Kapuso na ang former Kapamilya actor na si Richard Yap.
Nakatakdang pumirma ng kontrata ang 53-year-old actor sa GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network, Inc.
Ang ABS-CBN ang nagbigay kay Richard ng malaking break sa telebisyon.
Sumikat siya sa kanyang Papa Chen character sa My Binondo Girl noong 2011, at naging popular nang husto nang maging leading man siya ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart na mahigit sa dalawang taon na napanood sa Kapamilya Network.
Ang Kadenang Ginto (2019) ang huling TV assignment ni Richard sa ABS-CBN.
Noong July 11, 2020, siya ang celebrity player sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! na nagbigay ng idea sa televiewers tungkol sa possible transfer niya sa GMA-7.
Malaking hamon para kay Richard ang paglipat niya sa GMAAC dahil nangyari ito habang may coronavirus pandemic at matapos mawalan ng franchise ang kanyang former home network.
Excited ang fans at supporters ni Richard sa mga pagbabago na mangyayari sa acting career niya at sa mga programang ibibigay sa kanya ng Kapuso Network.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika