OPM band na The Juans, pasok sa Top 10 Next Big Sound ng Billboard

by Jojo Gabinete
Feb 3, 2021
Kilala sa kantang "Hindi Tayo Pwede," ang OPM band na The Juans ay binubuo nina (L-R) Joshua Coronel, RJ Cruz, Carl Guevarra, Chael Adriano, at Japs Mendoza.
PHOTO/S: @carlchristiang Instagram

"2021 grabe ka na!"

Ito ang reaksiyon ni Carl Guevarra, ang lead singer ng The Juans dahil sa bagong achievement ng kanilang Bulacan-based pop rock band.

Ang The Juans ay binubuo nina Carl (lead vocalist and guitarist), Japs Mendoza (vocalist and lead guitarist), Chael Adriano (sub-vocalist and bassist), RJ Cruz (sub-vocalist and acoustic guitarist), at Joshua Coronel (drummer).

Overwhelmed ang The Juans members dahil itinuturing nilang career milestone na Number 9 para sa linggong ito ang kanilang grupo sa "The Next Big Sound" ng Billboard Charts.

Ang Billboard Charts ay U.S.-based tabulator ng mga popular ng mga kanta at record album sa Amerika at sa global music scene.

Ang The Next Big Sound ang nakatutok sa mga sikat na music artists sa social media at sa streaming platforms na lumilikha ng ingay sa ibang mga rehiyon maliban sa Amerika.

Naka-post sa Twitter account ng P-Pop Billboard na "The Juans band debut at No. 9 on this week’s #NextBigSound chart" at makikita rin ito sa official website ng Billboard, ang www.billboard.com.

Continue reading below ↓

Billboard charts: The Juans at top 9

Ang The Juans ang pangatlo sa mga Pinoy act na nailagay sa listahan ng The Next Big Sound ng Billboard Charts.

Ilan sa mga kilala nilang kanta ay ang "Hindi Tayo Pwede," "Atin Ang Mundo," at "Hatid."

Nauna na ang Filipino boy band na SB19 noong November 2019 at si Morissette Amon noong December 2020.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ni Carl, ipinarating ng The Juans sa kanilang fans at supporters ang lubos na pasasalamat dahil sa malaking karangalanG natanggap nila.

"Sa lahat ng gumagawa ng effort to put our band name out there, you guys make all our hardwork worth it. Salamat!"

The Juans members

ALSO READ
, "widget":"Hot Stories"}

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kilala sa kantang "Hindi Tayo Pwede," ang OPM band na The Juans ay binubuo nina (L-R) Joshua Coronel, RJ Cruz, Carl Guevarra, Chael Adriano, at Japs Mendoza.
PHOTO/S: @carlchristiang Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results