Rommel Galido, JP dela Serna speak about meeting Sharon Dacera, "mental torture" in police detention

by Rachelle Siazon
4 days ago
Rommel Galido (left) and JP dela Serna (right) narrate how they allegedly experienced mental torture when they were detained in Makati City detention cell for five days because of the Christine Dacera alleged rape with homicide complaint. JP says, "To be honest, January 1, kinulong kami sa loob ng jail..."
PHOTO/S: The Boy Abunda Talk Channel / @xtinedacera Instagram

Umalma sina Rommel Galido at John Pascual "JP" dela Serna sa diumano'y "mental" at "emotional" torture na naranasan nila nang iditena sila sa presinto ng Makati City mula January 1 hanggang January 6.

Anila, "kapit sa patalim" ang nangyaring pandidiin nila kay Mark Anthony Rosales kapalit ng kanilang kalayaan.

Base sa salaysay nina Rommel at JP sa pulisya, pinangalanan nila si Mark na diumano'y may dala ng "powder drugs" sa dinaluhan nilang New Year's Eve party kasama si Christine Dacera.

Si Rommel ang nagturo kay Mark na diumano'y naglagay ng kung ano sa inumin ni Christine kaya sumama ang pakiramdan ng dalaga.

Si JP ang nagsabing nakitaan niya diumano si Mark na may dalang "powder drugs." .

Ani JP sa kanyang salaysay sa pulisya, inalok umano siya ni Mark na gumamit ng "powder drugs" noong gabi ng party, pero tumanggi raw si JP at nakita na lang daw niya sina Mark at Louie de Lima na gumamit noon.

Continue reading below ↓

Binawi nina Rommel at JP ang salaysay nilang iyon sa pulisya.

Pormal silang nagsumite ng kanilang partial recantation nang humarap sila sa preliminary investigation sa Makati Prosecutor's Office noong January 13.

Sa esklusibong panayam ni Boy Abunda noong January 14, idinetalye nina Rommel at JP ang hirap na dinanas nila sa presinto.

Kasama nilang humarap sa panayam sina Gregorio "Gigo" de Guzman, Valentine Rosales, Clark Rapina, at Atty. Mike Santiago.

Hindi raw nila akalaing binansagan silang suspects ng pulisya sa pagkamatay ni Christine.

Si Rommel ang kasamang nagsugod kay Christine sa ospital matapos matagpuang walang malay ang dalaga sa bathtub ng Room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City. Naganap iyon noong tanghali ng January 1, 2021.

Si JP naman ay naiwan sa hotel kasama ni Gigo de Guzman hanggang sa bumalik doon si Rommel mula sa ospital.

Sinamahan pa raw nina JP, Rommel, at Gigo ang isang police investigator at dalawang police officers na nag-inspect ng Room 2209 kunsaan huling nakita si Christine.

Continue reading below ↓

Inimbitahan daw silang tatlo na sumama sa presinto.

Sinabihan daw sila ng police na "out of delicadeza" ay hintaying dumating ang pinsan ni Christine, na noon ay nasa ospital pa, para personal na ilahad dito ang nangyari sa dalaga.

Siniguro pa raw ng Makati Police kina Rommel, JP, at Gigo na pauuuwiin din sila kapag dumating na ang pinsan ni Christine.

Tanging sina Rommel at JP ang kinunan ng salaysay ng pulisya.

Apat na oras na ang lumipas, hindi raw kinunan ng salaysay si Gigo ng pulisya. Kaya sa tulong ng kanyang abogado, maayos daw nagpaalam si Gigo sa police investigator at supervisor na hayaan siyang makauwi na.

Sumagi raw sa isip ni Rommel ang pangamba dahil maiiwan sila ni JP sa presinto. Pero hindi na raw niya isinaboses pa ito dahil hindi naman niya kilala noon ang abogado ni Gigo na si Atty. Santiago.

Sabi naman ni JP, "'Tsaka ang ano namin nun, 'Sige, paaalisin naman tayo. Antayin na lang natin cousin ni Tin,' since ang purpose namin is to cooperate and help at the time."

