CCTV footage shows last few hours Christine Dacera was seen alive

by Rachelle Siazon
Jan 6, 2021
GMA News obtains three screengrabs from the CCTV footage showing Christine Dacera partying with her male companions from late night of December 31, 2020 to early morning of January 1, 2021. Seen above is the third screengrab where Christine was at the hallway outside her hotel room.
PHOTO/S: Screengrab from GMA News / 24 Oras

Namataan pa si Christine Dacera na kahalubilo ang mga kasamang nag-party noong madaling-araw ng Biyernes, January 1, 2021.

Si Christine, 23, ang pumanaw na flight attendant ng Philippine Airlines.

Eksklusibong nakakuha si GMA News reporter Marisol Abdurahman ng screengrab ng CCTV footage na kuha ilang oras bago ang insidenteng pagkamatay ni Christine.

Martes ng gabi, January 5, ipinakita ang mga screengrab ng CCTV footage sa ulat ng 24 Oras, ang primetime newscast ng GMA Network.

FIRST SCREENGRAB OF CCTV

Una rito ang screengrab na kuha sa hallway ng hotel na may time stamp na 11:38 p.m.

Makikitang akmang lumalakad si Christine palapit sa dalawang lalaking nasa tapat ng isang nakasaradong pinto ng hotel room.

Natukoy iyon na Room 2209, ang hotel room na si Christine ang nag-book para sa New Year's Eve party kasama ng tatlong kaibigan at katrabaho.

May hawak na wine glass at pair of high-heeled shoes si Christine sa kanyang kanang kamay.

Continue reading below ↓

Nakasuot si Christine ng thin-strapped mini dress at nakayapak noon.

SECOND SCREENGRAB OF CCTV

Ang ikalawang screengrab ng CCTV ay may time stamp na 03:22:52 ng madaling-araw ng January 1.

Dito ay nasa gitna ng hallway si Christine malapit sa kanyang hotel room. May kasama siyang tatlong lalaki.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ano ang ginagawa nila sa kumpulang iyon.

Pero akmang nakataas ang dalawang kamay ni Christine at tila hawak ang isa sa tatlong lalaki na nakayapak din tulad ng dalaga.

Makikita rin ang isang lalaking nakatayo sa bukas na pinto ng hotel room na katabi ng Room 2209. Nakadungaw lang ang lalaki kina Christine at tatlong lalaking kasama ng dalaga.

Continue reading below ↓

THIRD SCREENGRAB OF CCTV

Ang ikatlong screengrab ng CCTV footage ay kuha pa rin sa hallway na may time stamp na 3:22:59 a.m o pitong segundo makalipas sa ikalawang screengrab.

Dito ay makikitang nagkalas ang kumpulan nina Christine at tatlong lalaki na kasama niya.

Dalawang lalaki na wari'y magkaakbay ang tila naglalakad pabalik ng Room 2209 base sa direksiyon ng kanilang lakad.

Si Christine ay naiwang nakatayo sa hallway kasama ng isang lalaki.

Makikita rin sa screengrab ng CCTV na may tatlong lalaki sa tapat ng hotel room katabi ng Room 2209. Nakatayo lamang ang mga ito at nakatingin sa direksiyon nina Christine.

Continue reading below ↓

Isang di pinangalanang source ang nagbigay sa GMA News ng mga ipinakitang screengrab ng CCTV.

Sinasabing kasama ito sa ebidensiyang sinusuri ng pulisya para mapagtagni-tagni ang mga pangyayaring nakapalibot sa pagkamatay ni Christine Dacera.

INITIAL POLICE REPORT

Ayon sa datos mula sa initial interviews sa pulisya na nakatutok sa kaso, natagpuang patay si Christine sa batthub ng hotel room nito noong January 1.

Sa panayam ng Philippine Daily Inquirer noong January 4, sinabi ni Makati Police Chief PCol. Harold Depositar na may "provisional charge of rape with homicide" laban sa 11 kataong sangkot diumano sa pagpanaw ni Christine.

