Sharon Dacera sa pahayag ng respondents na inosente sila: "E, di wow nga."

by Jojo Gabinete
Jan 7, 2021
Sa patuloy na pagsasalita ng ina ni Christine Dacera (kanan) na si Sharon Dacera (kaliwa), pati na ang mga kaibigan ng nasawi, nagkakaroon ng ibang imahe ang flight attendant sa publiko.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN / Christine Dacera Instagram

Mistulang teleserye na ang mga kaganapan kaugnay ng pagkamatay ng 23-year-old flight attendant na si Christine Dacera.

Dumarami na ang mga personalidad na nasasangkot, at naglalabasan na ang mga kuwento tungkol sa biktima na hindi na nararapat bilang nananahimik na siya.

Kasali na rin si President Rodrigo Duterte sa “cast” ng sinusubaybayang kaso dahil sa panawagan ni Sharon Dacera, ang namimighating ina ni Christine.

Mensahe ng ina ni Christine sa Pangulo: “Patuloy lang yung laban. Hindi ko titigilan habang hindi napaparusahan yung gumawa sa anak ko.

"Tatay Digong, kailangan ko po kayo sa laban na ito. Tatay Digong.

“Tay... I need more prayers, but yung kamay na bakal para sa mga taong gumawa nang ganito karumal-dumal sa anak ko po, Tatay, parusahan niyo na po. Parusahan niyo na po."

Bunsod ng pahayag niyang ito, nakatikim ng batikos si Mrs. Dacera mula sa netizens sa gitna ng kanyang pagluluksa.

Gumawa rin ng ingay ang reaksiyon ni Mrs. Dacera sa pahayag nina Rommel Galido, John dela Serna III, at John Paul Halili na inosente sila sa kasalanang ibinibintang laban sa kanila.

Continue reading below ↓

Sila ang tatlong kaibigan ni Christine na iniuugnay ng Philippine National Police sa kanyang pagkamatay. Pero pinalaya sila ni Makati Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

Reaksiyon ng ina ni Christine: "E, di wow nga. E, di wow, wow, wow. Ganoon na lang sabihin ko sa kanila."

Ang sagot na ito ni Sharon Dacera ang isa pa rin sa mga dahilan ng negatibong reaksiyon ng netizens, na pinansin pati ang kanyang suot na champagne-colored South sea pearl na hikaw at singsing sa unang beses na pagpapainterbyu niya sa media.

Ngayong Huwebes ng gabi, January 7, humarap sa media sina Galido, Dela Serna, Clark Rapinan, at Valentine Rosales para patunayan sa publiko na mga inosente sila sa akusasyon laban sa kanila.

Sinabi ni Rosales na "matatandang bakla na hindi pogi" ang mga nakasalamuha nila ni Christine noong New Year’s Eve sa pinangyarihan ng trahedya—ang Room 2207 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Continue reading below ↓

Si Rosales ang lalaking hinalikan ni Christine sa lumabas na CCTV footage.

Nag-sorry si Rosales sa term na "matatandang bakla na hindi pogi" na kanyang ginamit. Pero hindi ito matanggap ng ilang miyembro ng LGBTQ community na nainsulto.

Ikinumpara pa siya ng mga ito kay PCol. Harold Depositar, ang Makati City police chief na nagsabi ng ganito tungkol sa mga bakla: "Lalake pa rin sila. May instinct ‘yan, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol 'tapos kung may presence of drugs ‘yan, lalo na!"

CHRISTINE USED DATING APP

Idinagdag naman ni Galido na gumagamit si Christine ng mobile dating app, nakipag-date, at nag-check in sa isang lugar noong December 30 bago nasawi noong January 1.

"Sabi niya sa akin, may naka-date siya. 'Ganito, ganyan, eto ang ginawa namin. Pumunta kami dito, nag-check in kami dito.' Yun lang naman po.

"'Tapos, hindi siya nagkaka-boyfriend. Isine-share niya sa akin, ba’t kaya walang nagseseryoso sa kanya? Lagi na lang date.

Continue reading below ↓

"And then, gumagamit din po kasi siya ng dating app... Bumble. Dun niya nami-meet yung mga tao na nakaka-date niya, kaya ayun, ginagabi siya," sabi ni Galido.

Nakaburol pa ang mga labi ni Christine.

Habang patuloy na nagsasalita sa media ang kanyang ina at mga kaibigang dawit sa kaso, lalong nagiging masalimuot ang kuwento dahil nalalaman ng mga mapanghusgang publiko ang ibang bahagi ng kanyang pagkatao.

Kaya mas makabubuti sigurong manahimik muna sila bilang respeto at kung talagang totoo ang kanilang paulit-ulit na sinasabing mahal na mahal nila ang yumao.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa patuloy na pagsasalita ng ina ni Christine Dacera (kanan) na si Sharon Dacera (kaliwa), pati na ang mga kaibigan ng nasawi, nagkakaroon ng ibang imahe ang flight attendant sa publiko.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN / Christine Dacera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results