Pumanaw na si Judy Araneta Roxas, ang ina ng dating senador at Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary na si Mar Roxas, nitong Martes, August 26, 2025.
Siya ay 91.
Ang malungkot na balita sa pagkamatay ni Judy ay inanunsiyo ni Mar sa pamamagitan ng social media post ngayong Martes ng gabi, August 26, 2025.
Walang binanggit na dahilan si Mar kung ano ang ikinamatay ng kanyang ina, ngunit sinabi nitong sumakabilang buhay ang ina nitong umaga ng Martes kapiling ng pamilya at mga mahal sa buhay.
Mababasa sa post, kalakip ang litrato ng yumao: "We are very sad to share that our mother Judy Araneta Roxas passed away peacefully this morning, surrounded by family and loved ones.
"Please include her in your prayers. Wake details to follow."
WHO IS Judy Araneta-Roxas?
Si Judy Araneta Roxas ay asawa ng yumaong senador na si Gerry Roxas.
May tatlo silang anak—sina Maria Lourdes, Gerardo Jr., at Mar.
Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue
Kilala si Judy bilang matriarch ng pamilya Roxas.
Nagsilbi siyang presidente ng J. Amado Araneta Foundation at ng Gerry Roxas Foundation.
Bukod pa rito ang pagiging vice-chairperson ng Araneta Group Management at Araneta Centre Corporation.
