Gazini Ganados, inimbitahang magsalin ng korona sa Miss Universe Philippines 2020

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2020
Si Gazini Ganados (L), ang reigning queen na itinanghal noong ang Miss Universe ay nasa ilalim pa ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang inimbitahang magsalin ng korona sa Miss Universe Philippines 2020, sa ilalim ng Miss Universe Philippines Organization. Also in photo: Miss Universe 2018 Catriona Gray
PHOTO/S: @gazinii on Instagram

Si Benjamin Alves ang host ng preliminary competition samantalang si KC Montero ang presenter ng grand coronation ng 1st Miss Universe Philippines.

Ang GMA-7 ang official network partner ng Miss Universe Philippines kaya mapapanood sa Kapuso Network ang coronation night sa October 25, 2020.

Ang preliminary competition naman ay sa October 22.

Si Gazini Ganados ang reigning Miss Universe Philippines. Nanalo siya noong ang Bb. Pilipinas Charities, Inc. pa ang may hawak ng franchise ng Miss Universe.

Nagpadala na ang Miss Universe Philippines Organization sa BPCI ng letter of invitation para kay Gazini dahil siya ang gusto ng organizers na magsalin ng korona sa bagong winner. At press time, naghihintay pa sila ng sagot.

Ang Cordillera Convention Hall ng Baguio Country Club ang venue ng preliminary competition at grand coronation ng 1st Miss Universe Philippines.

Ngayong Sabado naglabas ang Miss Universe Philippines Organization ng opisyal na pahayag bilang pasasalamat nila sa pamahalaan ng Baguio City dahil sa pagpayag nitong idaos sa naturang siyudad ang koronasyon ng Miss Universe Philippines.

Continue reading below ↓

Pinasalamatan din ng MUPO ang mga kandidata na napilitang magpaalam sa contest dahil sa health issues, pero walang binanggit na mga pangalan para mapangalagaan ang privacy nila.

"The Miss Universe Philippines Organization’s top priority continues to be the health and safety of all our candidates.

"We remain committed to ensuring that we follow all of the protocols and guidelines set forth by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

"We are grateful to the Baguio City government, especially to Mayor Benjamin Magalong, for allowing us to film the preliminary interview, national costume, swimsuit, evening gown, and grand finale that will crown the first Miss Universe Philippines at the Baguio Country Club on October 25, 2020.

"We have consistently coordinated with Baguio City officials to ensure that we follow their rigorous protocols in order to preserve its status as a COVID-free city.

"The Miss Universe Philippines Organization also made sure that we continue to provide care and support for all of our candidates as they go through their Miss Universe Philippines journey during this unprecedented time.

Continue reading below ↓

"We have chosen St. Luke’s Medical Center as our official health partner to conduct the swab testing for all of our candidates and provide the best care and treatment needed, should any of them become positive of COVID.

"While it is unfortunate and heartbreaking to see some of our candidates leave the competition, we thank them for being a part of the Miss Universe Philippines family.

"We salute their bravery and courage as they go through this difficult time and rest assured, we will continue to provide all of the help and support they need.

"We strongly believe that this is not the end of their journey as they will soon emerge victorious to be able to pursue their dreams of becoming beauty queens.”

As of October 17, 2020, dalawang candidata ang nag-back out dahil sa COVID-19, at naglabas ng official statement.

Nauna si Isabela Galeria, na idineklarang COVID-19 survivor ng Department of Health, pero ayon sa kanya, "my body is not well conditioned yet."

Continue reading below ↓

Sumunod si Vincy Vacalares na nagpositibo sa COVID-19 noong October 14.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Gazini Ganados (L), ang reigning queen na itinanghal noong ang Miss Universe ay nasa ilalim pa ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang inimbitahang magsalin ng korona sa Miss Universe Philippines 2020, sa ilalim ng Miss Universe Philippines Organization. Also in photo: Miss Universe 2018 Catriona Gray
PHOTO/S: @gazinii on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results