Continue reading below ↓

ROMMEL AND JP "JAILED" ON JANUARY 1

Hindi raw inaasahan nina Rommel at JP na aabot sa puntong magpapalipas na sila ng gabi sa kulungan.

Sa isang iglap ay naging tila suspect sila sa pagkamatay ni Christine, gayong hindi raw malinaw sa kanila kung bakit sila dinitena ng pulisya.

Lahad ni JP: "To be honest, January 1, kinulong kami sa loob ng jail.

"We've been exposed to more than a hundred people. At the same time, that night we don't have any option to lay down. Hindi kami nakatulog.

"Yung pinaglagyan nila sa amin madumi, madaming ipis, mainit.

"We feel unsafe. We don't know who are the people inside...

"The next day, kinausap kami ulit. Kinausap kami kasama yung side ni Ms. Sharon, tapos mga pulis."

Noong January 2, hiwalay na kinausap daw sina JP at Rommel ng pulisya kasama ang kampo ni Sharon Dacera.

Si Sharon ang ina ni Christine na tiga-General Santos City.

Continue reading below ↓

Dito raw sila kinuwestiyon ng pulis at pilit na piniga kung sino ang may sala sa pagkamatay ni Christine.

Paglalarawan ni JP sa kanyang karanasang iyon, "The torture I was talking about was the emotional torture and the mental torture."

May nangyari bang pisikal siyang sinaktan sa presinto?

Sagot ni JP, "Hindi ko siya masasabing sinaktan, pero pinosas po kami ni Rommel. There were times bumabakat na [sa kamay] kasi masikip, so I would consider that physical torture as well."

Lumalabas na nito na lang huli nakuha si Atty. Santiago bilang legal counsel ng grupo.

Ayon sa abogado, hindi dapat pinosasan sina Rommel at JP.

"In my observation when people are under custodial investigation, they are not normally in handcuff.

"They are just in a room, basically isolated from the rest.

"According to them, the first night they were inside the detention cell who were already charged with a crime."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ON MEETING SHARON DACERA AND COMPANIONS

Bago pa nagtungo sa presinto sina JP, Rommel, at Gigo noong January 1, si JP daw ang tumawag sa ina ni Christine na si Sharon Dacera upang ipaalam ang nangyari sa dalaga.

Sabi raw ni JP kay Sharon, "Kinakalungot ko po sabihin sa inyo wala na po si Tin..."

Noon pa lang ay kinuwestiyon na raw ni Sharon si JP kung anong nangyari sa anak.

"Then, mga 30 seconds, bigla ako nanghina because I heard her mom screaming. Umiiyak mom niya. I don't know how to handle that.

"Sabi niya, 'Anong ginawa niyo sa anak ko?' Sabi ko, 'Wala po kaming ginawa.' 'Tapos naputol yung conversation namin that time."

Hanggang sa noong January 2, hiwalay na nakaharap nina Rommel at JP ang ina ni Christine na si Sharon sa loob ng presinto.

Kasama raw ni Sharon ang pamangkin na si Dana, boyfriend ni Dana na si Andrei Barretto, isang doktora na kaibigan ng pamilya Dacera, at abogado ng mga ito.

Continue reading below ↓

Pinagalitan daw ni Sharon sina Rommel at JP.

Lahad ni JP: "Yung mother po pinagalitan kami.

"Sinabihan ako ng mother niya na wala raw akong kuwentang kaibigan kasi pinabayaan ko yung anak niya kaya ganun nangyari.

"Pero sabi ko, 'Ginawa ko yung best ko para alagaan si Tin that night.'"

Singit ni Rommel, "Same po."

Inilarawan din ni Rommel ang umano'y hindi magandang paghaharap nila ng ina ni Christine.

"Hindi siya naging okay for me. Pamumuwersa yung ginawa nila.

"Pinangakuan kami, 'Alang-alang sa freedom mo kaya ka namin ibalik sa trabaho mo. Tatanggalin namin yung name mo sa list ng kakasuhan.'"

Ang nagsasabi raw nito kay Rommel ay si Sharon at boyfriend ni Dana na si Andre.

