Meryll Soriano introduces new baby to dad Willie Revillame

by Arniel C. Serato
Jan 2, 2021
Meryll Soriano Willie Revillame new baby
Meryll Soriano posts on Instagram two pictures with father Willie Revillame and her newborn baby today, January 2: "With lolo."
PHOTO/S: Courtesy: @planetumeboshi on Instagram

Ipinakilala na ni Meryll Soriano, 38, ang kanyang bagong baby sa amang si Willie Revillame.

Ngayong gabi ng January 2, 2021, nag-upload si Meryll ng dalawang larawan niya kasama si Willie at ang kanyang bagong silang na supling.

Caption niya, “With Lolo.”

Ang bagong baby ni Meryll ay anak nila ng nakabalikang nobyo na si Joem Bascon, 34.

Ibinahagi ni Meryll sa kanyang Instagram nitong Bagong Taon, January 1, 2021 na nanumbalik ang naudlot nilang relasyon noon ni Joem.

Nagbunga pa ito ng isang malusog na sanggol pero hindi pa niya idinetalye kung ano ang kasarian nito.

Buong caption ni Meryll, “2021! May this year be kinder to us all.

“May we all find peace, joy and love.

“New year, new hopes, new positive outcomes.

“Happy New Year from our family to yours!”

REKINDLED RELATIONSHIP

November 2019 unang kumalat ang balitang nagkahiwalay na sina Joem at ang live-in partner nitong si Crisha Uy.

Continue reading below ↓

Walong taong nagsasama noon sa isang bubong sina Joem at Crisha.

Sabi ni Joem sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 2019, “Paano ko ba sasagutin ‘to... eight years.

“Nagkaroon lang siguro ng… hanggang doon lang talaga siya.

“Kasi kapag pinilit, lalo na on my side, siguro mas gugulo pa. Mas magiging magulo.

“So, I guess, hanggang doon ko lang talaga kaya at hindi na i-continue.”

Sa kabila nito, umaasa si Joem na mananatili silang magkaibigan ni Crisha.

“Pero siyempre, kasi fresh pa, e. So I’m hoping na maging friends, kasi maayos naman yung pag-uusap.

“Pero kasi, wala namang hiwalayang hindi masakit. Masakit pa rin for both of us.

“Siguro lang ngayon, nakakausap niyo ako nang maayos, kasi I’m very busy with work na madami akong kasamang mga tao.

“Well, talagang dina-drown ko yung sarili ko with trabaho and friends para hindi mo maisip masyado yung nangyayari.”

Continue reading below ↓

Dito na rin umingay ang balitang muli silang nagkakamabutihan ni Meryll.

Noong January 1, 2020, sumama si Joem sa New Year’s lunch ng pamilya nina Meryll.

Kaya naman lalong lumakas ang usap-usapang nagkakabalikan na ang dalawa.

Unang nagkatrabaho sina Joem at Meryll sa ABS-CBN primetime series na I Love Betty La Fea noong 2008-2009.

Nagkaroon sila ng relasyon, subalit naghiwalay rin sila pagkatapos ng isang taon.

Muli silang nagkatrabaho noong 2019 sa primetime series na Starla ng ABS-CBN.

Magkasama rin sila sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Culion.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meryll Soriano posts on Instagram two pictures with father Willie Revillame and her newborn baby today, January 2: "With lolo."
PHOTO/S: Courtesy: @planetumeboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results