Sobrang swak sa isa't isa.
Ganito inilarawan nina Cassy Legaspi at Darren Espanto ang pagiging close nila.
Pinatunayan nila ito nang ikuwento ng dalawa kung paano sila naging malapit na magkaibigan, base sa YouTube vlog ni Denise Laurel noong March 4, 2023.
Ayon kay Darren, mas nauna niyang naging kaibigan ang twin brother ni Cassy na si Mavy Legaspi.
Iisa ang group of friends nila, kaya may mga bonding na sila.
Pero noong una ay may ilangan pa raw sa pagitan nina Darren at Cassy, tulad nang mamasyal sila sa Van Gogh Alive exhibit kasama sina May, Alexa Ilacad, at Kyle Echarri.
"Because in 2019, we went to Van Gogh with Alexa, Mavy, and Kyle. The three left us alone, because Alexa and Mavy picked up Kyle downstairs," napapangiting balik-tanaw ni Darren.
Ni-reenact pa nina Darren at Cassy ang akwkward small talk nila noon habang hinihintay ang mga kasama.
May nagpa-picture pa raw kina Darren at Cassy, at pinagbigyan nila. Pero hindi pa raw na-break ang ice sa pagitan nila noon.
Paliwanag ni Darren, "It still wasn't broken because I feel like we did pictures, we ate outside after that.
"But it was more of you and Alexa hanging out, and then it was Kyle, Mavy, and I. We even bought matching T-shirts. Us three, not you two. T-shirts that we still have until today."
Hanggang sa dumating daw ang COVID-19 pandemic noong 2020.
Sa Canada namalagi si Darren, habang si Cassy ay nasa Pilipinas nang magsama sila sa isang online interview.
"That's why I say 2020 because we have a friend, si Kuya Tim Yap, he asked Cassy, Mavy, and I if were available to be intereviewed during the pandemic," lahad ni Darren.
Patuloy ng Kapamilya singer: "And it was so sweet because she had also collaborate with our friend Yohan.
"And she had her own merchandise, which she shipped to Canada for that interview, so that all four of us could be wearing matching hoodies.
"So that's where it all started.
"After that Zoom, we hopped on another Zoom call. And then Mavy and Kyle just left us afterward."
Mula raw noon ay unti-unting napadalas ang pag-uusap nina Darren at Cassy.
"We found so many things in common," pag-amin ni Darren.
Napabulalas na sang-ayon ni Cassy, "Especially humor. Oh my god, that was, like, the best!"
Ngiting saad ni Darren, "Oh, yeah."

- Mavy Legaspi, tinawag na "brother-in-law" si Darren Espanto?
- Darren Espanto visits Cassy Legaspi at her house during Halloween
- Zoren Legaspi secretly takes a video of daughter Cassy dining with Darren Espanto at home
- Carmina Villarroel asks daughter Cassy about real score with Darren Espanto
- Cassy Legaspi, Darren Espanto get cozy in Japan
cassy and darren ON HOW THEY GOT EACH OTHER'S BACK
Aminado sina Darren at Cassy na talagang sinusubaybayan nila ang buhay ng isa't isa.
Sabi ni Cassy patungkol kay Darren, "He's my wakeup call."
Hirit ni Darren, "I'm her manager."
Sang-ayon ni Cassy, "He's my handler and manager. He always watches me. 'Hey, hey, your kuwento is not right. 'Oh, really?' 'Why did you allow that to happen?'"
Paglilinaw ni Darren, "Not just her work, even her personal relationships."
Masyado raw kasing mabait si Cassy.
Paliwanag ni Darren, "Cass as a friend, she's very thoughtful. She's caring.
"She thinks about your feelings and needs before hers, which is not something everyone has.
"Even though she is already being... in a way, parang naaapi na siya, she's just gonna take it in."
Ayon kay Cassy, mas si Darren ang bagay na tawaging "very selfless."
"Honestly, oh my gosh, I would have to say the same thing about D.
