Valentine Rosales posts uncut kissing video with Christine Dacera; insists he did not initiate kiss

by Arniel C. Serato
Jan 7, 2021
Valentine Rosales CCTV footage
Valentine Rosales (left) on CCTV footage (center) with Christine Dacera (right) kissing in hotel hallway hours before her death: "Ako ang hinalikan excuse me."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Binigyang linaw ni Valentine Rosales, isa sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera, ang nag-viral na kissing video nila ng 23-year-old flight attendant.

Matalik na magkaibigan sina Rosales at Dacera.

Miyerkules, January 6, inilabas ng ilang media organizations ang snippets ng CCTV (closed-circuit television) footage na kuha sa hallway ng isang hotel sa Makati City kung saan nag-book si Dacera ng kuwarto para sa kanilang New Year's Eve party.

Makikita sa maiksing video na inilabas ng news organizations ang bahagi ng CCTV na may time stamp na 2:52 A.M. ng January 1, 2021, o ilang oras bago natagpuang wala nang buhay si Dacera.

Dito ay makikitang naghahalikan si Dacera at isang lalaki.

Kalaunan, kinilala ang lalaking kalahikan ni Dacera na si Rosales.

Valentine Rosales CCTV kissing

Continue reading below ↓

Ilang sandali pagkatapos lumabas ang CCTV footage, naglabas si Rosales ng kanyang panig sa isyu.

Sa pamamagitan ng Facebook, mariing itinanggi ni Rosales na consensual ang halikan nila ni Dacera.

Kilala sa kanilang circle na gay si Rosales.

Paalala niya, alamin muna kung sino ang nag-initiate ng halikan na makikita sa CCTV footage.

“To clear the smoke mga bes and to everyone na nakakakilala sakin. Closely Watch who initiated it.

"The time stamp was around 2am which is clearly early pa.

"Don’t fully judge without watching the whole video andami pang ek ek latik na ganap pabalik balik ng room after niyan.”

Continue reading below ↓

FULL VIDEO

Pinaratangan din ni Rosales ang media na nagpapalaganap umano ng fake news, kaya naglabas siya ng full video para raw sa "transparency."

Saad niya, “Eto FULL VIDEO WITHOUT CUTS PARA MAKITA FOR EVERYONES FULL TRANSPARENCY.

“GRABE MEDIA HA? Mag eedit nanaman hindi pinakita yung buo kina-Cut lang.”

Inulit din ni Rosales ang nauna niyang post bago siya nagbigay ng ilang katanungan ukol sa lumabas na CCTV footage.

Saad niya, “To clear the smoke mga bes and to everyone na nakakakilala sakin. Closely Watch who initiated it.

“The time stamp was around 2am which is clearly early pa. Don’t fully judge without watching the whole video andami pang ek ek latik na ganap pabalik balik ng room after niyan.”

Tanong pa niya: “1. NIYO WHO INITIATED IT?

“2.HOW I TRIED TO KEEP PRESSING THE DOOR BELL SO SOMEONE WOULD OPEN THE DOOR.”

Ayon pa kay Rosales, alam niya at ng kanilang mga kaibigan na may iba umanong ikinikilos si Christine kapag ito ay nalalasing na.

Continue reading below ↓

“3. MY FRIENDS AND I KNOW HOW WILD Tin CAN BE WHEN SHE’S DRUNK.

“4. When i said BES ANO KA BA? after kissing.”

Giit ni Rosales: “Ako ang hinalikan excuse me #StopVictimBlaming”

OTHER RESPONDENTS DENY involvement

Si Rosales ang unang respondent sa rape with homicide complaint, na inihain ng pamilya ni Dacera, na lumantad at mariing pinabulaanan ang akusasyon.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa kanyang Instagram Stories noong January, 4, 2021, “THE TRUTH WILL PREVAIL, SOCIAL MEDIA FABRICATES THE STORY TOO MUCH I WISH YOU WERE HERE TIN.

“SAMA SAMA PADIN TAYO. ALAM MO IKAW ANG TRANNY NG BARKADA AND LETS PROVE TO THEM WHAT REALLY HAPPENED NA WALANG FOUL PLAY AND GINALINGAN MO LANG TALAGA SA HEP HEP HORRAY KAYA IKAW NANALO NG 500 NA DI WORTH IT SA PAG SEMPLANG HAHAHA WISH YOU WERE HERE!

“WE MISS YOU! (crying with tears emoji)”

Mariin ding pinabulaanan nina Gigo de Guzman, John dela Serna, Rommel Galido, at John Paul Halili ang akusasyong ibinibintang sa kanila.

Samantala, inutusan ng Makati City Prosecutor’s Office ang Makati Police na magpasa pa ng karagdagang ebidensiya para malinawan kung pinatay o ginahasa ba talaga si Christine.

Una na ring inutos ng korte na pakawalan ng pulisya sina John, Rommel, at John Paul na na-detain dahil sa reklamo habang isinasagawa pa ang malawakang imbestigasyon sa krimen.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valentine Rosales (left) on CCTV footage (center) with Christine Dacera (right) kissing in hotel hallway hours before her death: "Ako ang hinalikan excuse me."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results