PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin answers issues about Batang Quiapo taping in Quiapo

Batang Quiapo enters a new chapter beginning on May 8.
by Jerry Olea
Published May 4, 2023
coco martin batang quiapo
Coco Martin to loyal viewers of FPJ's Batang Quiapo: “Kayo ang dahilan kung bakit naging maganda po ang kinalabasan ng aming programa. At dahil po dun ay marami pa rin po tayong mga kasamahan kahit papaano sa industriya na natutulungan para muling makabalik sa industriyang ito. Kaya thank you so much po talaga. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga pagtulong at pagmamahal ninyo sa amin."
PHOTO/S: Jerry Olea

May mga nang-iintriga na kesyo nalulugi ang ibang nagtitinda sa Quiapo, Manila kapag nagti-taping doon ang teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo. Kesyo hindi welcome sa mga nagnenegosyo roon ang pagti-taping ng programa dahil apektado ang kanilang kabuhayan.

Sa thanksgiving mediacon ng teleserye nitong Mayo 4, 2023, Huwebes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, ay naglabas ng saloobin ang bida at co-director na si Coco Martin kaugnay sa usaping ito.

Mahinahong pahayag ni Coco, “Actually, alam naman natin dito sa industriya natin, di ba?

“Yung iba nga, sa bawat pinupuntahan na lugar — kahit naman tayo, pag pumupunta tayo ng abroad, di ba — uy, dito daw nagsyuting yung ano!

“Pupunta tayo sa isang restaurant. Pupunta tayo dun sa isang park or whatever kung saan ma yung location, which is ganun din ang nangyayari sa Pilipinas.

“Maraming mga pelikula, soap opera, na minsan nagiging tourist attraction pa yung lugar kung saan syinut yung minsan pelikula, minsan project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun din ang nangyayari sa Batang Quiapo. Pero hindi natin maiaalis kasi ngayon na because of the social media, na napakadaling gumawa ngayon ng opinyon ng isang bagay na kaya mong pagandahin o sirain.

“Nagkataon lang na siguro may mga taong hindi naman lahat papabor para sa amin o pabor para sa Batang Quiapo.

“Siguro nung sinabi niya yun, hindi ko alam kung ano man yung talagang intensiyon.

“Pero ang masasabi ko lang po, yung totoong mga tao dun na nakakasalamuha namin, masaya sila!

“Kasi, unang-una, yung every day na nakikita nila kami, sa amin pa lang, sa mga talent, actors, sa mga crew…. buhay na yung lugar, e, di ba? Pag kumakain, pag naggaganun.

“And then, yun nga, nagiging tourist attraction siya sa mga tao, dahil kasi siyempre gusto nila minsan makita, matiyempuhan na nagsyusyuting.

“Or makita kung saang lugar ginagawa yung mga eksena. Kaya yung mga ganun, hindi na lang po namin pinapansin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, pag alam mo naman na hindi totoo, huwag mo nang pag-ukulan pa ng lakas o panahon.”

SHOOTING IN QUIAPO

Susog ni Charo Santos-Concio na katabi ni Coco sa mediacon, “Isang beses lang akong nagsyuting sa Quiapo, at ang observation ko naman, may paggalang naman ang buong produksiyon sa mga tao dun at sa lugar.

“At wala akong naramdaman na hindi kami welcome. Maayos na maayos naman.

“Kaya nga nagulat ako nung nagkaroon ng konting… ahh… konting ingay, oo. Kasi maayos naman, e.

“Wala akong recollection na may kahit magparinig? Welcome, very welcome kami dun sa lugar. Mababait sila sa amin.

“At ang maipagmamalaki ko, maayos ang produksyon, at iginalang ng produksyon ang lugar.

“Yun ang importante, e. Yun ang importante sa production,” pagmamatuwid ni Charo.

Gumaganap si Charo sa FPJ’s Batang Quiapo bilang Tindeng, ang lola ni Tanggol (karakter ni Coco).

