Ellen Adarna on boyfriend Derek Ramsay: "Mukha lang siyang f*c*boy, pero hindi!"

by Rachelle Siazon
Mar 4, 2021
Derek Ramsay on awkward first kiss with girlfriend Ellen Adarna: "You're supposed to kiss with your lips. I had a very good encounter with her teeth. I was, like, 'What? Yun na 'yon?!'"
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

"Mukha lang siyang f*c*boy, pero hindi!"

Ito ang natatawang paglalarawan ni Ellen Adarna sa nobyong si Derek Ramsay.

Nakapanayam sila ng radio hosts na sina Rico Robles at Karla Aguas sa RX 93.1 ngayong Huwebes, March 4.

Prangkang inihayag ni Ellen na nagulat siya nang madiskubre niyang marespeto ang aktor.

Sa guwapo at tikas ng katawan ni Derek, hindi raw niya kasi akalaing "torpe pala" ito.

"I told him na I thought he was an asshole before or manyakis. But he's very respectful and very sweet," seryosong saad ni Ellen.

Sabay inamin ni Ellen na hindi raw agad gumawa ng hakbang si Derek para makahalik sa kanya.

"Very respectful talaga. Ang tagal niya ko bago niya ako kiniss!" pag-amin ni Ellen.

Tawa nang tawa si Ellen na waring nahiya na nasabi niya iyon sa live radio interview sa kanila ni Derek.

DEREK AND ELLEN'S AWKWARD "FIRST KISS"

Pero pinanindigan ng magkasintahan ang "laglagan portion" tungkol sa kanilang first kiss.

Continue reading below ↓

"Laglagan portion na po tayo dito!" natatawang hirit ni Derek.

Kuwento ni Derek, hindi niya akalaing ngipin ni Ellen ang makakaengkuwentro niya sa unang halik nito sa kanya.

Sa isip pa raw ni Derek ang magpapahiwatig kung paano ang kanilang chemistry.

Ani Derek, "First kiss, this can set the tone. Make or break.

"You're supposed to kiss with your lips. I had a very good encounter with her teeth.

"I was, like, 'What? Yun na 'yon?!'"

Natatawang depensa ni Ellen sa sarili, "No! That's just a smack!"

Diin ni Derek, "Still a kiss. That's still our first kiss."

Nang imuwestra ni Derek kung paano humalik gamit ang ngipin, pareho silang natawa ni Ellen.

"Ang pangit!" pag-amin ni Ellen.

Sang-ayon ni Derek, "Ang pangit talaga."

Nangyari raw iyon habang sakay sila ng kotse nang ihatid ni Derek si Ellen sa bahay nito.

Si Ellen daw ang humalik sa kanya.

Ani Derek, "So I dropped her off to her house. And then she goes in for the kiss. Bam!

Continue reading below ↓

"And she just walks out of the car. 'Bye!' And then she leaves."

ELLEN ADMITS SHE REALLY WANTED TO KISS DEREK THAT NIGHT

Nagulat daw talaga si Derek, at hindi raw niya alam noong una kung paano ito babanggitin kay Ellen nang magkita uli sila kinabukasan.

"I couldn't bring it up. Does she know? Maybe that was her A-game already. I dont wanna hurt her feelings," natatawang lahad ni Derek.

Kuwelang iminuwestra ni Ellen na hindi raw iyon French kiss kundi smack lang.

Prangkang paliwanag pa ni Ellen, "No, because I really wanted to kiss him, and then I didn't know how to kiss him."

Kaya bago siya bumaba ng kotse ni Derek, inisip na lang daw ni Ellen na gawing kaswal ang paghalik sa aktor.

"So I'll kiss him na. And then, I'm like, 'Good night!' And then I walked away."

Diin ni Derek, "She quickly walked away."

Maya-maya pa ay sumeryoso rin ang magkasintahan, at sinabi ni Derek na iba raw talaga ang naramdaman niya sa first real kiss nila ni Ellen.