Pilit daw na pinipiga si Rommel na may krimeng nangyari kay Christine.

"And they're trying to convince me na, 'Kami bahala sa inyo. Bibigyan ka namin ng proteksiyon. Sabihin mo lang kung sino ang nang-rape, kung sino gumanun kay Christine.'"

Continue reading below ↓

Noong mga oras na iyon, nilinaw raw ni Rommel na ang "totoo" na nangyari ay "walang rape."

Pero ayaw raw maniwala ng kampo ni Christine.

Sabi raw ng doktora na kaibigan ng pamilya Dacera,"Hindi naniniwala ang pamilya sa iyo. Itutuloy namin ang demanda. Mabubulok ka sa kulungan.'"

Ganoon din daw ang sinabi ng kampo ni Christine kay JP.

Ani JP, "Pinangakuan na matatanggalan kami ng kaso, magiging state witness kami."

Nabanggit pa raw ni JP kay Andre na nag-aalala siya sa laki ng aabuting gastos dahil sa reklamo ng pamilya Dacera.

"Sabi niya sa akin, 'Sabihin mo totoo. Lahat ng gastos ibabalik namin."

ON NAMING MARK ANTHONY ROSALES

Dahil umano sa takot na dinanas sa kulungan, sinabi ni JP na napilitan siyang "kumagat" sa diumano'y susog sa kanyang magbigay ng maaaring maging lead ng pulisya.

Kalmadong paliwanag ni JP: "Kasi that night na in-interrogate ako, wala akong tulog, wala akong maayos na kain. At the same time, may sinabi sila na I can be a state witness, magbigay lang ako ng pangalan.

Continue reading below ↓

"Sabi pa nila, pwedeng hindi ako masampahan ng kaso. That night, naisip ko si Mark lang bago sa grupo so siya naituro ko.

"Sa sobrang takot ko sa nangyari sa akin sa loob ng kulungan, nakita ko sarili ko nakaposas, yun na po nasabi."

Ilang beses tinanong ni Boy Abunda si JP kung bakit kinailangang mag-imbento siya ng istorya at idiing may dalang "powder drugs" si Mark kung talagang hindi ito nangyari.

Sa puntong ito, naging emosyonal si JP at sinabing lubha siyang nangamba para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Aniya, "I'm telling the truth. The only reason I wasn't able to speak up is because siyempre yung nangyari sa amin sa loob—mahirap, nakakatakot... and natatakot ako baka madamay family ko."

Naisip daw ituro ni JP sina Mark at Louie de Lima dahil nakita raw niyang malapit ang dalawa at tila may relasyon base sa pakikitungo ng mga ito sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Sina Louie at Mark ay kasama raw ng grupo nila JP, Rommel, at Christine na nasa Room 2209.

Dagdag ni Rommel, si Mark daw ang "bago sa grupo" at hindi pa nila gaanong kakilala kaya ito ang naisip niyang pangalang ituro sa pulis.

Wala raw talagang inireklamo si Christine na may inilagay si Mark na kung ano sa inumin nito.

Paglilinaw ni Rommel, "Yung totoong sinabi talaga ni Cristine is nahihilo lang siya and sumasama pakiramdam niya."

Aminadong nag-imbento na lang daw ng istorya si Rommel para pakawalan na siya sa pulisya.

"First of all, nung tinanong ako nung pulis, interrorgation, naramdaman ko nung time na yun pagod, gutom, anxiety, worried, walang nag-a-advice, walang kasama.

"Ang nararamdaman ng katawan ko, gusto ko na lang bumigay."

Inulit ni Rommel na piniga raw sila ng pulis na magbigay ng pangalang idadawit sa insidenteng pagkamatay ni Christine.

"We have to name someone na involved sa drugs. Dapat may gumamit ng drugs or may nagdala ng drugs for my release, for my freedom.

Continue reading below ↓

"Nung time na yun, nararamdaman ko, a glimpse of hope na kakapitan, kakapitan ko. Kasi ayoko na talaga. Pagod na pagod na ako."

Aminado sina Rommel at JP na maling akusahan nila si Mark na may dala at gumamit ito ng "powder drugs" gayong hindi raw ito totoo.

