PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu Mum on Xian Lim Breakup Rumors

Kim: "We’ll just keep it to ourselves na muna."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 28, 2023
Kim Chiu keeps mum on rumored breakup with Xian Lim
Kim Chiu on status of relationship with Xian Lim: "Sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna."
PHOTO/S: Kim Chiu/Xian Lim Instagram

Nananatiling tikom ang bibig ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu hinggil sa kumakalat na balitang hiwalay na sila ng nobyong si Xian Lim.

Sa panayam niya sa ABS-CBN News nitong Lunes, November 27, 2023, iwas na sinagot ni Kim ang tanong patungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Xian.

Tanong sa kanya ni ABS-CBN reporter Gretchen Fullido, "Kim maraming nagtatanong, ano na ba ang latest sa yong love life. Kayo pa ba [ni Xian?]"

Tumawa muna si Kim bago tipid na sumagot ng, "Grabe, sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna."

Read: Kim Chiu on levelling up relationship with Xian Lim: "Darating tayo diyan."

Ang naging sagot ni Kim kay Gretchen ay malayo sa naging pahayag niya noong October 31, sa thanksgiving mediacon ng Linlang, ang Prime Video series na pinagbidahan niya kasama sina Paulo Avelino at JM de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Stories:

Doon ay sinabi ni Kim na maayos sila ni Xian at walang dapat ipag-alala ang kanilang fans dahil nananatiling strong ang relasyon nila ng Kapuso actor-director.

"Okay naman kami ni Xi [palayaw ni Xian]," maikling sagot ni Kim sa entertainment press.

Sundot na tanong ng isang reporter, "Very strong?"

"Oo," pagsang-ayon ni Kim.

Dagdag pa niya, "Mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman po [kami]. Masaya naman po."

Read: Kim Chiu denies breakup rumors with Xian Lim

KIM-XIAN RUMORED BREAKUP

Nagsimulang umugong ang espekulasyong may pinagdaraanan ang relasyon nina Kim at Xian, matapos mapansin ng netizens na hindi na sila magdalas nakikitang magkasama, lalo na sa mga nagdaang bakasyon ni Kim.

Noong November 20, huling naispatang nagbakasyon si Kim sa Balesin Island Club kasama ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ito, solo ring nagbakasyon ang aktres sa California, USA.

Read: Gerald Anderson on ex-girlfriend Kim Chiu: "Palaban yun."

Dahil dito, hindi maiwasang hanapin ng netizens kung nasaan si Xian na anila'y matagal nang hindi pinu-post ni Kim sa kanyang Instagram account.

July 30, 2023 pa nang huling mag-post si Kim sa IG at YouTube ng Hong Kong trip nila ni Xian.

Panay ang kulitan ng dalawa sa trip na iyon.

Read: Netizens ask Kim Chiu: "Are you and Xian still together?"

Noong July 16, nauna nang ibinahagi ni Kim ang sweet moments nila ni Xian habang namamasyal sa Hong Kong.

Nag-reply pa si Xian noon na "hala.... parang first week nung nililigawan pa kita."

Read: Kim Chiu, Paulo Avelino to headline PH adaptation of What's Wrong With Secretary Kim?

Pero ngayon ay wala raw paramdam ang magkasintahan sa social media.

Napansin ng iba na hindi raw nag-congratulate si Xian sa successful run ng Linlang, na natapos noong November 16.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaman din ang mga biro kay Kim ng mga co-host niya sa It's Showtime.

Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on status of relationship with Xian Lim: "Sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna."
PHOTO/S: Kim Chiu/Xian Lim Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results