Hindi pa tapos ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez sa kanyang krusada laban sa social media trolls.
Sa Instagram kagabi, January 17, 2022, nag-post si Korina ng mensahe sa mga kapwa niya umano biktima ng trolls.
Bilang isa sa paboritong target ng bashers sa social media, sinabi ni Korina na may bayarang trolls na walang ibang ginagawa kundi manghamak ng kanilang kapwa.
Hina-hire daw ang trolls ng mga taong walang lakas ng loob upang kumprontahin at sabihin nang harapan ang nasa isip nila.
Saad ng Rated Korina host, “ARE YOU ALSO A VICTIM OF TROLLS? When I googled “memes of trolls” this image came out. Parang akma?
“You know: yung pina-project ka para i-harrass—kase, well, bayad sila.
“Their parents must be very proud of them na ang income nila is to inflict lies and misery on other innocent people.
“Poor parents who put them through school. And these kids get hired by crooks who are just… EVIL, I guess.
“Trolls are usually hired and orchestrated by people who dont have the guts to just confront you and tell you what they think, to your face.
“Or malaki ang kontrata para manira. Or baka kasi super inggit lang. Or bored sila and unhappy. Or obssessed with a person or an idea.”
Nakakaawa raw ang ganitong pag-uugali. Imbes daw kasing ayusin ng trolls ang kanilang mga buhay, buhay ng iba ang pinakikialaman.
Saad niya, “Pathetic, really. Imbes na ayusin nalang nila ang sarili nilang buhay.
“Ang ganda pa naman ng buhay sana. I guess hanggang doon nalang sila? I hope not.
“I still believe in the good in people. But Ive lived long enough to know some people are just… INSANE.”
Kaugnay nito, may alok si Korina sa mga biktima ng trolling: tutulong siya upang masugpo ang ganitong klaseng kalakaran sa social media.
Gagawa raw siya ng paraan para makulong ang trolls, pero ipapahiya muna bago kasuhan.
Aniya, “If you’re a victim of online harrassment by paid trolls email me on korina_abs@yahoo.com and I will give you the tips how to put them in their place.
“There are administrative and legal remedies for this. Ipakulong natin sila.
“Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. Im in touch with the Senate about this currently. Im on your side, being a victim myself. There’s a way.”
Payo pa ni Korina, i-block ang mga taong naninira ng kapwa.
“You can start by blocking all those who dont follow you and those who have just followed you. Anyway, lets chat in private.
“I can also advise you about the legal parameters. Let the devils stay in hell, right?
“Let’s put them back there. #TulunganTayo #DeathToTrolls God’s on our side on this one.”
View this post on Instagram
Muling naging sentro ng bashing si Korina nitong mga nakaraang araw dahil sa post niya kung bakit hindi pa siya nahawaan ng COVID-19.
Hindi ito nagustuhan ng maraming netizens.
Ngunit nilinaw ni Korina na hindi iyon ang ibig niyang pakahulugan at nagkamali lamang siya ng paggamit ng salita.