Continue reading below ↓

"But when we had our first first kiss, yeah, I knew," ani Derek, na hindi pa rin makapaniwalang nakahanap siya ng babaeng katapat niya.

"Bumawi naman. Because he laughed at me for kissing him like that," dagdag ni Ellen.

Sabi pa ng aktres sa kuwelang smack niya noong una kay Derek, "Bakit ganun ang first kiss namin? Memorable."

"WORST FOOT FORWARD"

Ayon pa kina Derek at Ellen, kaya sila nag-click ay dahil "worst foot forward" ang strategy nila sa pagkikilanlan nila sa isa't isa.

Unang beses silang nag-bonding sa dinner party na inorganisa ni Derek sa bahay niya noong January 11, 2021.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26, 2021, unang umamin sina Derek at Ellen na magkasintahan na sila.

Sa RX 93.1, sinabi ni Derek na "February 4, 2021" ang eksaktong petsa na naging kasintahan niya si Ellen.

"Today is actually our monthsary," ani Derek.

Continue reading below ↓

Sa loob ng panahong halos araw-araw silang magkasama at nakakabiyahe sa kanilang quick out-of-town trips ay ipinakita raw talaga nila kung ano ang ugali ng isa't isa.

Alam na rin daw nila kung gaano katagal sa shower ang isa't isa.

"Meron pa 'yan skincare. 10-step [skincare]," nagbibirong hirit ni Ellen.

Kontra ni Derek, "That's not true! I let her shower first. So I get the worst end of it when people are, like, 'Oh, we're late...'"

Sabat ni Ellen, "No, Love. I timed it once. Forty minutes!"

Depensa ni Derek, "It's not only shower. I do my push-ups before I shower."

Nang-aasar na sabi ulit ni Ellen, "I don't know what he does in the banyo."

Sa puntong ito ay napunta ang kuwelang diskusyon nina Ellen at Derek sa pagbabawas nila.

Panlalaglag ni Derek kay Ellen, "Okay, guys, she takes two hours to drop a bomb. It takes that long.

Continue reading below ↓

"If you ask her about me, it takes 30 seconds.

"When we're in the kitchen, I feel it. Then she's not even done with her sentence, I'm back. It's true."

Iminuwestra pa ni Derek na naka-squat daw si Ellen at nakapatong ang mga paa sa toilet seat kapag nagbabawas.

"Ginagawa nga niyang public toilet," napapangiting dagdag ni Derek.

Depensa ni Ellen, "I'm like that because I can do it effortlessly. Inggit ka lang. Because I'm very flexible!"

Sabi pa ni Derek, "And she actually showed me how she does it. And I was like, 'Wow!'"

DEREK ALL PRAISES FOR ELLEN FOR BEING A "SUPER MOM"

Pero kahit panay ang kulitan ng magkasintahan, nilinaw ni Derek na natagpuan niya kay Ellen ang babaeng lubos na hinahangaan.

"She's got me looking at her so many times. I love looking at her. It's weird. I scare myself," saad ni Derek.

"Super attracted" daw siya hindi lang sa ganda at kaseksihan ng aktres kundi sa buong pagkatao nito.

Continue reading below ↓

Hindi raw alam ng mga tao na kahit na pumarty sa gabi si Ellen, alas singko pa lang ng umaga ay gising na ang aktres para asikasuhin ang dalawang taong gulang na anak na si Elias.

"Super mom" ang tawag niya kay Ellen.

Sabi pa ni Derek, "I mean, Rico, my boy is giving a 21-gun salute, which has never happened before. Man down. And I was, like, 'What the...'"

Ayon kay Rico Robles, senyales ang 21-gun salute na katapusan na ng bachelor days ni Derek dahil nahanap na nito ang babaeng gusto nitong pakasalan.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on awkward first kiss with girlfriend Ellen Adarna: "You're supposed to kiss with your lips. I had a very good encounter with her teeth. I was, like, 'What? Yun na 'yon?!'"
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results