Hindi nakalusot sa mapanuring mata ng netizens ang pagbura ni Xian Lim ng lahat ng kanyang vlogs sa YouTube, kasama na ang videos kasama ang girlfriend na si Kim Chiu.

Marami-rami ring pinagsamahang vlogs ang dalawa mula nang maging sila may labindalawang taon na ang nakararaan.
Ito na kaya ang kumpirmasyong hiwalay na talaga sila ni Kim?
Read: Netizens ask Kim Chiu: "Are you and Xian still together?"
Sa YouTube naman ni Kim ay naroon pa rin ang vlogs nila ng boyfriend.


SIGNS OF BREAKUP?
Sa panayam kay Kim ng ABS-CBN News noong November 27, 2023, paiwas na sinagot ng TV host-actress ang tanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Xian.
Tanong sa kanya ni ABS-CBN reporter Gretchen Fullido, "Kim, maraming nagtatanong, ano na ba ang latest sa yong love life. Kayo pa ba [ni Xian?]"
Tumawa muna si Kim bago tipid na sumagot ng, "Grabe, sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna."
Read: Kim Chiu keeps mum on rumored breakup with Xian Lim: "Sa amin na lang muna yon."
Ang naging sagot ni Kim kay Gretchen ay malayo sa naging pahayag niya noong October 31, sa thanksgiving mediacon ng Linlang, ang Prime Video series na pinagbidahan niya kasama sina Paulo Avelino at JM de Guzman.
Doon ay sinabi ni Kim na maayos sila ni Xian at walang dapat ipag-alala ang kanilang fans dahil nananatiling strong ang relasyon nila ng Kapuso actor-director.
"Okay naman kami ni Xi [palayaw ni Xian]," maikling sagot ni Kim sa entertainment press.
Sundot na tanong ng isang reporter, "Very strong?"
"Oo," pagsang-ayon ni Kim.
Dagdag pa niya, "Mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman po [kami]. Masaya naman po."
Read: Kim Chiu denies breakup rumors with Xian Lim
Umugong ang espekulasyong may pinagdaraanan ang relasyon nina Kim at Xian, matapos mapansin ng netizens na hindi na sila magdalas nakikitang magkasama, lalo na sa mga nagdaang bakasyon ni Kim.
Noong November 20, huling naispatang nagbakasyon si Kim sa Balesin Island Club kasama ang kanyang pamilya.
Bago ito, solo ring nagbakasyon ang aktres sa California, USA.
Read: Gerald Anderson on ex-girlfriend Kim Chiu: "Palaban yun."
Dahil dito, hindi maiwasang hanapin ng netizens kung nasaan si Xian na anila'y matagal nang hindi pinu-post ni Kim sa kanyang Instagram account.
July 30, 2023 pa nang huling mag-post si Kim sa IG at YouTube ng Hong Kong trip nila ni Xian.
Panay ang kulitan ng dalawa sa trip na iyon.
Read: Netizens ask Kim Chiu: "Are you and Xian still together?"
Noong July 16, nauna nang ibinahagi ni Kim ang sweet moments nila ni Xian habang namamasyal sa Hong Kong.
Nag-reply pa si Xian noon na "hala.... parang first week nung nililigawan pa kita."
Read: Kim Chiu, Paulo Avelino to headline PH adaptation of What's Wrong With Secretary Kim?
Pero ngayon ay wala raw paramdam ang magkasintahan sa social media.
Napansin ng iba na hindi raw nag-congratulate si Xian sa successful run ng Linlang, na natapos noong November 16.
Malaman din ang mga biro kay Kim ng mga co-host niya sa It's Showtime.
Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups
Noong December 4, laman ng tuksuhan si Kim sa segment ng It's Showtime na “Expecially For You,” isang dating game kung saan kasama ng contestant ang kanyang ex.
Sa isang punto, naging usapan ang tungkol sa paghahangad ng tagumpay ng isang tao para sa kanyang dating karelasyon.
Sa puntong iyon ay ibinaling ni Vice Ganda ang atensiyon kay Kim.
Dinig ang reaction ng audience at pati ang co-hosts. Bali-balita noong mga saglit na iyon na hiwalay na umano si Kim sa boyfriend na si Xian.
Pagpapatuloy ni Vice sa tanong kay Kim kung totoong kapag ex mo na ay wala nang nararamdamang concern.
Sumagot si Kim: “Totoo naman ang kasabihang, ‘I wish you the best,’ kahit di mo birthday, di ba? O, di ba, ‘Happy birthday, I wish you all the best in life.’
“Kahit walang okasyon, gusto mo yung best para sa tao.”
Hindi roon nagtapos ang panunukso ni Vice.
Aniya, “Kailan mo huling nasabi yan na, 'I wish you the best’?”
Malakas na tawa ang reaksiyon ni Kim.
“Kanina lang nung nag-birthday greeting ako,” birong sagot niya kasabay ng tawa.
Read: Kim Chiu asked when she last told an ex: “I wish you the best”