Napag-alamang tatlo sa mga nakasama ni Christine sa party ay kanyang mga kaibigan at kapwa flight attendants na nag-check-in sa hotel na iyon.

Doon sila nagsagawa ng party para salubungin ang bagong taon o mula gabi ng December 31 hanggang umaga ng January 1.

May mga iba pang dumalo sa party kaya nadagdagan ang natukoy na grupong kasama ni Christine sa Room 2209.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CHRISTINE'S CAUSE OF DEATH

Hindi malinaw kung ano ang basehan ng pulisya sa sinasabing provisional charge of rape with homicide sa mga kasama ni Christine na nag-party sa Room 2209.

Pero sa mga ulat na lumabas noong January 5, nakasaad na "ruptured aortic aneurysm" ang nakasaad na cause of death sa autopsy report ukol sa pagpanaw ni Christine.

Kinukuwestiyon ng pamilya ni Christine ang sinasabing "natural" cause of death ng dalaga.

Sa presscon noong hapon ng January 5, humarap ang ina ni Christine na si Sharon Dacera kasama ang Dacera family spokesperson na si Brick Reyes. Kasama nila ang legal counsels ng Dacera family na sina Atty. Mark Roxas at Atty. Jose Leda III.

Dito ay nanindigan ang kampo ni Christine na hinalay at inabuso diumano ang dalaga.

Naniniwala silang may foul play sa insidente dahil sa impormasyong nakalap nila na nilagyan diumano ng droga ang inumin ni Christine sa party.

Continue reading below ↓

Dagdag pa rito ang nakita raw nilang pasa at gasgas sa katawan ng dalaga.

Nag-request ang pamilya Dacera ng panibagong autopsy o medico-legal report para suriing maigi ang sanhi ng pagkamatay ni Christine.

Pinapahanap din ng kampo ni Christine ang grupo ng kalalakihang naka-check-in sa hotel room na katabi ng Room 2209.

Tila ito ang katabing kuwarto ng Room 2209, na kita sa hallway kunsaan huling namataan si Christine sa CCTV footage ng hotel.

CLAIRE DELA FUENTE'S SON

Sa kabilang banda, isa sa mga natukoy na kasama sa party sa Room 2209 ang lumutang at nagsabing wala siyang kinalaman sa krimeng ibinibintang sa kanila.

Nagpakilala ito bilang si Gregorio Angelo Rafael de Guzman, anak ng beteranang singer na si Claire dela Fuente.

Si Gregorio o Gigo ay natukoy na kaibigan ng isa sa mga flight attendants na kasama ni Christine sa Room 2209.

Sa panayam ng GMA News TV program na Quick Response Team (QRT) noong January 5, sinabi ni Gigo na nauna siyang natulog sa party at umaga na nang malaman niya ang masamang nangyari kay Christine.

Continue reading below ↓

Siya raw ang rumesponde kay Christine at sinubukang isalba ang buhay ng dalaga sa pamamagitan ng CPR.

Kasama rin daw si Gigo na nagsugod kay Christine sa ospital, pati na sa mga nagtungo sa pulisya para ipaalam ang insidenteng nangyari sa dalaga.

Mariin ding pinabulaanan ni Gigo na magagawa niya ang alegasyong rape laban sa grupo ng mga lalaking nauugnay sa party.

Bukod sa hindi raw niya magagawa ang maling paratang sa kanya, iginiit ni Gigo na gay ang kanyang sexual orientation.

Umapela rin ang ina ni Gigo na si Claire dela Fuente na sana ay maging patas ang batas sa paglutas ng reklamo ng pamilya ni Christine Dacera.

Nanindigan si Claire na inosente ang kanyang anak.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News obtains three screengrabs from the CCTV footage showing Christine Dacera partying with her male companions from late night of December 31, 2020 to early morning of January 1, 2021. Seen above is the third screengrab where Christine was at the hallway outside her hotel room.
PHOTO/S: Screengrab from GMA News / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results