Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

James Reid, nag-apologize kina Yassi at Issa Pressman

by Jojo Gabinete
Jan 23, 2020
James Reid to Yassi (left photo, right) and Issa (left photo, right) Pressman: "Sorry, you girls got dragged into this. There are some messed up people out there."
PHOTO/S: Instagram

Nag-apologize si James Reid sa Pressman sisters dahil sa pagkakadawit ni Issa Pressman sa breakup nila ni Nadine Lustre.

Sina Yassi, 24, at Issa, 22 ay magkapatid na parehong nasa showbiz. Si Yassi ang leading lady ni Coco Martin sa sikat na Ang Probinsiyano, habang si Issa, na lumabas as support cast ng 2016 movie na Camp Sawi, ay mas kilala bilang social influencer.

Mensahe ni James sa magkapatid, na inilagay ng actor-singer sa Instagram post ni Yassi kahapon, January 22: "Sorry, you girls got dragged into this. There are some messed up people out there."


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kanyang Instagram post, ipinagtanggol ni Yassi Pressman ang nakababatang kapatid laban sa detractors nito.

Si Issa ang napagbibintangang third party sa split-up nina James at Nadine dahil sa leaked video na kuha sa Boracay noong December 2019.

Obviously, isa sa mga kasama nina Nadine, James, at Issa sa Boracay trip nila ang nag-umpisa ng intriga.

Pinalalabas ng nagpakalat ng video na "hinahalikan" at "niyayakap" ni James si Issa habang nasa tabi lamang si Nadine.

Ito ay sa kabila ng malabo ang pagkakakuha ng video kaya mahirap sabihin kung totoo bang may nangyayari sa pagitan nina James at Issa.

Pero ikinagalit pa rin ito ng ilang JaDine fans na nakapanood ng video, at pinaratangan nilang “cheater” si James.

At any rate, moving on na si James mula sa highly publicized breakup nila ni Nadine.

Bukod sa desisyong balikan ang television series na gagawin nila ni Nancy McDonie—na tinanggihan ni James noong una dahil pinigilan siya ni Nadine—up for sale ang 7-bedroom house ni James sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Ang bahay ni James ang silent witness sa dating maligayang pagsasama nila ni Nadine—na ngayon ay isa na lamang memorya.

Halos tatlong taong nag-live in sina Nadine at James sa bahay ng aktor sa Quezon City.

Nanggaling ang kumpirmasyon mula mismo kay James sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice noong March 2019.

"We live together, so, like... Did you know that already? Okay, well, we live together.

"So yes, we live together, and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita, no space, sometimes you get too comfortable.

"But then, there's days when she's working, super busy, parang ngayon, and when she gets home, it's like, we really miss each other still, kahit isang araw lang,” rebelasyon ni James sa show ni Vice.

Si Nadine ang unang nagbigay ng hint tungkol sa live-in setup nila ni James dahil, sa unang pagkakataong tinanong siya tungkol sa isyu, ito ang sagot niya:

"I mean, if that was true, so what? Hindi ba? It's not new anymore... It's normal na, e. Come on, guys, it's 2017!"

Continue reading below ↓

Noong 2018, ang "C’mon Guys, it’s 2018" naman ang Instagram post ni Nadine patungkol pa rin sa kanyang controversial 2017 statement.

Pero natabunan ito ng kanyang bagong pahayag na “Anu na, 2020 na?” nang itanggi niya noong January 4 ang balitang hiwalay na sila ni James.

Sixteen days later, binasa ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda ang official joint statement nina Nadine at James ng kumpirmasyong hiwalay na sila.

Noong January 1, dito sa PEP.ph, sa Cabinet Files, unang lumabas ang balitang hiwalay na sina James at Nadine.

Hindi umimik si Nadine o si James.

Matapos ng tatlong araw, noong January 4, sinundan ito ng kumpirmasyon ni Ricky Lo, sa The Philippine Star.

Dito ay umalma si Nadine dahil may mga binanggit ang veteran entertainment editor tungkol sa "mental health" diumano ng aktres at ng kanyang pamilya.


Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid to Yassi (left photo, right) and Issa (left photo, right) Pressman: "Sorry, you girls got dragged into this. There are some messed up people out there."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results