Sa tagal na ni Julie Anne San Jose sa showbiz, tingin niya ay wala na siyang maitatago sa publiko.
“Ano ba ang hindi alam ng tao sa akin? Hindi ko alam!” ang natatawang sabi ng 28-year-old singer-actress.
At saka niya naisip na, “Siguro, I’m speaking about sa bashing. Kasi, most of the time kasi, may mga nakikita pa rin naman ako, pero mas frequent na lang sila.
“I think there was a phase, I think you all know about it.”
Hindi man diretsahang pinangalanan ni Julie, pero mukhang pinatutungkulan niya ang bashing na natanggap niya dahil sa naging isyu sa kanila ni Alden Richards noon.
Taong 2012 noong na-link ang dalawa, pero bigla na lang daw may nagbago sa closeness nila at umabot pa sa puntong in-unfriend siya ni Alden sa Twitter.
At noong na-link ulit si Julie Anne sa binata kasagsagan ng AlDub, ang tawag sa love team nina Alden at Maine Mendoza, hindi nakaligtas ang dalaga sa mga bashers.
Paglalahad ni Julie Anne, “There was a phase na wala na rin akong magawa. Hindi ko rin alam that time kung paano maipagtatanggol ang sarili ko.
“That time, I was really down."
Pag napapanood siya sa TV, tila hindi niya iniinda ang mga puna sa kanya, pero may time daw na napraning siya sa posibleng gagawin ng fans sa kanya.
Aniya, "Umabot sa point na nawalan na ako ng kumpiyansa sa sarili ko. Takot na akong mag-perform, parang every time na tutungtong ako ng stage, feeling ko may mambabato sa akin or whatever.
“Pero siyempre, I have to keep it to myself. Kasi, alam mo yun, I have to put a strong face because this is my job, this is what I do and this is what I have to do.
"And it’s a commitment kasi may iba rin akong work.
“Commitment kasi yun, and once I’m committed to something, ginagawa ko talaga siya, and I make sure na yung trabaho ko, nagagawa ko nang maayos. At the end of the day, happy ako.
"But yeah, there was a time na, during those times na parang, ‘Kaya ko pa ba? Kakanta pa ba ako?’ Hanggang sa parang tinanggap ko na lang din.”
Sinarili raw niya ang pinagdaanan.
Paliwanag niya, “Hindi kasi ako ma-explain na tao like sa social media. Introvert kasi ako.”
Maaring introvert pa rin ang tingin niya sa sarili, pero "mas bukas" na siya ngayon.
Aniya, “Mas nag-open na ako ngayon. And, siyempre, may mga theories pa about me na, ‘Hindi, ano iyan, ganito-ganyan. Suplada iyan.’
"Or may mga iba-ibang stories na nagsi-circulate about me na hindi rin naman totoo. Na alam ko sa sarili ko na, 'Oh my god, hindi ako ito, hindi ko ginawa ito.' Pero that’s what people think or that’s what people thought what happened.
"Pero, hindi po talaga. Basta alam ko sa sarili ko at ng pamilya ko na wala akong inaapakang tao at wala akong ginagawang masama.
“Pinapasa-Diyos ko na lang din. Alam naman ni Lord ang lahat.”
Mayroon naman siyang mensahe sa mga bashers.
Sabi ni Julie, “I think, this applies sa lahat ng artists din, tao rin naman kami. May personal struggles din kami. Kung ano ang hindi nila nakikita sa camera, it doesn’t mean na kapag nakita nila na okay ang tao, it doesn’t mean na okay na rin kami deep inside.
“We all have personal battles sa buhay.
“So I think, what we need is understanding lang siguro. Lahat naman ng tao, hindi naman perfect. Hindi laging masaya. Hindi laging lahat okay."
Wala naman nang hard feelings si Julie Anne sa pinagdaanang bashing.
Aniya, "Minsan, kailangan mong dumaan sa ganitong stage ng buhay.
"Yun lang magpapatatag sa iyo, so ewan ko, like for me, dinaanan ko na lahat ng bagyo, lahat ng lindol, baha.
"Pero I’m happy na nandito pa rin at nananatili pa rin akong nakatayo.”
