Lunch Out Loud launch sa October 19 sasabayan ng It's Showtime live telecast

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2020
Sa paglunsad ng Lunch Out Loud ng TV5 sa October 19, 2020, mas magiging intense ang battle of noontime shows. Sa araw na iyon, magla-live telecast ang It's Showtime.
PHOTO/S: PR

Live ang telecast ng It’s Showtime sa darating na Lunes, October 19, 2020, na una nang ini-report ng Cabinet Files noong October 4, 2020.

Tatapatan ng show nina Vice Ganda, Vhong Navarro, and company ang pilot airing ng Lunch Out Loud, ang noontime program ng Brightlight Productions na mapapanood sa TV5.

Mag-uumpisa sa Lunes ang battle of noontime shows dahil apat ang programang magtatapat—ang It’s Showtime ng A2Z, Eat Bulaga! ng GMA-7, Happy Time ng NET 25, at ang Lunch Out Loud ng TV5.

Walang paghahandang gagawin ang Eat Bulaga! sa pagpasok ng Lunch Out Loud dahil live na talaga tuwing Lunes hanggang Miyerkules ang longest-running noontime show sa Pilipinas at sadyang pre-taped ang succeeding episodes.

Ipinagmamalaki naman ng Happy Time people na hindi sila kasali sa kumpetisyon ng mga noontime programs dahil gusto lang nilang maging happy at makapaghatid ng kaligayahan sa manonood.

Gaya ng kanilang nakaraang episodes, pre-recorded ang Happy Time.

Continue reading below ↓

Incidentally, taped as live ang programa na tatapatan ng It’s Showtime dahil nakabangko na ang mga episode ng Lunch Out Loud.

Si Isabelle Daza ang special guest co-host sa Lunch Out Loud at makikita ito sa teaser na paulit-ulit na ipinapalabas sa Kapatid Network.

Ang pagsimula ng show ang dahilan kaya inilipat sa mas maagang oras ang Idol In Action, ang Monday to Friday public service program ni Raffy Tulfo, na may dating timeslot na 11:00 a.m. to 12:30 p.m.

Dahil sa pagpasok ng Lunch Out Loud, matutunghayan na ang Idol In Action mula 10:30 a.m. hanggang 12:00 ng tanghali.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa paglunsad ng Lunch Out Loud ng TV5 sa October 19, 2020, mas magiging intense ang battle of noontime shows. Sa araw na iyon, magla-live telecast ang It's Showtime.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results