"I like what he says about me, but I don't think about that, like, about myself," ani Cassy.
Sabay baling ng dalaga kay Darren, "I think that's you."
Katuwiran ni Cassy, "Because he always checks up on me, and he knows me so well, and he's such a good listener."
- Cassy Legaspi, Darren Espanto exchange kilig tweets about cup noodles; did Darren send Cassy a bouquet of flowers?
- Cassy Legaspi quips amid road trip with Darren Espanto: "Parang relationship namin malinaw na."
- Darren Espanto fits the bill of Cassy Legaspi's ideal guy; Carmina Villarroel reacts
the first time darren met cassy's mom
Kung babalikan ang timeline ng pagkakaibigan nila, sinabi ni Darren na mas nauna niyang nakilala ang mommy ni Cassy.
Si Cassy ay anak ng mga artistang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Batang-bata pa raw noon si Darren nang mag-guest siya sa Kris TV, ang defunct Kapamilya morning show kunsaan host si Kris Aquino.
"I met your mom first. Her mom was a co-host in Tita Kris Aquino's show. Tita Kris was, like, 'Did you know Carmina has a daughter? Have you met Cassy?'
"I'm like, 'Oh, not yet po.' She's like, 'She's really pretty, 'no?' I'm like, 'Yeah, she's really pretty.' And that's how it all started."
Hanggang sa mag-guest ang twins na sina Cassy at Mavy sa ASAP kunsaan mainstay si Darren.
Naging partners daw sina Darren at Cassy sa isang production number.

THE NIGHT DARREN MET CASSY'S DAD
Ang sumunod na pagkikita raw nina Darren at Cassy ay nang magkrus ang landas nila sa Manila concert ni Ariana Grande noong 2015.
Ang kasama pa noon ni Darren ay ang kapwa Kapamilya stars na sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Habang sakay raw sila ng elevator, sumakay rin ang buong Legaspi family. Doon daw unang nakilala ni Darren ang ama ni Cassy na si Zoren.
Ani Darren, "In my head I was like, 'I'm meeting her family all at once.'"
Si Darren ay 14 years old, habang si Cassy ay 15 years old noon.
HOW CASSY MET DARREN'S PARENTS
Sa parte ni Cassy, nakilala niya ang mga magulang ni Darren nang manood siya ng concert ng Kapamilya singer. Hindi nabanggit ni Cassy kung anong taon iyon.
Pumunta raw si Cassy backstage, at nahihiya pa raw siya nang asikasuhin siya ng ina ni Darren.
Sa isip-isip daw ni Cassy, "This is the mom, let's go! Ayos!"
Tila gusto pa sanang ihirit daw noon ni Cassy, "Annyeonghaseyo, Omma!"
CASSY AND DARREN AS "BEST FRIENDS"
Back to present time, natatawa na lang sina Cassy at Darren nang alalahanin nila kung paano nahulaan ng mga tao sa paligid nila na magkakasundo sila.
Mga bata pa lang sila ay palagi raw sila natatanong noon ng media tungkol sa isa't isa, kahit hindi pa talaga sila lubusang nagkakilala.
"It's so weird. That's why parang antagal natin dinelay," saad ni Darren.
Tinuro ni Cassy si Darren at ang sarili, na waring sinasabing tignan mo tayo ngayon.
Napangiting sabi pa ni Cassy, "And then now, claimed!"
Consistent sina Cassy at Darren sa pagsasabing espesyal ang turing nila sa isa't isa.
Bukas din sila sa madalas nilang pagkikita, at kamakailan lang ay nagbakasyon pa sila sa Japan.
Hinala ng CassRen fans, higit sa pagiging "best friends" ang ugnayan ng dalawa.
Kung anu't ano man, sinasabi nina Cassy at Darren sa mga panayam sa kanilang sa edad nila ay prayoridad pa rin daw nila ang pausbungin ang kanilang showbiz career.
