BB Gandanghari, inaakusahang ginagamit si Piolo Pascual para sa kanyang vlog

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2020
Sa isang latest vlog ni BB Gandanghari (kanan) ay ilang beses niyang binanggit ang pangalan ni Piolo Pascual (kaliwa) habang ikinukuwento ang romance na namagitan kay Rustom Padilla at isang sikat na aktor, na nangyari raw sa San Francisco, California, noong 2001.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Ngayong Biyernes, September 4, ang 53rd birthday ni BB Gandanghari.

Laman ng entertainment news ngayon si BB dahil sa kanyang rebelasyon tungkol sa nakaraan umano ng dati niyang katauhan na si Rustom Padilla at ng matinee idol na si Piolo Pascual.

Juicy and controversial ang 19-year-old secret na ibinulgar ni BB.

Itinago pa ni BB sa mga pangalang "David" at "Jonathan" ang dalawang tauhan sa kanyang kuwento. Pero kapansin-pansing panay rin ang pagbanggit niya sa mga pangalan nina Rustom at Piolo, na malinaw na siyang tinutukoy niya sa kanyang istorya.

Pero kumbaga sa pelikula, hindi blockbuster sa opening day ang vlog ni BB na pinamagatan niyang "I Left My Heart in San Francisco: Who is David and Jonathan?"

Napukaw lamang ang interes ng publiko sa vlog ni BB nang patulan ito ng mainstream media.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong halos 40,000 views mula nang i-upload noong August 29.

Pero mababa ito kung ikukumpara sa kanyang vlog entry noong January 28, 2020, na may pamagat na "realBBG:simplerLife, Episode 4", at may 194,479 views.

Continue reading below ↓

Kontrobersiyal at pasabog ang kuwento ni BB tungkol sa alleged 2001 romantic encounter nina Rustom at Piolo sa San Francisco, California.

Pero isang palaisipan na hindi ito nag-trending at hindi gaanong tinangkilik ng publiko na mahihilig sa celebrity gossip.

Muhang marami pa rin ang naniniwalang walang karapatan ang sinuman na magbulgar ng sexual preference ng kanilang kapwa, maliban na lang kung sariling desisyon ito ng may katawan.

Natatandaan namin ang pakikipag-usap ni Rustom sa isang talent manager sa Annabel’s restaurant noong 2008.

Kaharap kami nang magbiro si Rustom na handa siyang magsalita tungkol sa rumored relationship nila ng isang aktor kung maikukuha siya ng manager ng magandang kontrata sa GMA-7.

Hindi ito nangyari.

PIOLO'S INTERVIEW

Samantala, marami nang beses nasangkot si Piolo sa mga sensitibong isyu pero nalalampasan niya.

Bukod sa natural na mabait, mahusay siyang makisama, kaya napapanatili niya ang respeto sa kanya ng publiko.

Years ago, sa isang TV interview ni Boy Abunda, na erstwhile manager ni Rustom, diretsahan ang tanong ni Boy kay Piolo: "Would you ever fall in love with someone gay?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Piolo, "Naku... naku... nag-isip ako doon. Huwag naman ganoong tanong. Hindi ko yata kaya ‘yon.

"I don’t wanna be discriminatory, I don’t wanna discriminate.

"I mean, kasi I’ve said, I’m open, but to a certain extent.

"Siguro, my values, my faith… I don’t know."

Follow-up ni Boy, "I mean, today, as you think, as we talk habang tayo’y nag-uusap— with someone who’s gay?"

Natatawang sabi ni Piolo, "Hindi ko yata... ayoko… hindi ako ready. Hehehe!"

WHAT IS BB'S MOTIVE?

Inaakusahan si BB na ginagamit umano nito ang kanyang YouTube channel para isiwalat sa publiko ang mga sikreto ni Rustom dahil gusto niyang mag-trending ang kanyang mga vlog, madagdagan ang subscribers at ads, at tuloy magkaroon ng additional income.

Hindi ito malayo sa katotohanan dahil ito ang ginagawa ngayon ng ilang mga artista, lalo na ng mga apektado ng coronavirus pandemic ang kabuhayan.

Ang social media at hindi ang pandemya ang tunay na dahilan kaya hindi nangingimi ang ibang showbiz personalities na iladlad sa publiko ang kanilang mga lihim o ang mga lumang isyung pilit na binubuhay.

Continue reading below ↓

Tulad ito ng ginawa ni Alice Dixson, na binalikan noong July 2020 ang urban legend na naging biktima siya ng taong ahas sa dressing room ng Robinson’s Galleria Mall.

Nagtagumpay si Alice sa kanyang motibo dahil, at press time, may 2,589,770 ang views sa vlog niya tungkol sa urban legend na pinagpistahan noon ng mga mahihilig sa tsismis at kababalaghan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang latest vlog ni BB Gandanghari (kanan) ay ilang beses niyang binanggit ang pangalan ni Piolo Pascual (kaliwa) habang ikinukuwento ang romance na namagitan kay Rustom Padilla at isang sikat na aktor, na nangyari raw sa San Francisco, California, noong 2001.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results