Christine Dacera rape with homicide complaint no sufficient evidence; three suspects released

by Rachelle Siazon
Jan 7, 2021
Makati City prosecutor says there was no sufficient evidence to establish that Christine Dacera was raped or that there was a conspiracy that may have led to her death on January 1, 2021.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram

Walang sapat na ebidensiya sa akusasyong "rape with homicide" laban sa 11 lalaking hininalang may kinalaman sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Si Christine ay ang 23-year-old flight attendant ng Philippine Airlines.

Natagpuang patay ang dalaga sa loob ng hotel room sa City Garden Hotel sa Makati City noong tanghali ng January 1, 2021.

Naghain ng reklamong rape with homicide ang ina ni Christine na si Sharon Dacera.

Tatlong lalaki na kasama sa party ang naditena sa Makati City police station.

Ito ay sina John Pascual dela Serna III, Rommel Galido y Daluro, at John Paul Halili y Reyes.

Ang iba pang pinangalang respondents sa reklamong rape with homicide ay sina Gregorio Angelo Rafael De Guzman, Clark Rapinan, Valentine Rosales, at Mark Anthony Rosales.

Kasama rin sina Rey Ingles y Mabini, Louie de Lima, Jammyr Cunanan, at Alias Ed Madrid.

Lumabas ang resolution ng Office of Prosecutor ng Makati City noong Miyerkules ng hapon, January 6.

Continue reading below ↓

Pirmado ito ni Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan at may recommending approval ni Deputy City Prosecutor Henry Salazar. Pirmado rin ito ni Makati City Prosecutor Dindo Venturanza.

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng resolusyon noong gabi ng January 6.

CHRONOLOGY OF EVENTS LEADING TO CHRISTINE'S DEATH

Ayon sa imbestigasyon, ang nag-organisa na mag-book ng hotel room ay sina Christine, Rommel, Rey, Louie, at Clark.

Unang nag-check-in sa hotel si John Pascual Dela Serna bandang 11 a.m. at sumunod si Christine bandang 12 noon ng December 31.

Ang iba pa ay gabi na dumating sa hotel.

Nagsimula raw ang party ng grupo bandang 10 p.m.

May kainan at inuman.

Si Rommel ang nakapansin kay Christine na uminom ng tequila at rum coke

Sa puntong iyon ay natukoy na naroon ang ibang bisitang inimbitahan ni Rommel. Kabilang sina Gregorio, Valentine, Mark Anthony, Jammyr, at Eduard.

Si John Paul ay bandang 1:45 a.m. ng January 1 dumating sa party.

Continue reading below ↓

Batay sa CCTV footage ng hotel na nakalap ng awtoridad, nakita pang buhay si Christine noong 6:23:38 a.m. sa loob ng Room 2209.

Ang Room 2209 ang kuwartong nirentahan ni Christine at mga kasamahan.

Tugma ang kuha ng CCTV footage sa kumalat na litrato ni Christine na kuha ng kasama niya sa hotel room.

Sa litrato, makikitang nakaupo sa sahig ng bathroom si Christine, at nakaharap siya sa toilet seat. May time stamp iyon na 6:39 a.m. noong January 1.

Lumalabas na ito ang huling sandaling nakunan si Christine na buhay pa.

Makalipas ang anim na oras, o noong 12:25 ng tanghali ng January 1, 2021, natagpuang walang malay si Christine sa batthub ng hotel room.

Isinugod si Christine sa Makati Medical Center, pero idineklara siyang "dead on arrival."

Nagsumite ang complainant ng Certificate of Death, kunsaan ang nakasaad na cause of death ay "ruptured aortic aneurysm."

Ang aortic aneurysm, ayon sa uwhealth.org, ay may kinalaman sa pagputok ng aorta o bahagi ng puso dahil sa elevated blood pressure.

Continue reading below ↓

Maaari raw itong magsanhi ng internal bleeding o stroke.

LACK OF SUFFICIENT EVIDENCE FOR RAPE AND HOMICIDE

Ayon sa Makati City Prosecutor's Office, walang sapat na basehan para sa akusasyong rape.

