Marc Pingris, may sweet surprise sa mga kasambahay noong Valentine's Day

by Jojo Gabinete
Feb 15, 2021
Marc Pingris (in white sando), binigyan ng white roses at special balloon ang misis na si Danica Sotto (third from left) at bouquet of flowers para sa anak na si Anielle Micaela (second to the left). May inihanda ring flowers si Marc para sa tatlo nilang kasambahay.
PHOTO/S: @jeanmarc15 Instagram

Pumukaw sa interes ng netizens ang iba’t ibang klase ng pagdiriwang ng mga showbiz personality sa Araw ng mga Puso noong Linggo, February 14.

Pero namumukod-tangi ang pagpapahalaga at pagmamahal na ipinakita at ipinaramdam ng mag-asawang Marc Pingris at Danica Sotto sa kanilang mga kasambahay.

Tumatanggap ng mga papuri at paghanga sina Marc at Danica mula sa netizens dahil sa tunay na kapamilya na trato nila sa mga kasambahay.

Tuwing Valentine’s Day, hindi nakakaligtaan ng mag-asawang bigyan ng bulaklak at heart-shaped balloons ang kanilang mga kasambahay, na maligayang-maligaya dahil sa importansiyang ibinibigay sa kanila ng Pamilya Pingris.

marc pingris gives flower to kasambahay

Continue reading below ↓

Alam ng followers nina Marc at Danica na sincere at hindi pakitang-tao ang mabuting pakikisama nila sa mga kasambahay dahil sa kanilang mga nakaraang social media post.

"Sinurprise namin ng flowers at balloon ang mga kasambahay namin. Baka nga hindi na sila na-surprise dahil taon-taon ko na itong ginagawa," saad ni Marc sa caption ng kanyang short video.

Mapapanood sa video ang pagbibigay niya ng mga bulaklak at lobo sa mga kasambahay na malaki ang serbisyo sa kanila kaya taus-puso ang pasasalamat nila.

May dahilan para kainggitan ang mga kasambahay nina Marc at Danica dahil sa makataong pakikitungo sa kanila ng mag-asawa.

marc pingris valentine surprise for house helpers

Continue reading below ↓

Mismong si Marc pa ang nagyayang magkaroon sila ng group picture matapos ipamahagi sa mga kasambahay ang mga lobo at bulaklak na inihanda nila ni Danica.

"Part sila ng buhay namin ni Danica at na-appreciate ko sila sa lahat ng ginagawa nila kaya gusto ko nararamdaman din nilang special sila.

"Ang mahalaga napaparamdam natin sa pamilya natin araw-araw ang pagmamahal natin sa kanila, may bulaklak man o wala, Valentine’s man o ordinaryong araw," pahayag ni Marc tungkol sa trato ng pamilya niya sa kanilang mga kasambahay, may okasyon man o wala.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marc Pingris (in white sando), binigyan ng white roses at special balloon ang misis na si Danica Sotto (third from left) at bouquet of flowers para sa anak na si Anielle Micaela (second to the left). May inihanda ring flowers si Marc para sa tatlo nilang kasambahay.
PHOTO/S: @jeanmarc15 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results