PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga sets foot in Eat Bulaga! again after 17 years

Former host Toni Gonzaga visits Eat Bulaga! after 17 years.
by Bernie V. Franco
Published Dec 16, 2022
vic joey toni eat bulaga
Mainit ang pagsalubong nina Vic Sotto (left) at Joey de Leon (right) kay Toni Gonzaga (center), na muling tumuntong sa Eat Bulaga! stage pagkatapos ng 17 taon.
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram

Muling nakatuntong sa entablado ng Eat Bulaga! si Toni Gonzaga makalipas ang labimpitong (17) taon.

“Nakabalik kung saan nagsimula. Thank you, Eat Bulaga,” simpleng caption ni Toni sa kanyang post kamakailan.

Kalakip nito ang ilang larawan niya kasama ang original Dabarkads na sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Si Toni ay nagsimula sa bakuran ng GMA-7 at naging regular co-host sa Eat Bulaga! noong 2002.

January 2005 nang lumipat siya sa ABS-CBN.

Komento ng fans ni Toni, taping ang appearance ni Toni at ipapalabas ito sa mga susunod na araw.

Bahagi ito ng promotion ng My Teacher, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 official entry na pinagbibidahan nila ni Joey.

toni gonzaga eat bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang post ni Toni sa kanyang pagtuntong muli sa Eat Bulaga! ay pinusuan ng dalawa pang former co-hosts ng noontime show na sina Isabelle Daza (2011-2014) at Iza Calzado (2011).

Apat na red heart emojis ang komento ni Isabelle, habang tatlong white heart emojis ang kay Iza.

Gaya ni Toni, nagin regular co-hosts sina Isabelle at Iza ng Eat Bulaga! bago sila lumipat sa ABS-CBN.

May netizens pa naghahahanap kung susunod din sina Isabelle at Iza sa ginawa ni Toni.

isabelle daza

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

iza calzado

Samantala, kahit ang regular long-time co-host na si Allan K ay nagkomento rin.

“Nice to see you again chudy ver,” sabi ni Allan.

Reply ni Toni (published as is): “labyou chedddy vhuuuur [smiling face with hearts emojis]”

allan k comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOEY RECALLS TAMPO WITH TONI

Samantala, inalala ni Joey ang naging tampo niya kay Toni dahil “nilayasan” sila nito noon sa Eat Bulaga! at lumipat sa ABS-CBN.

“Nagtampo talaga ako dahil baby namin to, e,” kuwento ni Joey sa recent presscon ng kanilang MMFF movie.

“Wala, baby namin to, e.

“So, nung nawala, siyempre, siguro selfish lang kami noon, pero good for her. Dahil natutuwa kami sa mga nangyayari [kay Toni].

“Masaya ako sa sinapit ni Celestine [Toni],” ani Joey ukol sa pagsikat ni Toni nang lumipat ng network.

Nagkatampuhan man ay muling nagkabati ang dalawa. Inalala pa ni Toni na minsang birthday niya ay inimbitahan sila ni Joey sa bahay nito noong nagdi-date pa lamang sila ng ngayon ay asawang si Paul Soriano.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mainit ang pagsalubong nina Vic Sotto (left) at Joey de Leon (right) kay Toni Gonzaga (center), na muling tumuntong sa Eat Bulaga! stage pagkatapos ng 17 taon.
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results