Base raw ito sa medico-legal report kunsaan nakasaad na ruptured aortic aneurysm ang cause of death ni Christine.

Ni hindi raw kasi matukoy kung sino nga ba ang humalay sa dalaga at kung nangyari nga ba ito.

Wala rin daw sapat na basehan sa alegasyong foul play o set-up, na ayon sa complainant ay nagsanhi diumano ng pagkamatay ni Christine.

Sabi ng Makati prosecutor, "No evidence medically or scientifically was presented to prove that the cause of death or the rupture of aortic aneurysm was by reason of the alleged rape.

"Likewise, if homicide was committed, the person/s responsible is/are yet to be ascertained through further evidence.

"Neither can conspiracy be, in the meantime, appreciated in the absence of evidence, direct or circumstantial, that respondents were in agreement to commit the offense complained of."

Continue reading below ↓

THREE IDENTIFIED SUSPECTS RELEASED

Inutusan ng Makati City Prosecutor's Office na pakawalan ang tatlong pinangalanang akusado—sina John, Rommel, at John Paul—na dinitena at sumailalim sa inquest procedure ng pulisya.

Ang inquest ay ang imbestigasyong isinasagawa ng pulisya sa oras na may inihaing reklamo laban sa isang akusado.

Pero dahil kulang sa ebidensiya ay walang dahilan para manatili pa sila sa detention.

Hindi pa rin daw naisusumite ng pulisya ang sapat na medical reports tulad ng "DNA analysis, toxicology/chemical analysis and histopath examination."

Dito makikita ang presensiya ng alcohol o anumang substance na matatagpuan sa katawan ng isang tao.

Sabi pa ng Makati prosecutor, kinakailangan pa ng preliminary investigation sa reklamo laban sa mga naditenang sina John, Rommel, at John Paul.

Kasama rin sa itinakdang humarap sa imbestigasyon sina Gregorio, Clark, Valentine, Mark Anthony, Rey, Louie, Jammyr, at Ed.

Itinakda sa January 13 ang preliminary investigation sa Makati City Prosecutor's Office.

Continue reading below ↓

Pasado alas siyete ng gabi ng January 6—o ilang oras pagkalabas ng resolusyon ng prosecutor—pinakawalan sina John, Rommel, at John Paul.

Nang humarap sa media ang tatlo ay iginiit nilang walang katotohanan ang ibinibintang na rape at homicide sa kanila.

Si John Paul ay nagsabing nagbigay lang siya ng salaysay upang makipagtulungan sa pulisya nang siya ay natuluyang iditena.

Sina Rommel at John ay nanindigang walang dahilan para gawan nila ng masama si Christine dahil malapit nila itong kaibigan at mahal na mahal daw nila ang dalaga.

GREGORIO DE GUZMAN'S EARLIER INTERVIEW

Sa naunang eksklusibong panayam ng PEP.ph ngayong January 6, ang isa pang akusado na pinangalanan ng pulisya na si Gregorio "Gigo" de Guzman ay nanindigan ding walang katotohanan ang bintang sa kanyang rape at homicide.

Si Gregorio raw ang isa sa rumesponde kay Christine nang matagpuang walang malay ang dalaga sa batthub ng kanilang hotel room.

Sinabi rin ni Gregorio na si Rommel ang sumamang nagsugod sa ospital sa dalaga.

Continue reading below ↓

Si Gregorio naman daw ay nanatili sa hotel kasama ni John Paul para i-settle ang hotel bills at gumawa ng voluntary statement.

Binalikan daw sila ni Rommel sa hotel. Hanggang sa dumating ang pulisya para mag-imbestiga at nakipagtulungan daw sila.

Hindi raw naditena si Gregorio sa police station kunsaan hindi rin daw siya kinunan ng statement.

Sa tulong ng kanyang abogado na kasama niya sa police station ay maayos daw siyang nagpaalam at pinayagang makauwi.

Giit pa ni Gregorio, hindi siya nagtatago at handa siyang makipagtulungan sa pulisya basta't may due process na daanan.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makati City prosecutor says there was no sufficient evidence to establish that Christine Dacera was raped or that there was a conspiracy that may have led to her death on January 1, 2021.
PHOTO/S: Christine Dacera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results