PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga labi ni April Boy Regino, nakaburol sa pag-aari niyang restobar

Wikipedia at news websites, itinama na ang taon ng kapanganakan ni April Boy.
by Jojo Gabinete
Published Nov 30, 2020
Dahil sa COVID-19 pandemic, mahigpit na ipatutupad sa burol ni April Boy Regino ang safety protocols sa mga nagbabalak makiramay.
PHOTO/S: IMDB / GMA Records

Nakaburol na ang mga labi ni April Boy Regino sa Idolstar, ang restaurant/bar sa Calumpang, Marikina City, na pag-aari ng kanyang pamilya.

Hindi pa mapagdesisyunan ang araw ng libing ni April Boy dahil hinihintay pa ang pagdating ng kanyang U.S.-based daughter na si Charmaine.

Pumanaw si April Boy sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center sa Antipolo City kahapon, November 29, dahil sa acute respiratory failure na epekto ng pagkakaroon niya ng diabetes.

Sumakabilang-buhay si April Boy sa edad na 59.

Kahit alam ng publiko ang kanyang health issues, ikinalungkot at ikinabigla pa rin ng mga tagahanga niya ang paglisan ng singer na binansagang Jukebox Idol.

Dahil sa COVID-19 pandemic, mahigpit na ipatutupad sa burol ni April Boy ang safety protocols sa mga nagbabalak makiramay.

Para naman sa fans at supporters na gustong makita sa huling sandali ang kanilang idolo pero naninirahan sa mga lugar na malalayo, makikita nila sa Facebook page ng asawa ni April Boy na si Madel ang mga video mula nang pumanaw sa ospital ang mang-aawit hanggang sa burol nito sa Idolstar restobar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

By the way, pinalitan na ng Wikipedia ang maling impormasyon tungkol sa tunay na kaarawan ni April Boy na naghatid ng kalituhan sa mga tao.

Mula sa petsang April 9, 1969, ang tumpak na taon nang isinilang si April Boy na April 9, 1961 na ang nakalagay sa Wikipedia.


Pinalitan na rin ng news sites ng mga TV network, news organization, at entertainment sites ang original report nila na 1969 ang birth year ng namayapang singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang unang naglabas ng report na 59 years old si April Boy nang bawian ito ng buhay. Pero pinaratangan itong nagkakalat ng fake news dahil ang maling impormasyon na nakalagay sa Wikipedia at ang balitang inilabas ng ilang reputable news organizations ang pinaniwalaan ng ilang readers.

Ang mga larawan ng 59th birthday celebration ni April Boy noong April 9, na makikita sa Facebook page ng kanyang misis, ang pruweba tungkol sa tunay na edad niya.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ginagawang isyu o big deal ng PEP.ph ang tunay na edad ni April Boy. Pero kahit maliit o simpleng detalye, importanteng malaman ng publiko ang totoo.

Sa panahon ng social media at fake news, karapatan ng publikong malaman ang katotohanan at ito ang paglilingkod na maihahatid ng PEP.ph.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa COVID-19 pandemic, mahigpit na ipatutupad sa burol ni April Boy Regino ang safety protocols sa mga nagbabalak makiramay.
PHOTO/S: IMDB / GMA Records
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results