Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Zanjoe Marudo spends time with rumored girlfriend Josie Prendergast

by Rachelle Siazon
Feb 13, 2019
<p>Zanjoe Marudo finds time to bond with surfer-model Josie Prendergast in between their work commitments.</p>
PHOTO/S: @monchnovales Instagram / CTTO

Tila unti-unting nagiging bukas si Zanjoe Marudo, 36, tungkol sa pagkakamabutihan nila ng surfer-model na si Josie Prendergast, 19.

Ito ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon, mismong Star Magic handler ni Zanjoe na si Monch Novales ang nagsapubliko ng litrato ng rumored couple.

Ang Star Magic ang talent management ng ABS-CBN.

Makikita ang pagkikita ng tatlo sa isang restaurant sa Instagram post ni Monch na may petsang February 11, 2019.

Ipinahiwatig din ni Monch na dati na niyang naka-bonding ang rumored ladylove ni Zanjoe.

Sabi pa ni Monch, "Happy to see you again @josie_prendergast [heart emoji] @onlyzanjoemarudo."

View this post on Instagram

Happy to see you again @josie_prendergast ?? @onlyzanjoemarudo

A post shared by Monch Novales (@monchnovales) on

Bihirang makunan ng litrato ang rumored couple, na parehong hindi nagpu-post ng pictures na magkasama sila sa kani-kanilang Instagram accounts.

Sa comments' section, pati ang mga artistang sina Rayver Cruz at Denise Laurel ay napa-comment ng heart emojis nang makitang magkasama sina Zanjoe at Josie.

Si Marco Gumabao naman ay tinuksong "loverboy" si Zanjoe.

Continue reading below ↓

VISITING JOSIE IN SIARGAO

Sa ilang pagkakataong namataang magkasama sina Zanjoe at Josie ay galing sa mga kakilala ang nailalathalang photos nila.

Noong June 2018, naiulat sa PEP.ph ang pagdalo ni Zanjoe sa 19th birthday ni Josie sa Siargao, kung saan nakabase ang surfer-model.

Nang sumunod na buwan, kinumpirma ni Zanjoe na nasa "getting to know each other" sila ni Josie.

Aminadong "kinikilig" daw ang binata sa kumalat nilang litrato ng surfer-model.

Noong November 2018, may kumalat din silang litrato na tila kuha sa pagbisita ni Zanjoe kay Josie sa Siargao.

Continue reading below ↓
IMAGE CCTO

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND?

Sa isang panayam ng PEP.ph noong October 2018, nabanggit ni Zanjoe na mas gusto niya ang non-showbiz girlfriend, dahil mas nae-enjoy niya ang simpleng pamumuhay.

"Kasi in the past, akala ko yun na yun, e. Eto na yung mundo ko, e.

"Ang karelasyon ko, taga-showbiz din. Dun na gumagalaw yung mundo ko, yung trabaho.

"Nakalimutan ko na yung isang side," ani Zanjoe.

Paglalarawan pa niya sa kanyang ideal girl, “Gusto ko yung makikilala ko at makakasama ko na, e, yung pasok na sa kung anong gusto kong buhay na mangyayari in the future.

"Yun, simple lang din. Yung tanggap kung ano yung lifestyle na gusto ko, hindi na para mag-adjust pa ako. Tapos na ako sa mga ganun."

Sa kasalukuyan ay abala si Zanjoe sa ABS-CBN daytime series na Playhouse, habang si Josie ay patuloy sa pagmomodelo para sa kanyang iniendorsong swimwear brand.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Zanjoe Marudo finds time to bond with surfer-model Josie Prendergast in between their work commitments.</p>
PHOTO/S: @monchnovales Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results