May paliwanag si Valentine Rosales, tungkol sa report na inilabas ng PEP.ph noong Huwebes, January 14, na may headline na “Rommel Galido at Valentine Rosales, binawi rin ang kanilang unang pahayag kaugnay ng Christine Dacera case.
Si Rosales ang isa sa respondents sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant.
Nakalagay sa PEP.ph report na “Binawi rin ni Valentine Rosales ang pahayag nitong ‘matatandang bakla na hindi guwapo’ ang mga nakita niya sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel noong New Year’s eve celebration nila ni Dacera at ng kanilang grupo.
Humingi rin ng paumanhin si Rosales sa mga bisita sa Room 2207 na na-offend sa ginamit niyang salita na “matatandang bakla.”
Sa kanyang Facebook post noong Biyernes, January 15, paglilinaw ni Rosales, “Binawi ko lang po masamang salitang nabitawan ko, pero my statement remains the same.”
Ibang-iba ito sa pahayag niya sa interbyu ni Boy Abunda sa kanya at sa ibang Dacera case respondents noong January 13, 2021.
Sa presscon noong January 7, sinabi ni Rosales na matatandang bakla na hindi guwapo ang mga nakita niya sa Room 2207.
Nang tanungin kung totoong may basketball player sa naturang kuwarto, “wala” ang kanyang sagot.
Sa panayam ni Abunda noong January 13, isinalaysay ni Rosales na sinabi sa kanya ni Dacera na may basketball player sa Room 2207.
Ito ang eksaktong pahayag ng respondent na half-Filipino half-Taiwanese:
“I don’t want to confirm anything, pero I remembered Tin telling to me na there’s someone handsome in 2207, one guy.
“I actually looked at him, he doesn’t look straight. Kasi sometimes if you see someone, hindi mo naman malalaman kung straight or not.
"But since they’re all gays, I assumed he’s also gay.
"I heard… Tin told me na he's a basketball player. She said. ‘Hindi ‘yan gay, basketball player.’”
“Alias” lamang ni Rosales ang Valentine Rosales dahil Alain Dayanan Chen ang tunay na pangalan niya.
Makikita ito sa kopya ng resulta ng drug test sa kanya noong January 6, 2021.
Si Rosales o Chen ang nag-share sa kanyang Facebook at Twitter accounts ng resulta ng drug test nila nina Rommel Galido, Jezreel “Clark” Rapinan, John Pascual Dela Serna, Rommel Galido at Gregorio Angelo Rafael “Gigo” de Guzman bilang patunay na walang katotohanan ang mga akusasyong gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot.
“Ito po ang drug test ng aming mga kaibigan, na nagpapatunay na NEGATIVE po ang kanilang result.
”Wala pong nagdala o gumamit ng droga sa kanila, malinaw po ang test,” caption sa screenshot ng drug test results na nakalagay sa Fund the Truth, ang Facebook page ng fund drive nina Rosales, Galido, Rapinan, at Dela Serna.
Samantala, isang abogado na nakausap ng Cabinet Files ang nagsabing hindi makakatulong sa imbestigasyon ng kaso ang paulit-ulit na pagpapainterbyu sa media at ang mga social media posting ng mga respondent dahil nagbabago ang kanilang mga sinasabi kaya nagkakaroon ng pagdududa sa kredibilidad nila.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika