Willie Revillame announces he will not run for senator in 2022 elections

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2021
Willie Revillame: "Kung sakaling tatakbo ho ako sa senado, hindi naman ako magaling mag-Ingles. Wala akong alam sa batas. Baka ho lait-laitin lang ako doon ng ating mga mahal na senador na magagaling. Hindi man lait-laitin, siguro baka wala naman akong maiaambag na batas, di ba? Baka dumating yung time na sayang lang yung boto niyo sa akin, na wala akong nagagawa. Wala rin akong naiiambag na knowledge about the law."
PHOTO/S: YouTube

Nagdesisyon ang TV host na si Willie Revillame na huwag kumandidatong senador sa halalan sa May 9, 2022.

Nangangahulugan itong mananatili sa telebisyon ang kanyang top-rating program sa GMA-7, ang Wowowin: Tutok To Win, na malaki ang naitutulong sa ating mga mahihirap at nangangailangan na mga kababayan.

Isiniwalat ni Willie sa live broadcast ng Wowowin ngayong Huwebes ng gabi, October 7, ang kanyang saloobin tungkol sa desisyon niyang tanggihan ang alok ni President Rodrigo Duterte na tumakbo siyang senador sa 2022.

“Sa araw pong ito, tuluy-tuloy pa rin ang Wowowin.

“Hindi ko po kailangan kumandidato. Hindi ko po kailangan manalo.

”Ang kailangan ko ay makasama kayo dahil sa puso ko, sa isip ko, dapat laging ang mga Pilipino, kayo ang panalo.

“Ang programang ito na Wowowin, ginawa para po sa inyo.

”Hindi po ito programa para lang mag-rate. Hindi ito programa para kami kumita.

“Ito pong programang ito ang magbibigay po ng saya, tulong, at pag-asa."

Continue reading below ↓

Deklara pa ni Willie: "Ako po, si Wilfredo Revillame, nanunumpa sa inyo, dito lang ako sa Wowowin para magsilbi sa inyo.

"Tuluy-tuloy po ang Wowowin."

Kasunod nito ay nagpasalamat si Willie sa GMA-7 management dahil sa tiwala at walang sawang suporta sa kanya.

WHY WILLIE DECIDED NOT TO RUN

Bago nagbitaw si Willie ng kanyang desisyon, nagsalita siya tungkol sa kanyang mga kahinaan.

Pinuna rin niya ang mga personalidad na hindi tumutupad sa kanilang mga campaign promise at naglilingkod bilang pulitiko, hindi mga public servant.

Saad niya, "Kung sakaling tatakbo ho ako sa senado, hindi naman ako magaling mag-Ingles. Wala akong alam sa batas.

"Baka ho lait-laitin lang ako doon ng ating mga mahal na senador na magagaling.

"Hindi man lait-laitin, siguro baka wala naman akong maiaambag na batas, di ba?

"Baka dumating yung time na sayang lang yung boto niyo sa akin, na wala akong nagagawa.

"Wala rin akong naiiambag na knowledge about the law."

Continue reading below ↓

May importanteng mensahe rin si Willie para sa mga kasalukuyang nanunungkulan sa pamahalaan, na talagang manhid na ang pakiramdam kung hindi nila mararamdaman na sila ang tinutukoy ng popular TV host.

Pahayag niya: “Sa napapanood ko ngayon, parang nalulungkot ako dahil awayan nang awayan.

“Ibinoto kayo ng sambayanan, pero yun ang napapanood ng lahat ng Pilipino.

"Hindi ba nakakalungkot na isa kang senador, nakikipag-away ka. Isa kang presidente, may kaaway ka?

"Pero bago kayo manumpa, 'Maglilingkod kami sa bayan. Maglilingkod kami sa bawat Pilipino.'"

Patuloy niya, "Ako ho isa sa mga taxpayer na mataas ang ibinabayad na tax sa ngayon, kung malalaman niyo lang.

"Nasasaktan ako dahil bumoto ako sa mga taong ito tapos yun ang nakikita ko.

"Papaano na yung mga bata? Paano na ang kinabukasan natin kung ‘yan ang nakikita natin palagi?

"Pagalingan, pataasan ng ere, samantalang ang daming hirap na hirap nating mga kababayan.

"Ang daming kawawa, ang daming walang makain. Ang daming maysakit, ang daming namamatay.

Continue reading below ↓

"Isa ho ‘yan sa mga dahilan, papasukin ko ba ito? Pupunta ba ako sa ganitong klaseng institusyon?

"Sa studio hong ito, wala hong inaapi. Walang hinahanapan ng corruption."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: "Kung sakaling tatakbo ho ako sa senado, hindi naman ako magaling mag-Ingles. Wala akong alam sa batas. Baka ho lait-laitin lang ako doon ng ating mga mahal na senador na magagaling. Hindi man lait-laitin, siguro baka wala naman akong maiaambag na batas, di ba? Baka dumating yung time na sayang lang yung boto niyo sa akin, na wala akong nagagawa. Wala rin akong naiiambag na knowledge about the law."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results