Jaclyn Jose reacts to Andi Eigenmann's engagement to Philmar Alipayo

by James Patrick Anarcon
Jan 9, 2021
Jaclyn Jose calls Andi Eigenmann and Philmar Alipayo's engagement the "most romantic proposal."
PHOTO/S: @jaclynjose on Instagram

Masaya si Jaclyn Jose sa engagement ng kanyang anak na si Andi Eigenmann sa partner nitong si Philmar Alipayo.

Kagabi, January 8, 2021, ay nagpost si Jaclyn sa kanyang Instagram account ng underwater shot ni Philmar at ng buntis na si Andi.

Kalakip nito ang maikli ngunit kinikilig na reaksiyon ni Jaclyn para sa anak.

Saad niya, “The most romantic proposal...the mermaid!”

“Mermaid” ang tawag ni Andi sa kanyang sarili bago pa man siya nagdesisyong manirahan sa island noong 2017.

Continue reading below ↓

Samantala, may nauna nang reaksiyon si Jaclyn tungkol sa engagament ni Andi.

Noong December 21, 2020, isang araw pagkatapos mabalita ang proposal ni Philmar, nagpost siya ng isang throwback photo ni Andi, na kuha noong siya ay nag-first communion.

Ang maikling caption ni Jaclyn, “Ang anak ko.”

Sa comments section naman, proud niyang sinabi na “Ikakasal na [smile emoji] happy nanay”

Continue reading below ↓

December 20, 2020 nang ibalita ni Andi sa kanyang Instagram account ang engagement nila ni Philmar.

Taong 2017 nagsimula ang kanilang relasyon.

Mayroon silang one-year-old daughter, si Lilo.

Ipinagbubuntis ngayon ni Andi ang kanilang pangalawang anak.

Parehong may anak sa previous relationship ang couple.

Ang panganay ni Andi na si Ellie Eigenmann ay anak niya sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose calls Andi Eigenmann and Philmar Alipayo's engagement the "most romantic proposal."
PHOTO/S: @jaclynjose on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results