PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal, fiancé Perry Choi say no to live-in before marriage: “It’s our choice.”

Kris: "Though we're already engaged, we're not yet living under the same roof."
by Jet Hitosis
Published Aug 20, 2020
Kapuso actress Kris Bernal and chef-businessman Perry Choi got engaged on February 6, 2020. They are planning to marry next year.
PHOTO/S: @krisbernal, @choi.perry on Instagram

Hindi nagsasama sa iisang bubong ang aktres na si Kris Bernal at ang fiancé niyang chef-businessman na si Perry Choi.

Ito ang nilinaw ni Kris sa post na makikita sa kanyang Instagram Stories nitong Miyerkules, August 19.

February 6, 2020 nang ma-engage sina Kris, 31, at Perry, 36.

Tatlong taon na silang magkarelasyon. Magkasosyo rin sila sa restaurant business ng Kapuso actress.

Kaya iniisip marahil ng maraming fans ng aktres na kumbinyente para sa kanila kung magsasama na sa iisang bahay.

Pero sa latest Instagram Stories ni Kris, nilinaw niyang bagamat engaged na sila ni Perry, hindi raw sila nagli-live in.

“Choice” daw nilang hindi muna magsama habang hindi pa sila naikakasal.

“NO HUGS, NO KISSES” DURING PANDEMIC

Isinulat ito ni Kris bilang caption sa ipinost niyang tatlong litrato ni Perry.

Sa unang picture, na kuha ni Kris, makikita si Perry na nasa labas ng gate ng bahay ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasuot ng face mask at face shield ang binata, habang naka-peace sign ang kaliwang kamay.

Ang kanang kamay ni Perry ay inilapit niya kay Kris, habang pinagdidikit nila ang dulo ng kanilang mga index fingers.

Sa ngayon, habang nananatili ang panganib ng COVID-19, ganoon muna ang batian ng engaged couple.

Dagdag ni Kris sa caption (published as is): “STILL NO HUGS, NO KISSES, AND PRACTICING SOCIAL DISTANCING.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PERRY COLLECTS TOYS, KRIS IS INTO DESIGNER BAGS & SHOES

Sa ikalawang litrato, naka-pose si Perry habang bitbit ang bago nitong funko pop toy.

Ayon sa caption ni Kris sa photo, excited daw si Perry na ipakita sa aktres ang bagong dagdag sa koleksiyon nito.

Mismong si Perry raw ang humiling kay Kris na kuhanan ito ng litrato habang bitbit ang kabibiling laruan.

Kuwento pa ni Kris tungkol sa fiancé, kapag kinukuwestiyon daw niya si Perry sa ginagastos sa collection nito ay pabirong isinusumbat ng binata ang “LUXURY INDULGENCES” ng aktres.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang funko pop toys ay vinyl figurines ng iba’t ibang sikat na personalidad, movie characters, at iba pang pop culture collectibles.

Ang presyo ng bawat vinyl figurine ay depende sa character nito.

Nasa PHP600 kada piraso ang pinakamura nito, habang aabot naman sa hundred thousand pesos—at kung minsan pa ay milyon—ang pinakamahal, lalo na kung rare ang character.

Samantala, designer bags and shoes naman ang koleksiyon ni Kris.

Hermes, Yves Saint Laurent, Dolce & Gabbana, at Gucci ang paborito niyang brands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KRIS GOES BACK TO WORK

Sa ikatlong litrato, sakay na si Perry sa minamanehong kotse at kumakaway ng pamamaalam kay Kris.

“I LOVE YOU” na may tatlong lonely face emojis ang caption dito ni Kris.

Sabi ni Kris, sa susunod na buwan na niya uli makikita ang nobyo.

Balik-taping na raw kasi siya ngayong Huwebes, August 20.

Ayon sa Kapuso actress, ito ang unang pagkakataong magbabalik-trabaho siya simula nang magpatupad ng enforced quarantine ang gobyerno noong March 17.

Hindi binanggit ng StarStruck 4 (2007) big winner kung ano ang bagong project niya sa GMA-7.

Bukod sa mga araw na nagte-taping, kailangan ding mag-quarantine ni Kris pagkatapos. Kaya sa September na nga sila muling magkakasama ng kanyang fiancé.

“SEE YOU NEXT MONTH. @CHOI.PERRY,” mababasa sa dulo ng caption ni Kris, kalakip uli ang tatlong lonely face emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WEDDING SET FOR NEXT YEAR

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris noong February 13, 2020, sinabi niyang sa 2021 pa nila planong magpakasal ni Perry.

Gusto raw ng aktres na makapagpatayo muna sila ng sariling bahay bago magpakasal.

Ayon kay Kris, may nabili na siyang lote sa Quezon City. Si Perry naman daw ang bahalang magpatayo ng magiging bahay nila sa loteng iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2016 nang nagkakilala sina Kris at Perry, nang maging meat supplier ang binata sa dating burger joints ng aktres.

Pagsu-supply ng karne at dairy ang negosyo ng pamilya ni Perry.

Ipinagmamalaki ni Kris na mas naging pursigido siya sa pagnenegosyo dahil matiyaga siyang igina-guide ng nobyong businessman.

Bukod sa kanyang Korean barbecue restaurant, may sarili ring make-up brand si Kris.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kris Bernal and chef-businessman Perry Choi got engaged on February 6, 2020. They are planning to marry next year.
PHOTO/S: @krisbernal, @choi.perry on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results