Teejay Marquez, itinangging may utang na P10M sa nakarelasyon niya umanong fan

by Jojo Gabinete
Feb 9, 2021
Teejay Marquez: "Sabi ko nga, kung magdedemanda siya sa akin about it, na meron akong utang, sinasabi niya na may relasyon daw kami, e, di magdemanda po siya... Until now, hindi pa rin po ako idinedemanda."
PHOTO/S: @teejaymarquez on Instagram

Ang “love team” nina Teejay Marquez at Jerome Ponce sa Ben X Jim ang isa sa mga tumatak nang husto sa fans ng BL series dahil sa kanilang malakas na chemistry at mga nakakakilig na eksena.

In fact, hindi lamang ang mga Pilipino ang sumubaybay sa unang season ng Ben X Jim.

Nagkaroon din ito ng followers mula sa iba’t ibang bansa kaya nagdesisyon ang Regal Entertainment Inc. na gumawa ng sequel, ang Ben X Jim Forever.

Ang makatotohanang pagmamahalan ng kanilang mga karakter sa Ben X Jim ang dahilan kaya tinanong namin si Teejay kung, tulad ni Ben, posible bang mahalin niya si Jerome sa tunay na buhay?

"Si Jerome, nung nakatrabaho ko, talagang maayos na katrabaho. Hindi mahirap gustuhin kasi sobrang okey, passionate, maayos yung tao, mabait, at masarap kausap.

"Kung ikaw single ka, hindi mo maiiwasang hindi mo magustuhan si Jerome. Hindi mahirap," walang pag-aalinlangang sagot ni Teejay.

Continue reading below ↓

OBSESSED FAN

In real life, naranasan naman ni Teejay na magkaroon ng fan na naging obsessed sa kanya.

Ito ang taong ipinamalita noong December 2019 na may relasyon sila at, diumano, umabot sa sampung milyong piso ang utang sa kanya ng aktor.

Hindi pinatulan ni Teejay ang isyu nang pumutok ito noong 2019, pero hindi siya nagpaligoy-ligoy na sagutin ang kontrobersiya nang hingin namin ang kanyang panig.

"Unang-unang kasi, wala naman akong P10 million na hawak. Dun pa lang, bakit ko pa po palalakihin kasi baka mamaya, kapag sinagot ko po siya, mas lalo siyang mag-ingay.

“Baka mamaya, yung mga taong hindi interesado at walang pakialam, nagkaroon pa ng pakialam because pinapatulan ko," paliwanag niya.

Ang hindi pagsasampa ng kaso ng taong nag-aakusa sa kanya ang pinanghahawakan ni Teejay na katibayan at nagpapatunay na walang katotohanan ang sampung milyong piso na pagkakautang niya.

"Sabi ko nga, kung magdedemanda siya sa akin about it, na meron akong utang, sinasabi niya na may relasyon daw kami, e, di magdemanda po siya.

Continue reading below ↓

"Kasi dun lalabas na kapag nag-imbestiga, meron ka ba talagang P10 million na ibinigay? May resibo ba? Kasi sinasabi niya na may resibo raw siya.

"E, di kung may utang akong P10 million, pwede mo ako idemanda anytime dahil ang dami mo palang pera, e.

"Until now, hindi pa rin po ako idinedemanda.

"Until now, walang subpoena, kasi alam ko sa sarili ko na wala akong P10 million.

"Baka kung may P10 million ako, baka nag-produce na ako ng pelikula para sa sarili ko.

"Na napansin ng mga kakilala ko na marami na akong gamit, may bahay na ako, magarang kotse," malumanay na paliwanag ni Teejay.

Kung itinanggi ni Teejay ang paratang na may utang siyang P10 million sa taong ipinipilit na dati silang magkarelasyon, inamin ng aktor na kilala nito ang nanira noon sa kanya na tagahanga raw niya.

"Pero kilala ko po yung tao kasi talaga pong naging fan ko siya," siguradong-siguradong pahayag ni Teejay.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez: "Sabi ko nga, kung magdedemanda siya sa akin about it, na meron akong utang, sinasabi niya na may relasyon daw kami, e, di magdemanda po siya... Until now, hindi pa rin po ako idinedemanda."
PHOTO/S: @teejaymarquez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results