Tunay na target ng riding-in-tandem sa Kim Chiu ambush, lalantad na?

by Jojo Gabinete
Mar 10, 2020
ALLEGED CASE OF MISTAKEN IDENITY: Tunay na target ng riding-in-tandem na namaril sa van ni Kim Chiu, handang lumantad sa publiko?
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

Anytime soon, magsasalita na umano ang tunay na target ng riding-in-tandem na nagpaulan ng bala sa sasakyan ni Kim Chiu sa kanto ng C. P. Garcia Avenue at Katipunan Avenue, Quezon City, noong March 4, 2020.

Ayon sa Cabinet Files informant, totoo ang hinala ni Kim na case of mistaken identity ang nangyari, dahil ibang tao at hindi ang Kapamilya actress ang inaasinta ng riding-in-tandem.

Diumano, magkaparehong-magkapareho ang model at kulay ng van ni Kim at ng sasakyan na target ng mga salarin.

Nakatira rin ang target sa parehong village sa Quezon City kunsaan naninirahan si Kim.

Ang inaasahan na paglantad ng tunay na target ng mga assassin ang tatapos sa mga malicious speculation na "scripted" ang attempted ambush kay Kim.

Mapalad ang aktres dahil siya at ang dalawa pa niyang kasama ay hindi nasaktan nang mangyari ang krimen.

Hawak ng Quezon City Police District ang CCTV footage na magpapatunay na sinundan ng mga salarin ang van na sinasakyan ni Kim mula sa tahanan nito sa isang subdivision sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Major Elmer Monsalve, chief ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, na nakaabang na talaga sa sasakyan ni Kim ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

"Kung papaano dumaan yung sasakyan nitong aktres na si Kim Chiu, makikita mo na nag-iisa lang siya.

"Tapos may biglang sumulpot na isang motor na naghihintay na doon sa subdivision.

"Nakaabang na talaga sa paglabas niya," pahayag ni Monsalve sa panayam ng GMA News noong March 5.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ALLEGED CASE OF MISTAKEN IDENITY: Tunay na target ng riding-in-tandem na namaril sa van ni Kim Chiu, handang lumantad sa publiko?
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results