotoo siya?
Tugon niya, “Ang dami.
“Pinag-iisipan ko kasi kung mag-out ako, ano ang mangyayari sa akin?
“Oo, nandoon yung freedom, pero baka mawalan ako ng trabaho.
“Alam mo naman sa industriya natin kapag bakla ka.
“So far, okey siya.
“Nagkaroon ako ng project sa ABS CBN, tapos yung Working Beks… new soap, new love life.
“Parang blessing siya.”
LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Kumusta ang love life niya?
Sabi ni Prince, “Ayun, long-distance relationship.
“Si Paolo Amores, graphic designer siya sa Singapore.
“May times na siya ang lumilipad sa Pilipinas para makita ako.
“May time na ako ang lumilipad sa Singapore dahil doon siya nagtatrabaho.
“Una pa lang ako na lumipad para sa kanya.
“Actually, kababalik ko lang last night.”
Kuwento pa niya, “One year niya akong pinursue. Lagi niya akong ini-invite ng dinner.
“Nakita ko yung effort niya na talagang pinu-pursue niya ako.
“Parang feeling ko, babae ako.
“He’s 31, I’m 27.”
Ayaw pa raw tawagin ni Prince na ‘boyfriend’ si Paolo dahil hindi pa naman daw nila binibigyan ng label ang kanilang relasyon.