Baka nagkatampuhan lang.
Ito ang nasa isip ng showbiz fans matapos mag-reconnect muli sa Instagram si James Reid at ang girlfriend nitong si Issa Pressman.
Read: Nine things you don't know about James Reid


Kamakailan ay naging usap-usapan ang dalawa matapos mapansin ng netizens na hindi na pina-follow ng dalawa ang isa’t isa sa Instagram.
Dahil dito ay umugong ang haka-hakang baka naghiwalay na sina James at Issa.
Sa panahon kasi ngayon ay naging batayan na ang social media platforms para magkaideya ang publiko sa estado ng relasyon ng celebrities.
Sa kaso nina James at Issa, makikita na bagamat pinutol nila ang ugnayan sa Instagram ay hindi naman sila nagbura ng mga larawan nila as a couple.
FLEXING ISSA AS HIS GIRLFRIEND
Sa ekslusibong panayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James nung Setyembre ay buong pagmamalaki nitong sinabi na masaya siya sa piling ni Issa.
“There’s no better way to say it. I’m very in love. I’m very happy," sambit ni James.
Read: James Reid on relationship with Issa Pressman: "I’m very in love. I’m very happy."
Naganap ang interview sa Preview Ball 2023 sa Manila Marriott Hotel, sa Pasay City.
Dagdag ni James, "Yeah, but six months ago, we just really clicked and, you know, we're very happy.
"It's been a crazy six months, roller coaster but super happy."
Para kay Issa, si James ay ang itinuturing niyang "male counterpart."
Marso 17 ng taong ito nang isapubliko nina James at Issa ang kanilang relasyon.
Bago pa man yun ay usap-usapan na ring may relasyon ang dalawa.
Read: Issa Pressman on James Reid: “We are inseparable.”
Itinuturo ng ilang netizens si Issa bilang dahilan ng pagkakalabuan ni James at dating ka-love team partner at girlfriend na si Nadine Lustre.
Enero 20, 2020, nang kumpirmahin nina James at Nadine ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng joint statement.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Itinanggi naman ni Issa ang paratang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.