Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi Eigenmann

Jake Ejercito wants to make his visitation rights legal, and not dependent on Andi Eigenmann's mood.
by Arniel C. Serato
Apr 5, 2017
Isang buwan na raw ang nakararaan nang maghain ng petisyon si Jake Ejercito sa San Juan Municipal Trial Court para sa joint custody ng kanilang anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Gusto raw sana nilang gawing tahimik ang tungkol dito, pero si Andi raw mismo rin ang nagbukas nito sa publiko kaya nagsalita na rin ang kampo ni Jake.

Naghain ng petition for joint custody si Jake Ejercito sa San Juan Municipal Trial Court para sa anak nila ng kanyang dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

Nais ng kampo ni Jake na maging legal ang visitation rights niya sa anak na si Ellie.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media sa abudago ni Jake na si Atty. Ferdinand Topacio, sa isang restaurant sa Pasig City kagabi, April 4, sinabi nitong noong nakaraang Marso nila isinampa ang petisyon.

Pahayag ni Atty. Topacio, “Sa San Juan court ito, kasi meron na silang special court for juvenile and domestic relations.

"Ang tawag nito ay family court. Parang sa mga ganitong dispute, dun pumupunta."

Ayon sa abugado ni Jake, hindi naman daw sana sila magsasalita sa publiko kung hindi nag-ingay si Andi.

“No one would have known, e. Walang nakakalaam, e.

"Siya lang naman ang bibigyan ng summons, e, hindi naman public yung summons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinagkabilin-bilin nga namin na kapag binigyan, quiet lang.

"Pinakiusapan namin yung mga personnel nung court, for the sake of the child na, 'Can we keep it as a secret?'

"Pero wala na, the cat is out of the bag, so to speak.

"Ano pang magagawa natin?"

Ang tinutukoy ni Atty. Topacio ay ang naging pahayag nito sa kanyang interview sa presscon ng teleserye niyang The Greatest Love noong Linggo, April 2.

Sabi ni Andi sa press, "Parang there’s something that went out na parang ano, parang petition for joint custody.

“And for me kasi, parang na-alarm ako kasi, my God, ano ba 'yan!

"Hello, lumalaki na si Ellie, she’s five years old.

"And before anything else, do you really think that exposing her to this kind of limelight, to this kind of parang… di ba, ka-cheapan, will be good for her?

"Kasi, if this is really not for your ego, for your pride, or for I don’t know, or out of spite because you just hate me so much…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"If this is really because you just love your daughter and you want what’s best for her, I also want that agreement, I also want that joint custody."

Read: Andi Eigenmann alarmed over Jake Ejercito's joint custody petition for daughter Ellie

DEPENDS ON ANDI'S MOOD. Gagamitin daw ng kampo ni Jake ang DNA test nito kay Ellie upang tanggapin ng korte ang kanilang petisyon.

Sabi ni Atty. Topacio, “The DNA test, which was conclusive... sabi ko nga kanina, ang margin of error nun ay .01 percent, even in court, that is accepted as evidence.

"Yung sinabi ni Maxine, that conclusively proved that Jake Ejercito is the biological father."

Ang tinutukoy ng abugado ay ang pag-amin ng half-sister ni Andi na si Maxine Eigenmann sa podcast ng programa ni Mo Twister na Good Times With Mo, noong Setyembre 2016, na si Jake ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay ba ng kampo ni Jake ay madaling madedesisyunan ng korte ang kanilang petisyon?

Ayon kay Atty. Topacio, “Actually, bago kami pumunta sa court, noong November 2016, we wrote them a letter, e, saying na, 'Puwede ba, let’s sit down and talk about this para wala nang gulo?'

"Nung nag-umpisa pa lang ang gulo, we tried to nip it in the bud, pero in-ignore nila, dineadma nila yung letter."

Ano ang prayer nila sa isinampa nilang petisyon?

Tugon ng abugado ni Jake, “A, joint custody lang. Maglagay ng definite sa visitation.

"Kasi ang nangyayari, kung anong mood ni Andi, yun ang visitation.

"Kapag feel niya ngayon at ka-text mong 'Puwede bang hiramin si Ellie?' pag good mood si Andi, okay, fine.

"Kapag bad mood siya, ayaw niya.

"At minsan umoo, and then, at the last minute, huwag na lang daw.

"E, magulo, nagkaka-friction"

Patuloy ni Atty. Topacio, "Actually, yun ang gusto naming i-avoid. Inaayos nga namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi kami nag-file ng case para awayin o guluhin o makipaglaban, kundi para ayusin yung sitwasyon.

"Kapag meron nang definite, ipagpalagay na natin na sinabi ng court na Saturday, Sunday kay Jake, rest of the week kay Andi, wala nang away, wala nang pakiusapan, wala nang iringan."

WRONG DATE. Isa pa raw sa ikinainis muli ng kampo ni Jake ay ang tila pagsisinungaling ni Andi sa tunay na graduation date ng anak nila.

Pahayag ni Atty. Topacio, "Yung graduation ni Ellie, nag-text si Andi sa ate ni Jake, si Jerika Ejercito, na 27 daw ng March ang graduation ni Ellie, at birthday rin yun ni Jake and he’s so welcome.

"Tapos, nalaman nila na [March] 24 pala, tapos na.

"Sabi nila, 'Ano yun? Bakit ganun?'

"They were so looking forward to it, they were greatly disappointed."

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ni Andi Eigenmann at ng kampo nito kaugnay ng mga naging pahayag ng abudago ni Jake Ejercito na si Atty. Ferdinand Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang buwan na raw ang nakararaan nang maghain ng petisyon si Jake Ejercito sa San Juan Municipal Trial Court para sa joint custody ng kanilang anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Gusto raw sana nilang gawing tahimik ang tungkol dito, pero si Andi raw mismo rin ang nagbukas nito sa publiko kaya nagsalita na rin ang kampo ni Jake.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results