Makati Prosecutor’s Office orders release of 3 suspects in Christine Dacera’s death

by Arniel C. Serato
Jan 6, 2021
Christine Dacera death
The Makati Prosecutor's Office sets hearing for the preliminary investigation of Christine Dacera's death on January 13.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Inutusan ng Makati Prosecutor’s Office ang Makati Police na magsagawa pa ng malawakang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, 23.

Si Dacera ay natagpuang wala nang buhay sa bathtub ng kuwarto nito sa City Garden Hotel, Makati City, noong January 1, 2021.

Ayon pa sa resolusyon ng prosecutor, dapat pakawalan na rin ng awtoridad ang tatlong nakapiit na akusado habang isinasagawa ang malawakang imbestigasyon sa insidente.

Ang tatlong nasa kustodiya ng Makati Police na dapat pakawalan kaagad ay sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido, at John Paul Reyes Halili.

Sila ay mga matalik na kaibigan ni Dacera.

Sabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, magsasagawa sila ng preliminary investigation sa January 13.

Dito ay ay busisiin nilang maigi ang sumusunod:

1. Nagahasa ba talaga si Dacera o kaya ay pinatay? At sinu-sino ang mga responsable?

2. Panggagahasa ba talaga ang totoong dahilan ng kamatayan ni Dacera o may iba pang kadahilanan?

Continue reading below ↓

Inatasan din ni Malcontento ang pulisya na magsumite ng karagdagang ebidensiya katulad ng DNA analysis report, toxicology/chemical analysis, at histopath examination report.

Ang resolusyon na ito ng Makati Prosecutor's Office ay taliwas sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na "solved" na ang kaso.

NBI TO CONDUCT SECOND AUTOPSY

Ang naunang lumutang na dahilan ng kamatayan ni Dacera ay aneurysm.

Kahapon, January 5, kumalat din na aortic aneurysm daw ang sanhi ng kamatayan ng dalaga.

Humiling ang pamilya ni Dacera ng pangalawang autopsy dahil hindi sila kumbinsido sa unang findings. Nasa maayos na kalusugan daw ang nasawing flight attendant.

Bunsod nito, magsasagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng ikalawang autopsy sa mga labi ni Dacera.

Nagsalita na rin ang dalawang akusado diumano sa insidnete na sina Rosales at De Guzman. Mariin nilang itinanggi ang paratang laban sa kanila.

Ang iba pang iniuugnay ng pulisya sa insidente ay sina Gregorio Angelo Rafael “Gigo” de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, Ed Madrid, at isa pang nakilala lamang sa pangalang Paul.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Makati Prosecutor's Office sets hearing for the preliminary investigation of Christine Dacera's death on January 13.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results