Tatlong mukha ng ina: Sonya Gregorio, Sharon Dacera, Claire dela Fuente

by Jojo Gabinete
Jan 7, 2021
Tatlong mukha ng ina: Mahigpit na niyakap ni Sonya Gregorio (L) ang anak na si Frank Anthony ilang sandali bago sila barilin ng killer cop na si Jonel Nuezca; (humarap si Sharon Dacera (middle) sa isang press conference upang igiit na hinalay at pinatay ang kanyang anak na si Christine Dacera; lumantad ang singer na si Claire dela Fuente (R) upang ipagtanggol ang anak na si Gigo de Guzman sa pagkakadawit nito sa pagkamatay ni Christine.
PHOTO/S: Twitter / YouTube / Facebook

Tatlong klase ng dakilang pagmamahal ng isang ina ang nasaksihan natin noong huling buwan ng 2020 at unang buwan ng 2021.

Una, ang pagbubuwis ng buhay ni Sonya Gregorio ng Paniqui, Tarlac para maprotektahan ang kanyang anak na si Frank Anthony laban sa killer cop na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

Pero sa huli, kapwa sila nagbuwis ng buhay sa krimeng nangyari noong December 20, 2020.

Ang mahigpit na pagyakap ni Sonya kay Frank Anthony ang isa sa mga powerful images na nakaukit na sa isip ng mga taong nakapanood sa viral video ng karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina.


Continue reading below ↓

CLAIRE DELA FUENTE AND SON

Pangalawa, ang pagtatanggol ng singer na si Claire dela Fuente sa anak niyang Gregorio Rafael "Gigo" de Guzman nang madawit ito sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

Noong July 2020, pitong taong pagkakabilanggo ang hatol ng Court of Tax Appeals kay Claire dahil sa kasong tax evasion.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue, na inakusahan si Claire ng hindi pagsusumite ng income tax returns mula 1998 hanggang 2004.

Nang lumabas ang hatol ng Court of Tax Appeals, pinili ni Claire na manahimik at huwag magsalita sa media tungkol sa kasong kinasasangkutan niya.

Pero nang idawit ng Philippine National Police si Gigo sa pagkamatay ni Christine, lumantad si Claire para ipagtanggol at patunayan sa lahat na inosente ang anak sa krimeng ibinibintang.


Continue reading below ↓

Ramdam ng marami ang unconditional love ni Claire para kay Gigo.

Marami ring ina ang nakita ang sarili nila nang sabihin nitong "Bakla ‘yung anak ko, e. Ang hirap i-admit pero alam ko ‘yon. Matagal na, bata pa siya.”

CHRISTINE DACERA'S MOTHER

Pangatlo, hustisya para kay Christine ang panaghoy at panawagan ni Sharon Dacera na naniniwalang naging biktima ng pang-aabuso ang anak niya.

Lalong nakumbinsi si Dacera na may foul play na nangyari kay Christine dahil sa giit ni PNP Chief General Debold Sinas na ginahasa bago namatay ang kanyang anak.

Ito ay kahit ruptured aortic aneurysm ang nakasaad sa medico-legal.

Ang pagyakap ni Sharon kay Sinas nang magkita sila sa press briefing sa San Juan City kahapon, January 6, ang isang pahiwatig na buong-buo ang tiwala ng ina ni Christine sa PNP at matutulungan siya ni Sinas sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang pinakamamahal na anak.


Continue reading below ↓

Postscript: Kontrobersiyal at pinag-uusapan sa buong mundo ang mga kaso ng pagpaslang sa mag-inang Gregorio at pagkamatay ni Christine kaya parehong pinuntahan ni Sinas ang burol ng mga nasawi para makiramay.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlong mukha ng ina: Mahigpit na niyakap ni Sonya Gregorio (L) ang anak na si Frank Anthony ilang sandali bago sila barilin ng killer cop na si Jonel Nuezca; (humarap si Sharon Dacera (middle) sa isang press conference upang igiit na hinalay at pinatay ang kanyang anak na si Christine Dacera; lumantad ang singer na si Claire dela Fuente (R) upang ipagtanggol ang anak na si Gigo de Guzman sa pagkakadawit nito sa pagkamatay ni Christine.
PHOTO/S: Twitter / YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results