Fr. Sonny Ramirez, pumanaw na

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2020
Father Sonny Ramirez with Christopher de Leon.
Namayapa na si Father Erasmo "Sonny" Ramirez (kaliwa) sa edad na 74. Malapit sa maraming taga-entertainment industry si Fr. Sonny na kilala sa pagtatag ng Oasis of Love Charismatic Community kasama ang aktor na si Chritopher de Leon (kanan).
PHOTO/S: Christopher de Leon's Facebook

Sumakabilang-buhay nitong Sabado ng tanghali, October 10, si Father Erasmo “Sonny" Ramirez dahil sa cardiac arrest.

Siya ay 74 taong gulang.

Ang pamangkin ni Fr. Sonny na si Eric Ramirez ang nagkumpirma ng balita tungkol sa pagpanaw ng pari na malapit sa puso ng mga miyembro ng entertainment industry.

Kasama ni Fr. Sonny si Christopher de Leon sa pagtatatag ng Oasis of Love Charismaric Community noong 1988.

“My heart is in a lot of hurt this evening with the very sad news of my Uncle passing away. Deep down I know he is with his best friend, the Lord. I can imagine him enjoying himself with his brothers and parents.

“I truly wish we could have had more time spent together despite our physical distance. Rest In Peace Tito Sonny Ramirez.

“You are in our thoughts and prayers. Please watch over us until we meet again.

"For those that knew him, please join me in prayers,” ang Facebook post ni Eric tungkol sa pagpanaw ni Fr. Sonny.

Continue reading below ↓

Magdiriwang sana ng kanyang 75th birthday sa October 31, 2020 si Fr. Sonny.

Sumailalim noon si Fr. Sonny sa kidney transplant procedure at naging matagumpay ito, pero tumanggi na siyang magkaroon ng heart surgery nang makitang may bara sa kanyang puso dahil sa pagiging diabetic niya.

Si Fr. Sonny ang ika-apat sa mga popular priest sa Pilipinas na binawian ng buhay ngayong 2020.

Continue reading below ↓

Naunang lumisan dahil sa atake sa puso ang healing priest na si Fr. Fernando Suarez (February 7, 1967-February 4, 2020).

Pareho namang COVID-19 ang ikinamatay nina Fr. Larry Faraon (July 4, 1956-July 26, 2020), at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz (November 17, 1934 -August 26, 2020).

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namayapa na si Father Erasmo "Sonny" Ramirez (kaliwa) sa edad na 74. Malapit sa maraming taga-entertainment industry si Fr. Sonny na kilala sa pagtatag ng Oasis of Love Charismatic Community kasama ang aktor na si Chritopher de Leon (kanan).
PHOTO/S: Christopher de Leon's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results