Vice Ganda, nanood muna ng opening number ng Eat Bulaga

by Jojo Gabinete
Feb 13, 2021
Kabisado pa ni Vice Ganda ang title ng ilan sa singing contests ng Eat Bulaga. Aminado rin siyang sumali siya noon sa isa sa mga singing contests doon.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Bumalik na sina Ion Perez at Jackie Gonzaga sa It’s Showtime dahil natapos na ang lock-in shoot ng Kaka (Bukaka) ang pelikula na tinatampukan nila at launching movie ng aspiring sexy star na si Sunshine Guimary.

Si Vice Ganda ang manager nina Ion at Jackie kaya natuwa siya nang mag-report ang dalawang alaga niya sa live telecast ng It’s Showtime ngayong Sabado nang hapon, makalipas ang halos dalawang linggo na pagkawala.

Ang new look ni Ion na gumamit ng hair extension nang magbalik siya sa It's Showtime ang pinuna ni Vice na kinilig dahil bumagay sa kanyang boyfriend ang buhok na mahaba.

long-haired ion perez in It's Showtime

Continue reading below ↓

Ikinumpara ni Vice ang itsura ngayon ni Ion sa karakter ni Piolo Pascual sa Don’t Give Up On Us dahil gumamit din ng hair extension ang 44-year-old actor sa pelikula nila ni Judy Ann Santos noong 2006.

“Ang daming nagbago, kahit si Ion humaba ang hair.

"Naalaala nyo si Piolo Pascual sa Don’t Give Up On Us, yung pelikula nila ni Judy Ann? Kamukha ni Ion,” ang nakangiti at may kilig na sabi ni Vice sa mga co-host niya sa It’s Showtime tungkol sa physical transformation ng kanyang karelasyon.

Ion resemblance to Piolo Pascual in Don't Give Up On Us

Continue reading below ↓

Hindi lamang ang pelikula nina Piolo at Judy Ann ang naalaala ni Vice dahil binanggit din niya ang Eat Bulaga sa "Hide and Sing" segment ng It’s Showtime.

Nang sabihin ng mga mystery singer ng "Hide and Sing" na sumali sila noon sa singing contest ng Eat Bulaga, nagkomento si Vice ng, “Ako din naman sumali ako diyan.

"Ano ba ang mga singing contest sa Eat Bulaga? 'Birit Queen,' 'O Diva,' 'Search for the Singing Soldier,' 'Doble Kara.'

Memoryado ni Vice ang mga contest noon sa Eat Bulaga at ang "Birit Queen" ang daw ang paborito niya.

Nang banggitin ng isang "Hide and Sing" mystery singer na naging contestant din siya ng "Music Hero," walang pretensyon na ikinuwento ni Vice na pinanood niya ang opening number ng Eat Bulaga dahil mas maaga ito na nagsisimula tuwing Sabado kesa sa It’s Showtime.

“Kasi kanina kumanta sa opening ng Eat Bulaga, yung sa 'Music Hero.' Nanood ako opening, 11:30 kasi sila, habang nagme-make up ako,” sabi ni Vice.

Continue reading below ↓

Hindi nagsisinungaling ang TV host-comedian dahil sina Manly Ocampo at Rangel Fernandez ng "Music Hero" ang kasama ni Christian Bautista na nag-perform sa opening number ng rival noontime program ng It's Showtime.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabisado pa ni Vice Ganda ang title ng ilan sa singing contests ng Eat Bulaga. Aminado rin siyang sumali siya noon sa isa sa mga singing contests doon.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results