WELCOME IN QUIAPO

Nag-shoot si Lorna Tolentino sa Binondo, Manila Post Office at iba pang lugar na kalapit ng Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lorna Tolentino, papasok sa cast ng Batang Quiapo

Lahad ni Lorna, “Hindi ko kasi nararamdaman yun. Ang nararamdaman ko, welcome kami. Kasi kahit sa Ang Probinsyano, nagti-taping din kami sa Quiapo.

“Dun nag-start ang karakter ko na as Lily, Quiapo din, e. Wala kaming naramdamang problema.”

Dagdag ni Ronnie Lazaro, “Ang ginagawa namin sa Quiapo, napakahirap. At hindi ito magagawa kung walang suporta ng mga tao sa paligid.

“Welcome nga kami dun!”

Maliban kina Coco, Charo, Lorna at Ronnie, present sa mediacon sina Lovi Poe, Christopher de Leon, John Estrada, Cherry Pie Picache, McCoy de Leon, at Lou Veloso. Nandoon dina sina Julio Diaz, Alan Paule, Dindo Arroyo, Pen Medina, Mark Anthony “Big Mak” Andaya, Renz Joshua “Baby Giant” Baña, Sugar Ray “Mammoth” Estroso, at Benzon Dalina.

batang quiapo presscon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TV RATINGS

Ratsada sa ratings at online views ang FPJ’s Batang Quiapo mula nang mag-pilot ito noong Pebrero 13, 2023.

Pahayag ni Coco, “Salamat po sa lahat ng taong nagmamahal po at sumusuporta sa Batang Quiapo sa simula’t simula pa.

“Kayo ang dahilan kung bakit naging maganda po ang kinalabasan ng aming programa.

“At dahil po dun ay marami pa rin po tayong mga kasamahan kahit papaano sa industriya na natutulungan para muling makabalik sa industriyang ito.

“Kaya thank you so much po talaga. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga pagtulong at pagmamahal ninyo sa amin."

Kapana-panabik ang mga kaganapan sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo umpisa sa Mayo 8, Lunes ng gabi.

Sabi ni Coco, “Sa lahat po ng natutunan ni Tanggol sa kalye, sa Quiapo, sa buhay, ito na po yung na-realize niya sa buhay niya na siguro, panahon na para magkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alang-alang sa kanyang lola, sa kanyang nanay, sa buong pamilya niya, at siyempre po, para kay Mokang [karakter ni Lovi Poe].

“Kaya tingnan natin kung ano yung magiging bagong journey ni Tanggol sa darating na May 8, yun po.”

Katapusan na ba ng baluktot na pamumuhay ni Tanggol?

“Katapusan na ng baluktot na pamumuhay ni Tanggol at simula pa lang ng napakagulong buhay, yung bagong larakter dito!” bulalas ni Coco.

Sa bagong yugto ng teleserye, ano ang maipapangako niya sa mga tagasubaybay ng Batang Quiapo?

Nakangiting tugon ni Coco, “Actually, ayoko nga sanang sagutin, kasi mas maganda sana, e, surprise. Kaya lang… sige na…

“Sa May 8, ito ang pagtatagpu-tagpo ng lahat ng bawat karakter. Dito na kami magkikita-kita. Dito na maglalaban-laban ang bawat grupo…

“Talagang sinadya namin talaga na buuin siya para patindihin at pasabugin ang mga karakter at bawat eksena.

“Actually two weeks tatakbo yun from action to heavy drama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin to loyal viewers of FPJ's Batang Quiapo: “Kayo ang dahilan kung bakit naging maganda po ang kinalabasan ng aming programa. At dahil po dun ay marami pa rin po tayong mga kasamahan kahit papaano sa industriya na natutulungan para muling makabalik sa industriyang ito. Kaya thank you so much po talaga. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga pagtulong at pagmamahal ninyo sa amin."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results