Nakausap daw nina Rommel at JP si Mark, at humingi sila ng dispensa rito.

At noon ngang humarap sa Makati Prosecutor's Office sina Rommel at JP ay binawi nila ang kanilang salaysay sa pulisya kunsaan nabanggit na may dalang "powder drug" si Mark.

ALLEGED LACK OF DUE PROCESS

Una nang lumabas sa mga ulat sa pahayagan, TV networks, at online news sites na walang warrant of arrest ang pulisya nang iditena sina Rommel Galido, JP dela Serna, at John Paul Halili sa presinto ng Makati City.

Si John Paul Halili ay kinilalang kaibigan ng grupo ni Christine ay siya ring hotel manager ng City Garden Hotel.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung kailan idinitena si Halili ng pulisya.

Nang humarap siya sa media noong January 6, sinabi ni Halili na nagtungo lang siya ng presinto para magbigay ng salaysay nang nauwi siya sa pagkadetina rito.

Noong January 6, sabay na pinakawalan ng pulisya sina Galido, Dela Serna, at Halili.

Alinsunod ito sa utos ng Makati Prosecutor's Office, na nagsabing walang sapat na ebidensiya para sa reklamong "rape with homicide" na isinampa ni Sharon Dacera.

Hindi tuluyang ibinasura ang reklamo, pero kailangan pa raw ng masusing imbestigasyon para rito.

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Boy Abunda, idinetalye pa ng kampo nina JP at Rommel ang sitwasyon nang sila ay imbestigahan ng pulisya.

Inihayag ng kanilang legal counsel na si Atty. Santiago na ni hindi raw binasahan ng "Miranda Rights" sina JP at Rommel nang kunan sila ng sworn affidavit ng pulisya.

Ang Miranda Rights ay tumutukoy sa "right to remain silent" at "right to counsel" ng isang taong isinailalim sa imbestigasyon ng pulisya.

Continue reading below ↓

Kinuwestiyon din ni Atty. Santiago ang nakasaad sa sworn affidavit nina Rommel at JP sa pulisya na "binasahan sila ng kanilang karapatan na ayon sa batas" bago tinanong ng pulisya.

Ayon pa kina JP at Rommel, walang ipinayo sa kanila ang pulisya na karapatan nila ang manahimik at magkaroon ng legal counsel bago maimbestigahan.

Hindi rin daw sila ang personal na sumulat ng kanilang sworn affidavit, kundi base raw ito sa question and answer na naganap sa presinto.

Sabi pa ni Atty. Santiago, "Besides, it's understandable they would tell whatever is asked of them or they would even just ride along the story that is being told or an example that is being set."

Sa madaling salita, binigyan umano ng "incentive" sina JP at Rommel na magdiin ng isang tao kapalit ng kanilang kalayaan.

Maging si Atty. Santiago ay nakaengkuwentro raw sa presinto ang isang tao mula sa kampo ng Dacera family na nag-alok ng "incentive" para hindi madamay sa legal complaint sina JP at Rommel.

Continue reading below ↓

Matuturing daw iyong "psychological manipulation."

Ani Atty. Santiago, "There's really this offer of an incentive, basically offering something that these two guys will really look forward to.

"I can understand them. They are in jail for several days already. They're tired. They would commit these blunders, these mistakes."

Nanindigan ang grupo nina JP at Rommel na walang katotohanan ang bintang na "rape with homicide" sa kanila.

Hindi raw nila magagawang saktan si Christine na "pinahahalagahan" at "inaalagaan" nila.

Wala rin daw katotohanan ang espekulasyong namatay ito sa "drug overdose" dahil wala raw silang ginamit na anumang party drug sa Room 2209.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rommel Galido (left) and JP dela Serna (right) narrate how they allegedly experienced mental torture when they were detained in Makati City detention cell for five days because of the Christine Dacera alleged rape with homicide complaint. JP says, "To be honest, January 1, kinulong kami sa loob ng jail..."
PHOTO/S: The Boy Abunda Talk Channel / @xtinedacera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results