Korina Sanchez: "I believe, ABS-CBN will be back."

by Arniel C. Serato
Jul 14, 2020
Veteran broadcaster Korina Sanchez on ABS-CBN shutdown: “I believe in miracles. I believe in right winning over wrong... This isn't goodbye. This is, see you again... Handa na ba kayo?”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram / Jerome Ascano

“Watch Us Do It Again!”

Ito ang tagline ng ABS-CBN nang naibalik sa pamilya Lopez ang network noong 1986.

Ito rin ang makikita sa Instagram post ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez noong Linggo, July 12.

Makikita sa larawan ang logo ng ABS-CBN at ang dating hitsura ng numerong “2,” ang signal frequency ng network noong nakabalik ito sa ere matapos ng Edsa Revolution ng '86.

Nakasulat din sa larawan ang "July 14-November 30, 1986"—ang unang limang buwan kung saan muling ibinangon ng istasyon ang kaniyang kapasidad sa pagbu-broadcast.

Sabi ng Rated K host sa caption, “Yes, it already happened once before.

“And I was there to participate and witness the hugely successful comeback of ABS-CBN after 14 years of closure since Martial Rule.

“And ABS-CBN then did it again. And more. And how.”

Continue reading below ↓

Matapos ang makasaysayang EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986—na naghudyat ng pagbaba sa puwesto ng diktador na Presidente Ferdinand Marcos—ibinalik ni Pangulong Cory Aquino sa Lopez family ang pagmamay-ari nilang network.

Labintatlong taong hawak ng gobyerno ni Marcos—1972 hanggang 1986—ang istasyon, kaya nagsimula muli sa wala ang ABS-CBN matapos ng turnover.

September 16, 1986 muling nakapag-broadcast ang ABS-CBN.

Taong 1987, nag-rebrand ang ABS-CBN at muling namamayagpag bilang “The Star Network.”

“THIS ISN’T GOODBYE”

Biyernes, July 10, tuluyang ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng ABS-CBN Corporation.

Ibig sabihin nito, patay na ang usapin ng prangkisa sa Kongreso.

Pitumpo (70) ang bumoto ng "Yes" sa Technical Working Group (TWG) report na nagrekomendang i-reject ang aplikasyon ng ABS-CBN.

Labing-isa (11) lamang ang bumoto ng "No."

Noong Sabado, July 11, isang araw matapos ang botohan, inihayag ni Korina sa Instagram ang kanyang loyalty sa istasyon.

Lahad ng TV host, “ABSCBN. Practically my first job even before graduating college.

Continue reading below ↓

“It is my honor to have been in the very first show that went back on-air that day, after its franchise was returned to the Lopezes in 1987...

“And this was after the network had to shut down after the declaration of Martial Law, after owner Geny Lopez was jailed and escaped to the US to fight another day, after freedom of the press was killed and then resurrected after more than 20 years...”

Kasunod na ipinakita ni Korina ang kanyang loyalty trophy mula sa ABS-CBN management.

Iginagawad ang parangal na ito sa mga empleyadong naglingkod sa istasyon ng mahigit limang taon.

Saad niya, “You see, that’s why I hold my 30 year loyalty award trophy with a smile.

“I believe in miracles. I believe in right winning over wrong.

“I believe, ABSCBN will be back. You ask me how I am.

“I am grateful, for more than 30 years serving the Filipino in a Philippine flagship.

Continue reading below ↓

“I am humbled the Lopez family and management trusted me from Day One in my early twenties, till today.

“I am proud to have been chosen by you to be in your homes almost every single day in my eventful broadcast career.

“I am excited, for what happens next. And I am certain, history will do this entire episode justice.”

Sabi pa ni Korina, hindi ito pamamaalam. Alam daw niyang makakabalik sila sa lalong madaling panahon.

“This isn't goodbye. This is, see you again. Hopefully sooner than later. Handa na ba kayo?”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, limitado na lamang sa online at cable ang platforms kung saan napapanood ang ilang programa ng ABS-CBN.

Nauna nang ipinasara ang free-to-air broadcast ng istasyon noong May 5 matapos hainan ng cease and desist order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa pagkapaso ng prangkisa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran broadcaster Korina Sanchez on ABS-CBN shutdown: “I believe in miracles. I believe in right winning over wrong... This isn't goodbye. This is, see you again... Handa na ba kayo?”
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results