PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zeinab Harake says husband Ray Parks Jr. "an answered prayer"

Zeinab Harake on judging others: "Better to keep it to yourself."
by Arniel C. Serato
Published Mar 26, 2026
Zeinab Harake says husband Bobby Ray Parks Jr. is an answered prayer
Content creator Zeinab Harake admits to being affected by toxic bashing before: "Nasaktan talaga ako, like nagkaroon ako ng ano, breakdown kapag nakikita ko uli, ganun. Pero ngayon, okay na ako. Pinagdasal ko din yun na tanggalin Niya na lahat ng sakit, lahat ng trauma. And unti-unti po, feeling ko naman nagiging better na po ako ngayon."
PHOTO/S: Arniel Serato

Aminado ang content creator na si Zeinab Harake na ipinagdasal niya sa Panginoon ang pagdating sa kanyang buhay ng asawang si Bobby Ray Parks Jr.

Sa exclusive interview ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Zeinab na lumabas sa PEP.ph YouTube channel noong Martes, March 24, 2026, sinabi niyang may panahong naging baliw-baliwan siya.

Lahad ng content creator: "Ipinagdasal ko nung mga down days ko talaga na, 'Lord, bumawi Ka sa akin. Sana one day, puro masasaya na yung nangyayari sa akin.'

"And nung time na dumating si Ray, hindi pa ako ready nun, e. So parang, 'Oh baka nung hindi ako ready, doon siya pinadala.'

"Tas nung ready ako, doon niya binawi yung dati, di ba? So, ayun, pinag-pray ko naman po siya.

"Noong mga talagang baliw-baliw days ko na iyak lang po ako nang iyak."

Ayon pa kay Zeinab, dahil sa mister niya kaya siya natutong magbasa ng Bible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kusa raw niya itong ginawa dahil nahihiya siyang makita ang asawang seryoso sa pagbabasa sa Bibliya na hindi man lang niya sinasamahan.

"Actually po, yung asawa ko kasi, di ako pinilit. Lagi siya nagbabasa tapos parang meron akong napi-feel sa sarili ko na nakaka-guilty naman.

"Di ba, dapat kapagka mag-asawa na kayo, as one na, di ba?

"So, ayun, kung ano yung mga hobby niya, especially puro Bible kasi po yun talaga.

"So, gusto ko din malaman. And siya po, kapag po hindi ko naiintindihan yung nasa loob po nung binabasa namin, ini-explain po niya sa akin," saad ng content creator.

Read: Content creator Zeinab Harake says she is now a changed person

Dahil daw sa impluwensiya ng asawa, pinanood daw niya ang mga pelikulang may kinalaman sa Bibliya at Diyos.

"Hanggang sa, ayun nga po, nagbabasa na kami ng Bible tapos napanood ko yung Chosen, napanood ko yung House of David. Andami ko napanood na mga nasa Old Testament.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So ngayon, hindi po ako magbibida-bida na alam ko lahat. Pero ngayon po natutuwa ako kasi marami na po akong knowledge."

Dahil sa mga kaalamang ito, natutunan daw niyang sarilinin ang mga napapansin sa iba at hindi na siya mapanghusga.

Dagdag ni Zeinab: "Hindi na po ngayon. Ayaw ko na po nun.

"Better to keep it to yourself kapag may naisip kang kaokrayan, huwag mo nang iano. Kasi kapag sinasabi mo, naa-attract mo yung negative, e.

"Kahit naman po sa Bible ang sinabi, hindi naman po lahat ng nasa isip natin ay kasalanan. Di ba po?

"At, talagang minsan po ang demonyo po ang nagbibigay sa atin ng ganung pag-iisip kaya rin po tayo yung nagiging masamang tao."

Nakausap ng Real Talk ng PEP.ph si Zeinab sa contract signing nito bilang ambassador ng Luxe Slim ni Miss Anna Magkawas.

Ginanap ang event sa The Chairman's Lounge ng Okada, Manila, noong March 11, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Zeinab Harake with Miss Anna Magkawa at her contract signing as Luxx Slim ambassador held at Okada, Manila.
Zeinab Harake with Miss Anna Magkawas at her contract signing as Luxe Slim ambassador held at Okada, Manila.
Photo/s: Arniel Serato

zeinab harake on avoiding negativity in her life

Sa ngayon daw, iniiwasan na ni Zeinab ang negativity sa buhay niya.

"Opo, oo. E, kasi po, maa-adapt po ng mga anak ko yun, kakalakihan po nila yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ayaw naman po namin maging ganun yung example sa loob ng household," paliwanag niya.

Ano ang pinakamalalang bashing na naaalala ni Zeinab tungkol sa kanya?

"Madami po, e," sambit niya.

At aminado siyang nasaktan siya.

"Nasaktan talaga ako, like nagkaroon ako ng ano, breakdown, kapag nakikita ko uli, ganun. Pero ngayon, okay na ako.

"Pinagdasal ko din yun na tanggalin Niya na lahat ng sakit, lahat ng trauma.

"And unti-unti po, feeling ko naman nagiging better na po ako ngayon."

Bilang isa sa in-demand na content creator, ano ang maipapayo niya sa mga baguhan?

Saad ni Zeinab: "Lagi ko po sinasabi to since day one, be yourself po.

"Kapag po, pinakita mo lang kung ano yung ikaw, hindi ka nag-a-act, mamahalin ka nila kung gusto nila ang personalidad mo.

"And huwag po susuko kasi minsan kapagka wala tayong nakukuhang views, di ba, tinatamad po tayo, nawawalan po tayo ng pag-asa na hindi para sa atin to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Antayin niyo lang, baka in God's perfect timing ibibigay Niya sa yo.

"Hindi naman lahat ibibigay agad ni God kapag sinimulan mo, e. Titiyagain mo lang po talaga."

Naka-upload na sa PEP.ph YouTube account ang Real Talk interview ni Zeinab.

Read: Bayani Agbayani, binura ang video ng Atayde family minus Maine

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Content creator Zeinab Harake admits to being affected by toxic bashing before: "Nasaktan talaga ako, like nagkaroon ako ng ano, breakdown kapag nakikita ko uli, ganun. Pero ngayon, okay na ako. Pinagdasal ko din yun na tanggalin Niya na lahat ng sakit, lahat ng trauma. And unti-unti po, feeling ko naman nagiging better na po ako ngayon."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results