PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay Sonza, biglang nanahimik sa Facebook matapos sampahan ng reklamo ni Julia Barretto

Facebook page ni Jay Sonza, nasupinde na naman?
by Jojo Gabinete
Published Sep 28, 2020
Wala pang sagot ang dating broadcaster na si Jay Sonza (kaliwa) sa mga reklamong isinampa laban sa kanya ni Julia Barretto (kanan) dahil sa pagpapakalat ng maling tsismis na buntis ang aktres.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Tatlong araw na ang nakalilipas buhat nang magsampa ng reklamo si Julia Barretto laban sa former broadcaster na si Jay Sonza.

Ito ay dahil sa Facebook post ni Sonza noong September 21 na tila siguardong-sigurado siyang buntis ang young actress sa magiging panganay nila ni Gerald Anderson.

Dumulog si Julia sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes, September 25, para pormal na ireklamo si Sonza ng cyberlibel at paglabag sa Safe Spaces Act.

Hinihintay ng mga sumusubaybay ang reaksyon ni Sonza, pero tahimik ang dating broadcaster kaya marami ang nagtataka sa kanyang pagsasawalang-kibo.

Nasanay na ang followers ni Sonza sa pagiging opinyonado niya, at hindi lumilipas ang araw na hindi siya nawawalan ng mga isyung tinatalakay sa kanyang Facebook page.

Mapapansing buhat nang magsampa ng reklamo si Julia sa NBI, tatlong araw nang hindi aktibo ang Facebook page ni Sonza. Kaya may mga naghihinalang baka muling nasuspinde ang kanyang FB account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SONZA'S FACEBOOK ACCOUNT SUSPENDED

Kung sakali, hindi ito ang unang pagkakataong nasuspinde ang FB account ni Sonza.

Sa report ng PEP.ph noong December 29, 2018, ikinuwento ni Sonza na sinuspinde ng Facebook ang kanyang account dahil sa mga post niya tungkol sa Ateneo bully student.

"Sorry friends, I can’t interact with you on FB for the next 30 days because my account is suspended for post made in Pilipino.

"They say it’s against their standard.

"Kapag Tinagalog pala ang isang grammatically wrong post ng mga [family name of student accused of bullying] ay contrary to Facebook community standard. WTF is that?" paliwanag ni Sonza.

Pero mas marami ang naniniwalang pinatawan siya ng Facebook ng 30-day suspension dahil sa maling home address ng Ateneo student na inilabas niya sa kanyang Facebook page.

Nakaranas ng harassment ang pamilya ng Christian pastor na si Bishop Rully Taculod dahil sa incorrect home address na ikinalat ni Sonza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga pagbabantang natanggap, inireklamo ng pamilya Taculod ang pagdating sa kanilang tahanan ng mga food delivery na kagagawan ng mga prankster na gustong ipaghiganti ang biktima ng Ateneo bully.

Nagkamali ng akala ang mga prankster dahil ang pamilya ni Taculod ang nakatira sa address na nakalagay sa Facebook page ni Sonza.

Binura ni Sonza ang kanyang post nang mapagtanto niya ang masamang epekto at malaking perhuwisyo na resulta ng kanyang irresponsible post.

Burado na rin ang September 21 post ni Sonza tungkol sa fake news niyang nabuntis ni Gerald si Julia, pero huli na dahil marami na ang nakapag-screenshot ng kanyang malicious post.

Isa lang ang hindi binura ni Sonza—ang kanyang apology post na ito:

“Hindi ako buntis. - Julia.

"Hindi buntis ang anak ko. - Marjorie.

"Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati. Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayan ng buhay.

"Pasensiya na kung napaaga ang aking congratulations. Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ito katanggap-tanggap sa mga Barretto kaya itinuloy ni Julia ang pagsasampa ng reklamo.

Sa mga susunod na araw, tiyak malalaman natin ang tunay na dahilan ng pansamantalang pananahimik ni Sonza at ang pagiging inactive ng kanyang Facebook page dahil hindi rin naman niya napipigilan ang sariling huwag magkuwento.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang sagot ang dating broadcaster na si Jay Sonza (kaliwa) sa mga reklamong isinampa laban sa kanya ni Julia Barretto (kanan) dahil sa pagpapakalat ng maling tsismis na buntis ang aktres.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results