Trigger Warning: Mention of suicide
Ginunita ng mag-asawang Nonie Buencamino at Shamaine Centenera-Buencamino ang ika-sampung anibersaryo ng kamatayan ng kanilang bunsong anak na si Julia Louise Buencamino.
Sa Instagram noong July 7, 2025, idinaan nina Nonie at Shamaine sa social media ang paggunita sa kamatayan ng anak.
Ayon kay Nonie: "Remembering our youngest daughter Julia today. It has been 10 years since she left us. But I believe that I will see her again.
"She was a very kind soul, a very thoughtful and loving person.
"Please say a prayer for her: Julia Louise Centenera Buencamino. I love you Julia!"
View this post on Instagram
Si Shamaine naman ay nagbahagi ng ilang larawan ni Julia noong nabubuhay pa ito.
Paglalarawan ng aktres sa unang litrato, "Julia identifying as a koala when she was 12."

Sabi naman niya sa pangalawang larawan, "Happy to see a fresh flower—from one of her friends—tucked into my handmade bouquet."

Buong caption ni Shamaine sa kanyang post: "It's been 10 years. May her soul rest in peace oh Lord!
"Please whisper a little prayer for our youngest daughter, Julia. Thank you.
"And yes, we still miss her so much."
View this post on Instagram
Read: Nonie and Shamaine Buencamino honor late daughter Julia through memorial exhibit
JULIA'S condition prior to her death in 2015
July 7, 2015, natagpuang wala nang buhay si Julia sa bahay nila sa Quezon City.
Pinaniniwalaang nagpakamatay ang teen actress na bahagi ng cast ng defunct ABS-CBN daytime series na Oh My G!.
Idineklara siyang dead on arrival sa Cardinal Santos Medical Center, sa San Juan City.
Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide
Sa isang panayam noong 2018, sinabi ni Shamaine na hindi nila namalayang may pinagdadaanang depression si Julia.
Sabi niya sa interview ng Magandang Buhay, "Wala, unfortunately for us, we were foolish.
"Ngayon, nasasabi ko in hindsight na parang ang tanga-tanga namin.
"Kasi akala namin, dahil pinalaki namin silang masayahin, nabigay namin ang lahat ng kailangan nila, okay na."
Borderline Personality Disorder (BPD) umano ang nakita ng doktor na nagsagawa ng psychological autopsy kay Julia.
Pinag-aralan ng doktor ang mga artwork at isinulat sa journal ng dalaga upang ma-interpret ang personality nito.
Ayon sa website ng National Institute of Mental Health (NIMH), ang Borderline Personality Disorder (BPD) ay isang uri ng mental illness, "marked by an ongoing pattern of varying moods, self-image, and behavior."
Ang taong may BPD ay maaaring makaranas ng "intense episodes of anger, depression, and anxiety" na tumatagal ng ilang oras hanggang ilang araw.
Ayon pa sa NIMH, ang isa sa sintomas ng BPD ay mood swings at mabilis na pagbabago ng opinyon tungkol sa ibang tao, kung kaya't nagreresulta ito sa "unstable relationships."
Dugtong ni Shamaine, mahirap tukuyin ang kundisyong ito dahil kaya itong itago ng pasyente.
"I think, one side of it—that’s why they call it the invisible illness—kasi any person who’s suffering, depression or bipolar, they can hide it, e. Parang normal lang."
Marami rin umano sa mga nakararanas nito ay high achievers pa sa school at trabaho, at itinatago ang kanilang kundisyon dahil sa stigma o sa takot mahusgahan ng publiko.
Ipinaliwanag ni Shamaine na hindi nila tiningnan ang mga artwork at journal ni Julia dahil may rule sa kanilang bahay na huwag pakialaman ang mga personal na bagay.
"So, may parang... may written rule na you can’t look.
"So, parang ganun yung ginawa namin sa kanila.
"Kahit na nandun lang yung diary ni Julia, hindi ko tinitingnan."
Maaaring natukoy raw sana niya ang pinagdadaanan ng anak kung sinilip niya ang mga artwork at journal nito.
Payo ni Shamaine sa mga magulang, tingnan ang mga ginagawa ng mga anak, gaya ng drawings o isinusulat sa journal.
"Sabi nga nung spiritual adviser ni Nonie, 'It’s your responsibility kasi menor de edad pa yan. You should really know everything about your child.'"
Kailangan lang daw maging creative upang hindi malaman ng bata na tinitingnan ang kanilang personal na gamit.
Kung nalaman lang daw niya ang dinadala ng anak ay posibleng nailigtas pa nila ito.
Sabi ni Shamaine, "Sana alam ko.
"Sana alam ko na meron siyang ganung dinaramdam para natulungan namin siya, para nadala namin siya sa doctor.
"Sana nagamot pa siya."
Read: Shamaine Buencamino opens up about daughter who suffered from depression and committed suicide
*additional text from Bernie Franco
